NAVAJO WHITE
THE PUISSANT PETALS OF CRADIAN ROSE
~ • ~
ANDY
Kakaiba.
Iba talaga sa pakiramdam na kasama ko sa napakatahimik na lugar na ito sina nanay at nanay. Pagaspas ng ibon, huni ng mga galang insekto, at tawanan lamang naming tatlo ang naririnig sa madamong lugar na 'to. Naka-upo sa inilatag na tela, kumakain ng simpleng handa, habang pinapanood na lumisan ang gintong araw—ito na yata ang pinakamasayang kaarawan na ibinigay sa akin ng Diyos.
"Oh, Sophia? Puwede ko bang malaman kung ano'ng hinuhukay ng pagi-isip mo?" Nabling ang tingin ko kay nanay at bahagyang naglabas ng mahabang ngiti. Humarang ako sa pagitan nila ni tatay at yinakap sila ng sobrang higpit.
"Oh, ngayon naman ang lambing mo." sabi naman ni Tatay. "Ano bang nangyayari sa 'yo anak?"
"Masaya lang po ako dahil kumpleto po tayo. Sana, ganito na lang po tayo palagi. 'Yong nakatawa lang na parang walang problema. Na kahit bagsakan pa tayo ng maraming problema, lagi po natin 'yong nasusolusyonan ng sama-sana." Buong-puso kong paliwanag sa kanila na parang naguguluhan sa sinasabi ko. Pero hindi pa rin maaalis ang saya sa mga ngiti nila.
"Siyempre naman, Andyang. Pamilya tayo, eh." komento ni tatay.
"Oo nga. At ang isang perpektong pamilya, hindi nag-iiwanan." Sang-ayon naman ni nanay na hindi talaga nagsasawang pakalmahin ang damdamin ko. Maya-maya pa, sabay nila akong niyakap nang napakahigpit.
Pamilya.
Hindi nag-iiwanan.
Hindi ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap nila. Lagi nila 'yong ginagawa sa akin 'pag magkakatabi kaming tatlo. Gaya ngayon. Subalit bigla na lamang nawala ang saya sa mga labi ko nang maramdaman kong unti-unting lumuluwang ang pagkakayakap nila. At sa pagdilat ko ng mga mata, wala na sila nanay at tatay. Magisa ko na lamang nakaupo sa malawak na parkeng ito na tila isang bulang nangyari. Na sa isang ihip lang ng hangin, sabay pa silang kukuhanin.
Buong taka akong tumayo sa madilim na lugar at wala na akong makita pa. Sa isang iglap lang, wala na 'yong berdeng kapatagan, wala na 'yong lugar kung saan pinapanood naming lumubog ang araw, wala na ang nanay at tatay, at wala na akong ibang mahagilap kung hindi ang itim na lugar na unti-unti akong nilalamon.
Tinangka kong tumakbo para sana hanapin sila habnag sinisigaw ang kanilang ngalan, subalit wala akong nakukuhang sagot. Umiiyak na akong humahakbang para lamang mahanap sila. At pag-banta ko ng isang hakbang, bigla akong nahulog sa isang walang katapusang hukay. Unti-unti akong nilamon ng napakapait na reyalidad at wala na akong maramdaman pa. Nahihirapan akong huminga at sa pagdilat ko ng mga mata, isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin.
Napabalikwas ako.
Nakatutok sa akin ang liwanag ng na bukas pintuan.
"M-magandang umaga, Andyang. Sakto, tapos na ring maluto 'tong niluluto ko." Nilibot ko ng tingin ang buong lugar kung nasaan ako. Bakit ako nakakumot? Pagtingin ko sa gawing kanan ay may nahulog pang bagay sa sahig. Isang basang towel. Kumirot bigla ang ulo ko kaya napahawak ako ro'n.
Ang huli kong natatandaan, nahimatay ako sa wishing well kagabi. Paano ako napunta rito sa bahay namin? Wala akong maalalang naglakad ako pauwi nang mag-isa.
"Andyang, pasensya ka na, nangi-alam na ako." saad ulit ni Aling Tess na hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya rito. Naka-upo ako ngayon sa mahabang upuan malapit sa kusina, kaya kita kong may inaasikaso siya sa mesa. Suot niya ang apron na ginagamit ni tita sa pagluluto noon at kung hindi ako nagkakamali, lugaw ang naamoy ko.

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...