PISTACHIO

48 2 13
                                        

Explicit Words are used in this part.
WARNED.

~ • ~

PISTACHIO

TOXIC ENCOUNTER

~ • ~

ANDY

Ayoko na.

Para akong dinudurog nang paunti-unti ng letseng buhay na kinamulatan ko. Araw-araw na lang may problema. Lagi na lang ganito 'yong nangyayari. Hindi ba nauubusan o nagsasawa man lang ang tadhana na halos sa paggising ko tuwing umaga, lagi na lang niya akong pinaparusahan at sinasaksak ng katotohanan? Na para ba akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sumpang ibinigay sa akin ng tadhanang 'yan. 'Yong tipong minsan ka na nga lang sasaya, maaalala mo bigla, may problema ka pa palang poproblemahin.

Kaya, please. Please lang. Bigyan mo naman sana ako ng himala kahit ngayong araw lang na 'to. Dahil hindi ko na talaga kaya.

Nakaka-depress na.

Saka isa pa, bakit kasi sa amin pa na wala namang kayaman-yaman ibinigay ang sakit na meron kay nanay? Bakit? Ang unfair niya! Bakit hindi man lang niya kinonsidera ang estado ng buhay na mayroon kami?

Oo, kaya namin gawin ang lahat mabuhay lang. Pero, mahirap lang kami. Natutumba rin kami, napipiga rin kami, at nasasaktan din kami. Hindi ba niya 'yong kayang intindihin?

Minsan, hindi na kami kumakain ng dalawang beses sa isang araw dahil sa nakukuhang tansong sahod ni tatay. Kahit na may trabaho siya, kulang pa rin. Dahil inuuna namin ang gintong gamot ni Nanay. Sa school naman, magtataka na lang sila kung bakit wala ako. Naisip ko kasi na kung papasok ako, baka mahimatay lang ako dahil sa gutom. Ayoko namang iasa na lang sa baon ng dalawa kong kaibigan ang kakainin at kinakain ko araw-araw. Ayokong kaawaan nila ako.

Ayoko.

Huminga ako ng malalim.

Bakit kaya gano'n ano? Ang weird. Minsan, kung kailan birthday mo, doon mo parang nararamdaman na kalaban mo ang lahat.

Pero sa kabila no'n, may gusto lang sana akong ihiling ulit sa 'yo na araw-araw ko namang ginagawa. Kahit alam kong hindi mo kayang tupdin ang mga salita ko, hihiling pa rin ako dahil naniniwala akong balang araw, pakikinggan mo rin ako.

"Sana, kahit ngayong kaarawan ko lang, magkatotoo na 'tong hihilingin ko sa inyo. Isa lang naman ang lagi kong hinihiling sa inyo, eh. Na sana, pagdilat ko kinabukasan, magbago na ang lahat. Sana paggising ko, wala na 'yong sakit na palaging tumutusok at humahapdi dito sa puso ko. Sana sa pagbangon ko bukas, maranasan ko naman ang buhay nang tumatawa at wala ng iniindang kahit na anomang problema."

Idinilat ko ang mga mata matapos kong sabihin ang 18th Birthday wish ko sa harapan ng wishing well na lagi kong pinupuntahan. Hinalikan ko pa ng matagal ang huling sampong pisong barya na hawak ko at saka 'yon hinulog sa bunganga ng well. Umaasa pa rin na sana, magkatotoo nga ang mga hiniling ko.

Sana.

"Siguro naka-ipon ka na ng milyon kapag pinagsama-sama lahat ng baryang hinulog mo sa well na 'yan."

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon