EBONY

9 0 0
                                    

Explicit words are used in this part.
WARNED.

~ • ~

EBONY

THE WORST BIRTHDAY PART 2

~ • ~

ANDY

Magulong katanungan.

Natapos na ang lahat ng subject at patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng kung anu-ano tungkol kina Daphne. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa Detention Office, hindi na namin sila nakita sa room. Panay naman ang tanong ng mga kaklase namin kung ano raw ang nangyari sa kanila sa Office. Pero pati kami, hindi alam ang isasagot. Posible kayang na-kick out na sila sa University?

Huwag naman sana.

Ewan ko rin sa sarili ko. Ang lakas kasi ng lebel ng kunsensya ko. Kapag kasi nadamay ako sa isang sitwasyon at may nangyaring masama, kahit siya pa ang may kasalanan, feeling ko ako 'yong may kagagawan kung bakit sila nagkagano'n. Parang pumapasok sa utak ko ang mga pangu-ngunsensya nila na kaya sila nagkagano'n nang dahil sa akin.

Matapos ang nangyari kanina, nagpalit kaagad ako ng blouse. Mabuti na lang at may nagiisang extra pa ako sa locker ko. Nag-insist naman si Yanna'ng tahiin ang strap ng bag ko dahil nga sa pinutol ng baliw na Daphne na 'yon. Napakarami pang filler ang naganap, sa cafeteria pa rin kami napadpad sa huli. At gaya ng inasahan ko, ang dami na namang hindi alam ang ibig sabihin ng bulungan. Nagbulungan pa, rinig ko naman.

Hindi na sila nahiya.

Parang hanging natapos ang klase at pauwi na kaming tatlo at wala pa rin akong ibang iniisip, kundi sila.

"Oo nga Andyang, kanino ba 'yan galing?" Bigla akong nabalik sa kasalukuyan nang hinahatak na naman ako pailalim ng pagiisip. Walang kaalam-alam ko'ng tiningnan si Yanna dahil siya ang may-ari ng boses na 'yon. Hindi na naman ako nakikinig.

"Huh? Ano 'yon?"

Tinignan niya ako ng masama at nilunok 'yong kwek-kwek na kinakain niya. Nagalit na yata. Kanina pa kasi ako wala sa sarili—iniisip kung ano na nga bang nangyari kina Daphne.

"I said, kanino galing 'yang golden necklace mo?" Hinawakan ko 'yong pendant ng suot kong kuwintas at nalamang nakalabas na pala 'yon.

"Ah ito ba? Regalo 'to ni Tatay. Gumastos na naman ng malaking halaga para lang mabili 'to sa Sentro." walang emosyon kong sagot sabay subo ng Piatos na libre ni Encio kaya sila nagtaka.

"'Yon naman pala, eh. Bakit parang hindi ka masaya?" sunod na patong ni Encio sabay inom ng naka-bottle na Pepsi-Cola.

Nakakainis lang kasi si Tatay. Ang laki-laki ng ginastos niya para lang dito sa kuwintas na 'to. Ang dami pa namang ibang pekeng kuwintas na mabibili sa Sentro pero ito pa rin 'yong pinili niya. Eh, alam naman niya na pagdating sa ganito, hindi ako mapili. Kahit tigli-limang piso o pabasahang damit pa 'yan basta matino at galing sa puso niya, pahahalagahan ko. Mapilit lang talaga si Tatay.

"Si Tatay kasi ang kulit. Alam naman niyang nagtatampo ako kapag ganito kamahal 'yong mga ibinibigay niya sa akin. Ang dami pa naman ding gastusin sa bahay. Pero ito pa rin 'yong inuna niya. Pinamukha na naman tuloy sa akin ni Tita na dapat matuto kaming magpaka-praktikal dahil mahirap lang kami—na mahirap namang kontrahin."

"Well," napahinto si Yanna sa pag-inom ng Mountain Dew saka sumagot. "...if that's the case, why not i-appreciate mo na lang 'yon dahil kahit papaano, kahit ganiyan lang ang estado niyo sa buhay, naibibigay pa rin sa 'yo ni Tito 'yong mga ganiyang bagay, right? Siyempre as a father, hindi ka man niya mabigyan ng magandang debut and boggang handaan today, at least he gave you a gift that would make you feel so special. So, why not, ngumiti ka na lang diyan dahil araw mo 'to."

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon