Explicit Words are used in this part.
WARNED.~ • ~
EMERALD
LAWRENCE MCCOY 'LORENCIO/ENCIO/MAKOY' DE VILLA
~ • ~
LORENCIO
Walang kuwentang Ama.
Ganiyan ko bigyan ng kahulugan ang Papa kong wala ng ginawa sa buhay kung hindi ang uminom at mag-amok na lang sa kanto buong magdamag, araw-araw. Tsk! Lagi na lang siyang ganiyan. Uuwi na nang umaga tapos maghahanap ng pagkain sa mesa. Ang galing 'di ba? Akala mo naman may katulong siya kung makapag-utos. Ang malala doon, kapag hindi mo pinakinggan 'yong inutos niya, nagwawala. Eh, inom lang naman siya ng inom. Inom siya ng inom habang kami ni Mama, nagpapakanda-kuba na may pangkain lang siya. Malas lang niya ngayon at wala si Mama para ipagluto siya. Asa namang pagsisilbihan ko ang gagong 'yan.
"Putangina! Encio!"
Imbes na magandang bungad ang marinig kong inaasahan sa kaniya, isang malutong na mura kaagad na kasunod ng pangalan ko ang narinig. Napangisi tuloy ako dahil doon. Dapat ba akong umaray dahil sa mura niya? O dapat na 'kong masanay dahil araw-arawin ba naman niya?
Walang 'ya talaga.
Narinig ko ang kalampag ng kaldero naming walang laman bago niya 'yon ibato sa pintuan. "'Di ba't sinabi ko na sa 'yong gago ka?! Kapag uuwi ako, dapat may pagkain na sa hapag!" sigaw pa niya na paniguradong rinig na naman ng mga kapitbahay namin.
Nag-ayos lang ako ng buhok sa salaming kaharap ko at umasta na parang walang naririnig. Alangan namang unahin ko pa siya? Late na ako.
Bahala ka ngayon diyan magpaputok ng ugat sa leeg kakasigaw.
Labinlimang taon? Ilang taon na nga ba? Ewan. Basta napakatagal na siyang ganiyan; walang kuwenta at walang patutunguhan sa buhay. Pinagbubuntis pa lang yata ako ni Mama ganiyan na siya, eh: maraming kaaway, babaero pa ata ang gago, eh, at maraming kainuman saang dako pa siya ng lugar mapunta. Kahit patirahin mo pa 'yan sa gubat ng Amazon, makakahanap at makakahanap ng makakakainuman 'yan.
At ang pakialam ko? Nasaan nga ba?
Pagkatapos kong mag-ayos ng buhok, kinuha ko na 'yong bag ko para pumasok. Kung mas inagahan ko lang talagang tumayo kanina, hindi ko na sana naabutan si Papa.
"Encio! Ano ba! Nakikinig ka ba?!" pabalang pa niyang hiyaw mula sa kusina na sa tingin ko'y naghihintay sa mesa para pagsilbihan ko. Nandiyan pa pala siya?
Tsk! Manners please! Hindi man lang marunong makiusap. At kung kayo siguro nasa posisyon ko at gan'tong-gan'to ang tatay na meron kayo, baka matagal na ninyo 'tong nilayasan.
"Encio, ano ba!"
Hindi pa rin umiimik, lumabas na ako ng kuwarto. At bago ko pa man maisara 'yong pintong kahoy ng kuwarto ko, nahinto na lang ako sa kinatatayuan ko nang muntikan ko na namang nakasagupa si San Pedro.
"Putangina mong hayop ka!"
Aba't gago na talaga siya, ah!
Ibato ba naman ng gago 'yong bote ng Red Horse sa ulo ko! Mabuti na lang at lasing siya ngayon at 'yong pinto 'yong natamaan niya at doon nabasag. Kung hindi, baka magsisi siyang pinatay niya ang kaisa-isang anak na mayroon siya.
Sa sobrang nerbyos ko, muntik na kong lumaban. Nakahanda na sana 'yong nangangati kong kamao sa mukha niya, kung hindi ko lang napigilan 'yong sarili ko. Nagbuntong hininga na lang ako sa kabila nang nangangati kong talukap ng mata.

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasíaPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...