VIOLET
POISON IVIES AND DAISIES
~ • ~
ANDY
Nahihilo pa rin ako.
Kahit pa tinapalan na ni Yanna ng gamot ang mga sugat at pasang nakuha ko kanina, nahihilo pa rin ako na anytime, alam kong puwede akong bumagsak. Kaya napahimas ako ng mabagal sa sentido at pumasok na naman ang mga katanungang hindi ko alam kung paano masusolusyonan.
Ano na lang kayang sasabihin sa akin ni tatay kapag nakita niya akong ganito? Hindi ko naman puwedeng ipalusot na nakuha ko 'to sa kalampahan ko. Paniguradong magagalit na naman 'yon sa akin at itatanong kung sino'ng mga gumawa nito sa 'kin—sa amin. Mababahala na naman siya at ayokong dumagdag pa sa pagod niya lalo na't kagagaling niya lang sa trabaho.
Si tita naman, malayo pa lang ako sa bahay, naririnig ko na kaagad ang matinis niyang boses. Bubungangaan na naman ako no'n ng mga masasakit na salita kapag nakita niya 'kong ganito.
Ano ba kasing nakain ni Daphne at ginagawa niya 'to sa amin? Nabaliw na talaga siya! At hindi ko lubos maurirat na kaya niyang gawin ang lahat masira lang ang buhay namin. Sawang-sawa na talaga ako sa sobrang kawalang pinag-aralan niya.
Na-expell sila sa university. Pero para sa akin, kulang pa 'yong bayad sa magda-dalawang taong pagmamalupit ng grupo niya sa amin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyari sa kanila, eh. Ang alam ko lang, sana hindi na magkrus ang mga landas namin kahit kailan, dahil hindi ko na rin alam kung anong magagawa ko sa kaniya kung magkataon.
Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagkahilo o nagsawa na ako sa amoy ng aircon, pero naduduwal ako. Sayang naman ang ganda ng sasakyan kung sisirain iyon pagsuka ko sa sasakyan. Mabuti na lang talaga at dumating si Prim. Kung hindi dahil sa kaniya, siguro hanggang ngayon, pinagkaka-isahan pa rin kami nina Daphne. Tatanawin kong utang na loob ang pagtulong niya sa amin.
"Sophia, hindi ka pa ba bababa?" Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang may lahing binatilyo sa harapan. Hindi ko man lang namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
T-teka?
Paano niya nalamang dito ako nakatira? Hindi ko naman nabanggit sa kaniya na dito ako bababa ah? Tsaka, tinawag niya akong... Sophia?
Agad akong napasilay sa repleksyon ng mata niya sa rear-view mirror at kinunutan siya ng noo. "P-paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
Nagkibit balikat lang siya, "Instinct?" sabay tawa ng kaunti. Sa mga ikinikilos niya ngayon, hindi ko alam pero kinikilabutan na ako.
"Tinawag mo rin akong Sophia? Sorry pero, nagkakilala na ba tayo?" naguguluhan ko uling tanong dahil alam kong hindi ito normal para sa kagaya niyang ngayon lang ako nakasama.
Sophia. Isang pangalang napaka-sagrado para sa akin sapagkat si nanay lang kasi ang nagtatawag sa akin ng ganiyan at wala nang iba. Kaya magtataka talaga ako kung may magtawag man sa akin ng Sophia lalo na sa taong hindi ko naman kilala.
Pinilit niya akong harapin at itinapat ang hintuturo sa bandang tiyan ko. Nakita pala niya ang buong pangalan ko sa ID kong magtu-two years nang hindi napapalitan ang lanyard. Binaliktad ko kaagad 'yon matapos niyang maipakita sa akin ang biloy niya sa pisngi. May naalala tuloy ako sa mga biloy niya.
Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya ka, Andyang! Kung anu-ano pa man din ang iniisip ko tungkol sa kaniya. Ano na lang kaya ang iniisip niya tungkol sa akin? Hay...
Lumabas siya mula sa driver's seat at pinagbuksan pa ako ng pinto. Medyo nahiya naman ako sa kaniya dahil kaya ko namang gawin 'yon para sa sarili ko. Sobrang nakakahiya rin para sa aking pinasakay na nga, hindi pa marunong magbukas ng pinto ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...