LAVENDER

4 0 0
                                    

LAVANDER

PETALS OF SECOND CHANCES

~ • ~

ANDY

Nakangiting kabado at may kaunting pag-aalinlangan.

Ganito ko maihalintulad ang nararamdaman ko ngayon habang nasa harapan kami ng H&A's 24 Carat Building na makikita rito sa Sentro. Kilala ang building na 'to sa pagtitinda ng mga mamahaling alahas at dyamante. Nababahag, dahil hindi namin sigurado kung tutuloy pa ba kami sa entrada ng gusali o uuwi nalang.

"Paano kung hindi 'yan totoo?" namamalat ko pa ring pasubali habang nakatitig sa mga hawak na dyamante ni Encio. Iniwan namin sa tree house ang halaman at pumitas lang ng tatlong bunga nito. Sa tansya ko, nasa mga sampong piraso ang bunga ng bonsai na 'yon.

Sabay na tumingin ang apat at dalisay na mata sa direksyon ko. "Andyang," pinangunahan ito ni Encio, "kaya nga tayo nandito para makasiguro. Wala namang mawawala. Saka hindi pa ba sapat 'yong mga ginawa natin kanina para sabihing tunay nga ang mga 'to?" Sinubukan na namin iyong pukpukin ng martilyo at makailang beses pang tinapak-tapakan pero ni isang gasgas, wala talaga kaming makita.

Hinigpitan pa lalo ni Yanna ang hawak niya sa palad ko at sinabing, "Andyang, we got this."

Atim-bagang, sumabay na lang kami sa mga taong pumapasok sa mamahaling gusali. Sa pagpasok sa loob, iisa lamang ang naamoy ko at ito ay ang kulay asul na pera. Lahat ng mga taong narito, nakasoot ng mga mamahaling amerikana at dahil sa chandelier na makikita sa gitna ng malaking bulwagan, mas lalo pang kuminang ang mga kutis ng mga taong mukhang amerikano.

Para tuloy akong lalamunin ng lupa dahil sa sobrang engrandeng lugar na kinatatayuan namin. Hindi ko na rin mapigilang maikumpara ang suot kong pambahay sa mga damit nilang hindi mabahiran ng alikabok.

Ako lang rin pala ang nakatsinelas rito.

"There." Sinundan lang namin si Yanna dahil siya ang nagrekomenda sa lugar na ito. Hindi na kami nagtaka ni Encio kung bakit nito alam ang ganitong mamahaling lugar.

Para lang itong bangko at sa gilid ng hall ay napakaraming mga counter and jewelry stores. Hindi dagsain ang lugar kaya hindi na kami nag-abala pang pumila sa counter number 5.

"Good morning." Sorang laking ngiti ng babaeng nakakulay asul na uniporme na bumagay sa tema ng buong building. Kung hindi ako nagkakamali, Avie Castillo ang nababasa ko sa itim nitong nametag.

Si Yanna ang nakipagusap sa babaeng nasa loob. Naglabas ito ng mabilis na hininga. "Hi, uhm... is it possible po if you can help us test the authenticity of our diamond? Uhm, we just want to confirm its legitimacy." Makikita mo sa mukha ni Yanna ang maluha-luha niyang mata na ikinukubli ng pilit niyang pagngiti. Hindi ko naman siya masisi dahil ganiyan rin ako kapag kinakabahan.

"Yes po, maam. It's part of our service." Isang kaginhawaan para sa akin ang sinabi nung babaeng nakapuyod. Walang pagaalinlangan, kinuha ni Yanna ang tatlong mga dyamante sa loob ng panyo ni Encio at ibinigay ito sa desk clerk. Hindi ko na alam kung ano ang mga sunod pa niyang ginawa para kumpirmahin ang tatlong dyamante pero sa bawat minutong nababawas ay siya ring minutong dumadagdag sa kaba ng palapulsuhan ko.

Dumating kami sa punto na pinaupo muna kami dahil medyo matatagalan daw ang pagkumpirma sa mga ito. Hindi ko alam kung hudyat ba 'to na totoo ang mga dyamanteng 'yon o kung may aberya na palang nangyayari sa loob.

Pero matapos ng halos kalahating oras, tinawag na kami nung clerk. "It's real ma'am." Ibinalik niya sa amin ang mga dyamante na ngayon ay nakasilid na sa kulay asul na kahon. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas 'yong kilig na nararamdaman ko ngayon. Pero gaya ko, napayakap nalang din ako sa dalawa nang ipatong ng nakangiting Encio ang braso nito sa akin.

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon