Rainbow Of Life

72 5 3
                                    

Naranasan niyo na bang humiling sa isang wishing well?

'Yong tipong pipikit ka ng maayos, tapos babanggitin mo nang mataimtim 'yong wish mo, hanggang sa maihulog mo na ng buong puso 'yong baryang hawak mo sa bunganga ng well?

Ako, kung tinatanong niyo, malaking OO ang sagot ko.

Ilang ulit na ba akong naghulog ng mga barya sa napakaraming wishing well na napuntahan ko? Sa totoo lang, hindi ko na mabilang. At ang masaklap doon ay wala man lang natutupad sa lahat ng mga hinihiling ko.

Kahit isang dosenang sampong piso pa ang ilaglag ko at ilublob ko sa kailaliman no'ng well--ay wala pa ring natutupad. Gan'yan naman talaga ang buhay. Kailangan mong sumugal kahit na alam mong masasaktan ka lang. O dapat ko bang sabihin na, 'kailangan kong umasa, at bahala na ang bathalang saniban ako ng kasuwertehan'. Na parang isang namamangkang naghahanap ng isda sa disyerto.

Ewan ko ba kung bakit paniwalang-paniwala ako sa mga sinasabi nilang, 'kapag naghulog ka raw ng barya sa isang well ay posible raw na magkatotoo kung ano man ang hiniling mo.'

Kahit na hindi naman talaga. 'Di ba? Kahit na ang totoo ay naghihintay lang talaga ako sa napakalaking katangahang, "wala."

Pero bakit ko nga ba 'yon ginagawa? Bakit ako humihiling sa isang wishing well? Bakit ako umaasa na magkakatotoo lahat ng mga hinihiling ko? Bakit?

Para sana sumaya? Para makuntento? Para makaranas ng magandang buhay? O para makawala na sa kinagisnan ko nang buhay? Siguro lahat ng mga binanggit ko, 'yon ang sagot. Medyo kulang pa nga 'yata eh. Sino ba kasing hindi sasaya kung matutupad ang lahat ng mga hiling niya? Hindi ba? Sino bang hindi magpapa-fiesta kung 'yong hiniling mo na sana manalo ka ng lotto ay bigla nalang magkakatotoo.

Sino ba namang hindi sasaya, kung matutupad 'yong hiniling mong sana ma-inlove sa'yo 'yong taong mahal mo. At sino bang hindi mabubuo, kung isang araw ay bigla nalang mabuhay 'yong taong pinakamamahal mo?

Wala naman siguro, hindi ba?

Lahat naman tayo, aminin niyo, may kaniya-kaniyang kahilingan sa buhay. Lahat tayo may sari-sariling hiling na inaasam. Lahat tayo ay may mga bagay na pinapangarap, na sana'y matupad man lang sa napakaikling pamumuhay natin sa mundong ito. 'Yong kahit isang hiling lang sana ang matupad, isang kasapatan na. Kahit na sa isang pagkakataon lang na ibigay sa iyo ng tadhana 'yong hiling mo ay napakasaya na.

Minsan natanong ko sa sarili ko, bakit ba kasi napaka-damot ng tadhana? Bakit hindi man lang ako bigyan ng pagkakataon para man lang sana, ayun nga, sumaya? Bakit napaka-selfish at napaka-unfair niya? Bakit

Ang tanong ko, bakit?

*sigh*

Siguro, may mga tanong kasi na wala talagang sagot. Mareklamo lang talaga tayo. Gaya nalang ng tanong na, "Bakit tayo iniiwan?" Minsan naman, may mga tanong rin na common sense lang, masasagot mo na. At kadalasan, may mga mahihirap kang katanungan, na masasagot mo lang kung ikaw mismo ang makakaranas o makakatuklas ng sagot.

Gaya na lamang ng mga katanungang bigla ko na lang nasagot sa isang pangyayari sa buong buhay ko. Isang pangyayari na hindi ko kailanman inaasahan. Na paggising ko kinabusan, may isang bagay na lang akong matutuklasan. Isang bagay na sasagot sa lahat ng mga kahilingang ilang libong araw ko ring pinapangarap.

Isa lang naman ang rule na ibinigay sa akin eh. At iyon ay ang, "Pumitas daw ako ng isang talulot ng rosas saka humiling. At ang hiling na iyon ay magkakatotoo ng walang hinihingi na anomang kapalit."

Parang napakalaking kalokohan kung babasahin mo o kung direkta mong mapapakinggan. Parang sasabihin mo na, 'walang kuwenta. Anong trip nito? Bakit naman ako maniniwala rito?'

Pero kung tutuosin, kung ganito naman ang buhay na kinakaharap mo araw-araw, bakit ka naman hindi maniniwala 'di ba? Oo, despirada ako pagdating sa mga ganiyan. Aminado ako. Dahil ayoko na nang buhay na kinagisnan ko. Gusto ko naman sanang ma-iba. Gusto ko ng—hindi naman sa pinaka, pero gusto kong makaranas ng masagana at masayang pamumuhay. Ayoko nang parati na lang may problema. Pero paano naman 'yon mangyayari hindi ba?

Maniniwala ba ako sa nakasulat na rule?

Susugal sa isang kalokohan?

Aasa na naman sa wala?

O hihiling na lang ulit sa well at maghihintay sa sinasabi nilang himala?

Wala naman sigurong masama kung hihiling ako ng walang kapalit 'di ba? Wala naman sigurong mawawala kung maniniwala at aasa na naman ako sa wala. Pero paano kung meron na ngayon? Paano kung sa paghiling ko ro'n ay bigla ko na lang mabago ang lahat? At kapag sinabi kong lahat, I mean, lahat ng nasa mundong ibabaw. 'Yong pagbabago, na hindi ko naman talaga inaasahan?

Oo alam ko, masarap magkaroon ng magandang buhay. Pero paano kung nakamit ko 'yon, sa isa pa lang maling paraan? Maling paraan, dahil pinuwersa ko at hindi hinayaang magpasya ang sinasabi nilang tadhana.

Paano kung isang araw, sa pagbago ko ng ikot ng tadhana, may mga bagay na palang natatamaan sa kung anong tunay na daloy ng mundo? Paano kung sa paggising ko kinabukasan, bigla ko na lang 'tong pagsisihan?

Nakahanda nga ba ako sa posibilidad na mangyayari sa hinaharap? Nakahanda nga ba ako sa ibinigay sa akin ng pinili kong tadhana? Paano kung hindi talaga ito ang nakatakda para sa akin? Paano kung mali ang lahat ng mga nagawa ko? Paano kung may tamang kapalaran pala ang naghihintay at hindi lang ako makapaghintay?

Masasabi ko ba? Eh anong gagawin ko para maibalik ang lahat sa dating ayos ng mundo? May magagawa nga ba talaga ako?

Saan ako mag-uumpisa kung sa dulo ay wala ng pag-asa? Paano ako makakabangon ulit? Ano ang gagawin ko para lang sa ikabubuti ng lahat? Paano ako makakaisip ng solusyon, kung wala na akong ibang magawa kung hindi ang mawala na lang sa mundong ito?

Makakaligtas ba ako sa pasya ng Diyos ng tadhana?

Ang gulo! Napakaraming tanong ang kumakawala sa utak ko. Pero iisa lang ang parati kong nai-sasagot sa lahat ng mga katanungang paulit-ulit na lang. Na,

"Palaging nasa huli, ang pagsisisi."

At hindi ko na 'yon mababago pa.

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon