INDIGO
GOLDEN LOCKET
~ • ~
ANDY
Isang buwan.
Kung susumamuhin mo, 30 days lang naman ang araw na 'yon pero para sa amin, napakahabang oras ang nawala para sa amin ni Yanna. Dahil no'ng bakasyon last year, nagpaalam siya sa amin ni Encio na magbabakasyon raw siya sa Tagaytay papunta sa kamaganak niya. Puwede naman kaming sumama pero binigay na namin ni Encio ang tatlumpong araw dahil alam naming para 'yon sa paghahanap ng sarili niya. Masyado na raw kasing toxic sa bahay niya at hindi namin siya masisisi sa bagay na 'yon. At sa buwang wala siya ay ang parehong buwan kung kailan 17th birthday ni Encio.
"Actually, matagal ko na 'yang pinagawa but ngayon lang siya dumating." Ang sabi ni Yanna at biglang umingay ang paligid nang malamang nagbabalik-tanaw na naman pala ako. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng caldereta at gulay dito sa labas ng malaking cafeteria. Ngayong may pera na raw kami, ang sabi ni Encio, dapat ay kumain na rin ako ng karne. Hindi 'yong pagulay gulay lang daw ako na wala naman kunong protina. Dinagdagan pa niya 'yan ng peras at isang tasang mashed potato at bumili pa siya ng milkshake. Anong dahilan? Dahil raw namamayat na ako.
Nandito kami sa labas ng cafeteria kung saan puno ang bubungan namin. Hindi ko alam pero nung first year pa kasi kami dito laging kumakain. At matic na 'yon na kapag gagawa ng assignment o kung anoman, dito lagi ang bagsak ng mga puwet namin.
"Hindi ko alam kung mao-offend ba ako sa bigay mo Yanna eh. Pero gago ang ganda." Manghang-manghang sabi ni Encio habang hawak ang sinabi ni Yannang medal of Saint Benedict na kulay ginto at may disenyong krus sa medal. "Suot mo naman sa akin Yanna. Ito kain lang ng kain."
Kung katabi lang ako ni Encio, maging ako ay nahampas na rin siya. Pasalamat siya at nasa harapan ko silang dalawa ni Yanna. Pero sa lakas ng hampas ni Yanna, alam kong sapat na 'yon para patigilin ang lumalabas sa bibig nitong lalaking 'to. Ayaw pa naman din ni Yanna na sinasabihan siya ng gano'n.
Actually, hindi naman mataba si Yanna. Sakto lang ang katawan niya at sinasabihan lang siyang mataba ni Encio dahil nung mga bata kami, lagi niyang inaasar si Yanna na baboy dahil sa taba ng mga pisngi niya. Pero ngayon, pumayat naman na ng kaunti si Yanna.
Sinuot nga ang gintong kuwintas ni Yanna at laking ngiti niya dahil ngayon lang ata siya nabigyan ng mga ganiyang aksisorya. Lalo na't mula pa 'yon kay Yanna.
"Ano namang purpose nito?" tanong ni Encio habang hawak ang pendant bago sumubo ng nabili niyang lasagna. Cheese lover kasi siya kaya hindi ko na rin natanong kung bakit lagi siyang bumibili ng ganiyan kapag kainan na.
"Para raw ilayo ka sa mga masasamang kaluluwang laging nagmumura." Pagbibiro ko habang iniinom ang tubig dahil kanina pa ko nabubulunan sa pinapaubos ni Encio. Aaminin ko na hindi ako sanay na kumain ng mga ganito karaming pagkain.
Tinignan ko ang nakakunot na mukha ni Lorencio habang ngumunguya. "Tangina, parang hindi naman gumagana." At muntik ko na siyang mabato ng hawak kong tasa ng mashed potato. Hindi talaga ako makapaniwala sa tibay ng dila niya.
Matapos magpunas ng bibig ni Yanna dahil tapos na siyang kumain ng pasta, pinaliwanag niya ang lahat. "They said it's a symbol of opening doors and opening difficult paths. It protects you from curses, evil and vice, against diseases and protects someone's good health."
Ang ganda pala ng sinisimbolo ng kuwintas niya. Sumisimbolo pala 'yon ng panibagong buhay at panibagong pagkakataon para sa panibagong mundong tinatahak namin ngayon.

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...