Explicit Words are used in this part.
WARNED.HONEYDEW
THE WORST BIRTHDAY PART 1
~ • ~
THIRD PERSON
Gulo.
Hindi maiiwasang may kaakibat na gulo sa bawat pagkakataong magharap ang landas ng grupo nina Andy at Daphne. At sa bawat gulong natatapos nila, kay Daphne lahat nagsisimula. Bigla na lang niyang susugurin ang walang muwang na grupo nila Andyang, kahit pa wala naman talaga siyang ginagawang kasalanan. O sa isang paliwanag, trip lang talaga ng grupo ni Daphne na makipaglaro ng pisikalan.
Nagsimulang kumulo ang dugo ni Daphne nang aksidenteng matapunan siya ng asido ni Andyang sa magkabilang kamay. Isang hindi sinasadyang insidente. Kaya sa tuwing magkakadaupangang palad ang dalawa, handang manaksak sa likod si Daphne dahil sa pilat na habangbuhay nang nakaukit sa mga palad niya.
Si Daphne. Pang-apat siya sa mga nangungunang estudyante sa pribadong Unibersidad na pinapasukan nila. Isang classroom president—na hindi na nakapagtataka dahil sa kakayanan niyang manguna sa lahat ng bagay, mayaman, takot ang lahat sa kaniya, at higit sa lahat, may kapit sa itaas dahil isang iginagalang na Principal ang Dad niya. Kaya lahat ng mga taong nakapaligid, ilag marinig pa lang ang bigat ng mga takong niya.
Subalit sa kabila ng lahat ng kapangyarihang taglay ni Daphne, isang tao lang sa room nila ang palagi niyang dinuduraan ang pangalan at lantarang binabalatan ang pagkatao.
Si Andy.
"Daphne, please. Ayaw na namin ng gulo." muling pakiusap ni Andyang sa mahinahong paraan habang hinihila si Yanna upang maghanda nang umalis sa kantina. "Kaya kung puwede lang, mauuna na kami."
Hindi pa man kumpleto ang dalawang yapak ni Yanna, hinarangan na sila ng dalawang kasama ni Daphne na nagngangalang Tifanny habang ang isa naman ay ang gumamelang si Vincent.
Natigil sila sa pagbagtas, sabay labas ng buntong hininga ni Yanna'ng parang sinasabing, kayo na naman?
Tumaas ng sabay ang kilay ni Tifanny at Vincent habang nakahalukipkip ang magkabilang kamay sa kili-kili. "Not so fast, bitches."
Sa kabila namang banda ay pasunod na rin sana si Lorencio kina Andy nang mahina siyang itinulak ng boyfriend ni Daphne na si Cayde. "Going somewhere?"
"Huwag mo nga akong hawakan!" asik ni Lorencio nang magawa siyang itulak sa dalawa niyang balikat. Buwisit!
Nang mapagtanto ni Andy na wala talaga silang balak paalisin ni Daphne, bahagya siyang napaatras para harapin ang paulit-ulit na lang na kalokohan ni Daphne. Ibinaba ni Andyang ang bag niya sa upuan at humanda sa mga kasinungalingang muling imumungkahi ng grupo nila.
"Andy umamin ka na, puwede? Don't make this the hard way. Wala ka nang takas. So, tell me, bitch. Hindi ba't sa 'yo ang marker na 'to?" masungay nitong tanong na ipinamukha pa kay Andyang ang nakuhang marker sa puting mesa. Sa marker nakasulat ang pangalan niya at alam ni Andy na sa kaniya nga ang bagay na 'yon. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung paano iyon napunta kay Daphne.
"'Sing kapal at 'sing gaspang nga naman talaga ng batong panghasa 'yang pagmumukha mo ano, Andy? Binuksan mo pa talaga 'yong locker ko sa Gym para lang ilagay 'yang nakakadiring tae mo sa uniform ko!" hindi nito makapaniwalang diin habang itinuturo ang uniporme niyang may bahid ng kadugyutan. Isang umaalingasaw na bagay na nagpatakip sa lahat ng ilong ng mga estudyanteng nanonood sa hinahasa nilang teleserye.
Lakas-loob at walang kinatatakutan, gaya ng paulit-ulit na niyang ginagawa kay Daphne, ay muli itong sinumbatan ni Andyang.
"Daphne, sandali nga lang. Heto na naman ba tayo?" Isang pagkairita ang lumabas sa mukha ng dalaga. Gano'n din sina Yanna at Encio na mahahaltang nasusuya na sa kanilang apat. "Daphne, inuulit ko, nananahimik na kami. Kaya please. Itig—"

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...