ALIZARIN
"THERE'S A TIME AND PLACE FOR EVERYTHING"
~ • ~
ANDY
Hindi ako nakatulog ng maayos.
Hindi dahil sa nanalo kami ng lotto at kailangan namin itong i-claim bukas, pero sa kadahilanang wala na raw kaming pasok bukas sabi sa announcement para ihanda ang sarili namin sa mangyayari sa sabado: senior high night. Excited kasi ako dahil sa plano namin nila Yanna na pagkatapos naming kuhanin ang invitation letter sa office ni ma'am bukas ay diretso kami sa pag-claim. At pagkatapos raw no'n ay ang pag-withraw ng pera para makapag-renta na kami ng gown at suit naman raw para kay Encio. Kaya sabihin niyo nga, sinong hindi magiging excited sa mga mangyayari?
Siguro 'yong iba, sobrang sanay na sa mga ganito. Pero ako, para akong batang pinangakuan ng Jollibee sa unang pagkakataon. Iba kasi talaga kapag unang beses mo pa lang sa mga ganito. Para ka talagang matatae ng wala sa oras.
"Andyang hindi ka pa ba tapos? Naghihintay na si Yanna!"
Kaya wala na akong sinayang na oras at nagbihis na kaagad ako dahil kanina pa raw nagchachat si Yanna sa gc na naghihintay na siya sa labas ng subdivision. Doon na lang raw si Yanna maghihintay dahil tinatamad siyang pumasok.
Nandito sa loob ng kuwarto ko si Encio at walang paalam na siyang pumasok dahil magkalapit lang naman ang mga bahay namin. At kilalang kilala na siya ni tatay kaya wala nang malisya kung papasukin man siya sa kuwartong 'to.
Nang wala na akong maisip na ilagay kung hindi ang pabango, lumabas na ako sa banyo at nagsapatos na ako dahil wala naman akong matinong suot pampaa na puwedeng ipanglabas. Bagay naman ang puting 'yon kaya nang makapaglagay ng kaunting anik sa mukha, lumabas na kami ni Encio at nakita nga namin si Yanna na nakaupo sa loob ng guard house.
Kaaalis lang ng tatay dahil naghahanap pa siya ng ibang supplier ng karne. 'Yan ang sabi niya sa akin kagabi kaya walang nalutong pagkain ngayon sa hapag.
Matapos mag-tricycle papuntang school, naghihintay sa amin si Ms. President sa labas ng campus at doon na raw niya ididistribute. Nang makuha naming tatlo ang kani-kaniyang card na napakagarbo,
"Puta bilisan niyong maglakad. Nandiyan na si Kim."
Halos hindi pa nakakahinga ang araw mula sa pagsikat, mura na ni Encio ang bumungad. Halos mahatak na niya kami para lang mataguan si Kim. "Ano bang meron?"
Tumawa siya ng napakalakas at sinabing, "Tinaguan ko kasi siya kahapon. Magisa siyang uminom no'ng milktea niya." at lalo pa siyang tumawa na siya na ang may pinakanakakatuwang prank sa buong mundo.
"Encio?!"
Napatingin ako kay Yanna na kanina pa may ka-chat sa phone niya. Parang ang busy niya at parang hindi maganda ang timpla ng mga mata niya.
"Ayos ka lang ba Yanna?"
Tinignan niya ako habang nagtitipa ng mga letra. "Yup, just need to notify mom." At saka ibinulsa ang phone niya saka sinabing, "Tara kain tayo."
Wala nang nakapaghindi sa amin dahil nalaman ko na hindi pa pala kami kumakaing tatlo. Sa may gilid lang kami kumain ng mga tipikal na silog at pares.
Pagkatapos no'n ay inayos namin ang mga papeles at kung ano-ano pa para makuha 'yong perang napanalunan ni Encio. Na-transfer naman na raw sa bank account niya ang pera at sinabi sa amin na hati-hati raw kami sa halagang 'yon. At ngayon lang rin namin nalaman na nasa 700 million na pala ang mega-jackpot do'n. Kaya sobra talaga kaming nalunod dahil napakalaking halaga ng bagay na 'yon. Pero napag-alaman din namin na 20% ng napanalunan ay napunta sa gobyerno. Tapos napagusapan din namin nila Encio at Yanna na ibigay 'yong 50% ng net value ng napanalunan sa lahat ng mga charity na nasa listahan ng opisina. Hindi naman ito required pero sa gano'n kalaking halaga, talagang nilubos na namin na makatulong. Ibinabalik lang namin ang mga biyayang ibinibigay ng petals.

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...