IVORY
WHITE BUDS AND PRICKLES
~ • ~
YANNA
I really don't know.
When or how to start this. Paano ko sasabihin kay Mom ang lahat ng mga nangyari sa amin? For sure, mag-aalala na naman 'yon 'pag nakita niya ang mga pasa at galos ko sa katawan lalo na kapag nag-confess ako sa kaniya. Mag-hi-hysterical na naman siya panigurado and overthink again on what just happened to me—to us. Or worst, baka i-invite pa niya sina Daphne kasama ang mga magulang niya sa office ng Dean para pag-usapan ang mga ginawa nila. A situation that happened nang nasa lower grades pa lang ako. And I don't want that card to be played again on board.
Dahan-dahang inihinto ni Prim ang sasakyan nang makita ko na ang itim na gate ng bahay. Kumikirot man ang mga binti ko, sinubukan ko pa ring pigilan ang hapdi ng mga sugat no'n makababa lang sa backseat. Mabuti na lang't nakayanan ko pang igalaw ang ma binti ko.
After kong lumabas ng kotse, "Prim, mauuna na 'ko. And thank you sa libreng sakay at pagtulong sa amin. You're really a big help. We really appreciate it. We owe you. Thank you." I draw a smile before he replied,
"Anytime."
Bago ko pa man maihakbang pababa ng sasakyan ang kanang paa ay nagsalita muna si Andyang. "Yanna, sure ka na ba talagang ikaw na'ng bahalang magpaliwanag kina tito at tita? Uhm... s-samahan na kaya kita?"
"Thanks, Andyang but no. It's alright. I'm fine. Kaya ko na 'to." paliwanag ko sa kaniya. "Mag-iingat ka,"
"Ikaw rin."
Before they go, pinaalalahanan ko muna si Prim na agad naman niyang pinakinggan. "Prim... h-hindi ko alam pero... I trust you. Ikaw na ang bahala kay Andyang maghatid sa bahay nila. Okay? Mag-iingat kayo."
"Copy," then I finally closed the door.
Dahan-dahang umandar ang sasakyan hanggang sa dalawang pulang ilaw na lang ang naaaninag kong pakaliwa ang daan. Nang hindi ko na sila matanaw, I suddenly remembered Mom's words that made me smile again.
Umuwi ng maaga. Ipagbi-bake ko kayo ni Cedrick mamaya.
Excited na ako sa cake na ibibi-bake ni Mom. At sana lang may maabutan pa ako kahit late na 'kong naka-uwi. Ang takaw pa naman din ni Cedrick pagdating sa baked foods.
Nang maisara ko na ang gate, pahirapan akong tumakbo papunta sa main door ng mansion. Ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa pintuan, mga matitinis na tunog ng babasaging baso't plato ang agad na bumati sa tenga ko.
Oh, God!
Mom. Dad.
I know it's hard for me to do this, but the adrenaline made me to run to see kung ano na'ng nangyayari sa loob. Alam ko sa sarili kong hindi magagawa nina Mom at Dad ang magpisikalan sa harap ng anak nila. Kilala ko sila. They can't hurt each other while our presence is around.
Pagbukas ko ng pinto, ang hikbi ni Cedrick ang nangibabaw sa buong foyer at direktang nakita ng mga mata ko. Nakaupo siya sa sahig at umiiyak sa balikat ni Aling Vina habang nakatanaw sa kusina. Nang mapansin niyang iniluwa ako ng pintuan,
"Ate!" He called me.
Naramdaman ko 'yong sakit sa pag-iyak ni Cedrick nang patakbo siyang bumaba nang hagdan para lang yakapin ako. Kahit na mahapdi, I hardly tried to kneel para lang mapantayan ko siya at mayakap pabalik. "Ate si Daddy, si-sinuntok niya si Mo—m." malakas nitong pagsusuplong. "Please ate, do something."
"Shhhh," Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kaniya o kung anong gagawin ko para mapatahan siya. Kahit ako ay hindi alam na makakayanan nilang saktan ang isa't isa sa harap mismo ng kapatid ko. They are married a long time ago. Memoryado ko pa nga 'yong mga wedding vows nila sa isa't isa. Lalo na 'yong kay Dad. At naiinggit ako na sana ganon din ang mga maririnig ko sa lalaking magiging kabiyak ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasíaPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...