TANGERINE
MARY RIHANNA 'YANNA' DOMINGO
~ • ~
YANNA
Nakakabangag.
Nakakabangag dahil almost four hours lang ulit ang tulog ko. Bakit? As usual, nag-aaway na naman sina Mom and Dad. Actually, kagabi pa sila ganiyan pagdating ko galing University. At hanggang ngayong paggising ko, ang aga-aga, nagsusumbatan na naman sila. Gabi-gabi na lang silang ganiyan. Hindi ba sila nauubusan ng mga salitang ibinabato nila sa isa't isa? Kasi kami dito sa loob ng mansyon, rinding-rindi na. Paulit-ulit at paikot-ikot na lang 'yong issue nila sa loob ng five years nilang nag-aaway. Saka, hindi ba sila aware na nadidinig sila ng eight years old kong kapatid? Naga-away sila sa harapan kung saan naririnig at nakikita sila ng bata. Ano na lang kayang iisipin niya kung bakit lagi na lang silang nagbabangayan? Psh! Bigyan ko na lang kaya sila ng tig-isang samurai nang maitigil na?
Argh! I hate this kind of Life. I'm always tired and my mind is always occupied! Paniguradong sariwa na naman ang eye bags ko pagdating sa school. Argh!
Wala na akong sinayang pang mga oras at nagbabad na ako sa C.R. pagmulat pa lang ng mga mata ko. Alas sinko ako ginising ng alarm clock, which means, puwede kong bagalan ang pagkilos ko. Halos 30 minutes akong lumublob sa tub para naman maginhawaan ang hindi masyadong sexy kong katawan at agad na lumabas ng room matapos makapag-uniform at makapag-make up. Make-up--concealers, para hindi naman halatang haggard at bangag ang hitsura ko. Mahirap nang masabihan ng pangit, baka hindi ako makapagpigil.
Pagpihit ko pa lang sa knob,
"Oh ano, Tina? Hindi ka makapagsalita dahil totoo?" rinig kong sigaw ni Dad kay Mom.
"Bakit Danilo? Ako lang ba ang may kasalanan sa pamilyang 'to? Huwag kang nagmamalinis na parang ako lang ang may problema sa ating dalawa. Hindi ba ikaw nga 'tong may kinakalantaring kabit?"
Kabit, querida, number two, mistress, ibang asawa, karelasyon, kalandian. Napakaraming kasingkahulugan. Mga salitang hindi na dapat nag-exist pa sa mundo. Dahil sa mga bagong salitang umuusbong ay ang siyang pagguho ng mga pamilyang minsan kong tinawag na buo.
"Huwag mong isusumbat sa 'kin 'yan dahil matagal nang panahon ang issue na 'yan!"
"Matagal? Eh, sino 'yong nakita ko no'ng isang linggong kahalikan mo sa parking space?! Do you have another explanation for that?"
"Shut that plot! You're now making stories, aren't you? Saka sandali nga lang, bakit ba nasa akin na bigla ang usapan? Tinatakbuhan mo naman 'yang pagkakamali mo, ano? Ang sabihin mo, sugalera ka. Akala ko ba itinigil mo na 'yang bisyo mo? Eh, anong ginagawa mo sa Casino no'ng isang araw? Huh?! Sabihin mo nga!"
"Hayop ka. Oo nagsusugal ako do'n. Pero--"
"Bullseye! See? Umamin din. Nagsusugal na naman ang adik sa Casino. Boom! Ilang taon ka nang bilanggo do'n, huh? Saka umamin ka nga sa akin. Ikaw ba ang tumangay ng 75 Million sa vault ko noon?!"
"Danillo, tama na. Please magpapaliwanag ako."
Ramdam ko ang emosyong dumadaloy sa garalgal at inosenteng boses ni mom. And everytime I hear her voice like that, pinapaalala lang niya sa 'kin kung gaano ka-superior si Dad pagdating sa lahat. Naaawa ako sa posisyong ginagalawan ngayon ni mom.
"How dare you, Tina! So, tama pala ang hinala ko sa una pa lang. Tina, ginawa mo akong tanga! Akala ko nilooban tayo noon. Pero ikaw pa pala na asawa ko ang nagnakaw no'n! Mukha kang perang hayop ka! Siguro ngayon masaya ka na, ano? Masaya ka na siguro dahil baon na baon na tayo sa utang. I warning you now, Tina. Isang beses pa na maulit ang bagay na 'yan at makita ko ulit 'yang pagmumukha mo sa Casino na 'yon... magsisisi ka."

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...