AQUAMARINE

11 1 0
                                    

AQUAMARINE

THE BLACK LADY'S TALE

~•~

ANDY

Ayoko nang mabuhay.

Oo, pinal na 'yan. Wala na talaga kasi, eh. Iniwan na nila akong lahat. Wala na akong karamay sa buhay at kailangan ko nang tanggapin na ako na lang talaga mag-isa. Ako na lang ang susulong sa nakakaumay na alon ng buhay at sarili ko na lang ang siyang aasahan para lang mabuhay sa dagat ng kalbaryong sinasagwan ko araw-araw. Ako lang ng mag-isa.

Mag-isa.

Mag-isa akong naglalakad ngayon pauwi na ng bahay. Wala na akong paki-alam kahit sabihin pa ng mga taong para akong tangang umiiyak rito, pugto ang mga mata, mukhang pulubi na halos paika-ika na sa paglalakad, sa pusod ng gabi. Dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon, wala na talaga akong paki-alam sa mundo—kahit masagasaan pa ako.

Kagagaling ko lang ng ospital at naglalakad ako ngayon dahil wala na akong perang pamasahe pa-uwi. Galing ako nang ospital dahil sa dalawang dahilan. Una ay para makita ko si Nanay na nakaratay na sa morge. At ang pangalawang dahilan ay para sana makita ko si Tatay pero hindi ko nagawa. Bakit? Dahil tumawag sa 'kin ang hindi ko kilalang numero at kailangan ko pa raw na i-claim ang katawan ni tatay sa hindi ko naman kilalang ospital. Ang sabi sa akin no'ng nagpakilalang pulis, tumilapon raw sa daan ang sinasakyan niya dahil sa mabilis na truck na bumangga sa kaniya. At ang sabi pa sa akin ay pagkatilapon ng sasakyan ni tatay, bigla 'yong sumabog. Kaya at hindi na naman ako makahinga nang malaman kong hindi na makilala ang katawan ni tatay at mabuti na lang raw at buhay pa ang cellphone na ako ang last contact.

Ilang oras na akong hindi kumakain at hindi natutulog. Naka-uniporme pa rin ako at hindi ko man lang namalayang Sabado na pala ngayon ng madaling araw. At ilang oras na rin pala akong parang tanga at hindi nakaka-usap sa ospital. Nakabantay lang ako sa labas ng morge at naghihintay ng himalang baka mabuhay pa ang nanay. Pero hindi, eh. Totoong wala na siya—sila. Iniwan na nila ako!

Iniwan na talaga nila ako.

Nang makita kong may tabing ang buong katawan ni nanay, ang pinaka-unang pumasok sa utak ko ang magpakamatay. Gustong-gusto ko na talagang sumama sa kanila. Kasi wala na ring saysay ang buhay ko, eh. Nakikita ko na 'yong magiging estado ng buhay ko pagkatapos ng lahat ng 'to. Nakikita ko na ang sarili kong nakahimlay sa gitna ng paghihirap at mga kalbaryo. Gusto kong magmura at gusto nang saktan ang sarili ko para mawala na rin ako sa mundong ito. Gusto ko na lang mamatay para wala na akong pinoproblema!

Bakit?

Kasalanan ko ba ang lahat ng 'to? Ako ba dapat 'yong tamang taong dapat makaranas ng lahat ng 'to? Ako ba?! Kasi kung susumamuhin, hindi eh! Hindi ako. Alam ng Diyos na wala akong ginagawang mali sa kaniya o sa kapwa ko. Hindi ako nagnanakaw, gumagawa ng kasalanang alam kong pagsisisihan ko sa dulo, at lalong hindi ako pumapatay. Kaya tama lang bang ako ang patawan niya ng ganito? Kasi sawang-sawa na akong umunawa, eh! Sawang-sawa na ako sa pang-araw-araw na problemang ito at awang-awa na ako sa sarili ko!

Ayokong manisi pero parang gusto ko na ring sisihin ang Diyos, eh. Gusto ko siyang kausapin at kuwestiyunin na kung bakit sa lahat ng tao, ako pa ang napili niyang ilagay sa ganitong kalagayan? Parang gusto ko lang makakuha ng sagot kung... bakit ako pa?

Natatawa nga ako, eh. Ang sabi nila, masarap daw ang mabuhay. Pero masasabi mo pa rin ba 'yan sa sarili mo kung nasa ganito ka nang sitwasyon? Hindi. Dahil masasabi mo lang na masarap mabuhay kung araw-araw, lahat ng mga nangyayari sa 'yo, masasabi mong kakunte-kuntento. Masasabi mo lang na masarap, kung sa bawat pagtulog mo, wala kang nararamdamang sakit o iniisip na problema. Kaya hindi sa lahat ng oras, masarap mabuhay. Nakadepende 'yan sa sitwasyon ng isang tao.

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon