SHAMROCK

43 3 7
                                    

This part of the story is dedicated to ilogriveer for her kindness. Ahahaha. God Bless you, always.

SOPHIA ANDY 'ANDYANG' CONCEPCION

~ • ~

ANDY

Sampong taon.

Sampong taon na ang nakalilipas nang ma-heat stroke si Nanay. Walong taon ako nang mangyari ang insidenteng hindi ko kailanman inisip makadaupangang-palad. At saksi ang init ng tanghali sa kahirapang sinapit ng nag-iisang ilaw ng aming tahanan.

Masasabi kong simple lang ang buhay namin nang mga panahong kasama pa namin si Nanay. Sinasamahan ko siyang magtinda ng gulay habang tulak ang karitong kahoy na pinagdikit-dikit lang ni Tatay. Paggugulay na parati naming ginagawa kapag wala akong pasok. At buong araw na pagtutulak, hindi alintana ang gutom at pawis, may pangkain lang.

Hanggang sa sumapit ang oras na tapos nang mananghalian ang araw, hindi pa rin kami naguumagahan. Napakatumal ng benta no'ng araw na 'yon. Naunahan na naman siguro kami ng kaisa-isang kakumpitensya namin pagdating sa paggugulay.

Sabi ni Nanay okay lang raw siya. Masakit lang raw ang ulo niya. Mga salitang hindi ko na dapat pinaniwalaan pa. Dahil hindi pa man kami nakakahakbang, sumuko na ang sistema niya. Hindi na niya nakayanan ang matinding init ng panahon kasabay ng kumakalam naming mga sikmura.

Humingi ako ng tulong sa mga dumaraang tao, pero walang naniwala. Walang tumulong. Baka siguro iniisip nila na modus namin 'yon para makakuha kami ng pera mula sa kanila. Halos lumampaso pa ko at lumuhod sa lalaking dumaan matulungan lang kami pero kinilabutan lang siya sa ginagawa ko.

Kaya inilagay ko na lang si Nanay sa kariton at dinala sa pinakamalapit na ospital na alam ko. Sa awa naman ng diyos, kahit walong taon pa lang ako no'n, nakaya ko si Nanay na madala sa ospital. Mabuti na lang at may malaking benipisyo kaming nakuha mula sa ospital na 'yon. Sa tulong na rin ng mga kapitbahay namin, nakalabas kami sa ospital.

Simula nang ma-stroke si nanay, lahat ng bagay, kami na ni tatay ang nagtutulungan—maalagaan lang siya. Malaking tulong naman ang naibigay ni Tita dahil kapag wala kami ni Tatay, siya ang kumakalinga at nagpapa-inom sa kaniya ng gamot. Hanggang sa ako na ang nagtitinda ng gulay tuwing sabado at linggo habang si Tatay naman ay patuloy pa rin sa pangangalakal at paminsan-minsang suma-sideline sa pagda-drive ng truck ng basura.

Masaya na rin ako sa estadong meron kami ngayon. At least kahit papaano, magkakasama kami sa iisang bahay na hindi naman ganoon kagandahan at hindi kalakihan, pero matatawag kong isang tahanan.

"Oh, ang lalim na naman ng iniisip mo?" bumalik na lang ako sa reyalidad nang magsalita si Tatay na kumakain ng basa ng kapeng pandesal sa harapan ko. "Iniisip mo na naman ba ang Nanay mo? Kanina ka pa kasi nakatulala sa hinihigaan niya."

Tumingin ako kay tatay at paunting ngumiti sa kaniya. Kumuha ako ng pirasong itlog sa plato at ipinalaman sa pandesal na kanina pa pala nasa kamay ko. "Nag-aalala lang po kasi ako sa kalagayan ni Nanay, Tay."

Hindi tuloy ako makakagat sa almusal dahil palagi ko na lang iniisip 'yong sitwasyon ni nanay. Sampong taon na kasi siyang nakahiga lang diyan at balisa ang kalahating katawan. Ayaw namang magpatulong para sana samahan kong mag-ehersisyo. Lagi na lang 'huwag na' ang sinasagot niya kahit para rin naman sa kaniya 'yon. Inaasa na lang talaga niya sa mga gamot na pinapainom namin sa kaniya. At sa sampong taong pagpapa-inom namin sa kaniya, bakit parang wala namang nangyayari para paigtingin 'yong nararamdaman niya?

"'Yan na naman ba tayo, anak? Ilang taon ko nang sinasabi sa 'yo 'yan. Ayos lang ang nanay mo." positibong pananaw ni Tatay nang maipatong ang kanan niyang kamay sa kaliwang kamay ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

Rainbow Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon