NAVY BLUE
BLACK THORNS AND ROSES
~ • ~
LORENCIO
Putangina sila.
Sagad.
Ano bang ipinuputok ng mga bunganga't laki ng ipinaglalaban ng mga bayag nila? Bakit ba nila kailangang makipagbunuan palagi sa amin? Ayos lang naman sa akin kahit ako na lang 'yong idamay nila sa mga katarantaduhang ginagawa nila—pero hindi talaga e! Dinamay nila 'yong dalawang wala namang kalaban-laban sa dami nila.
Putangina. Eh, pare-parehas lang naman silang mga gagong walang alam kun'di ang uminom at maghanap ng kabasagan ng bungo sa kung saan at magtawag ng makakasuntukan. Buwisit!
At kung mali sa paningin ng kung sinoman ang ginawa ko kanina, ipinaglaban ko lang sina Yanna at Andyang. Walang mali roon dahil ipinagtatanggol ko lang ang grupo namin sa lumalala na nilang kademonyohan—mas malala pa nga sila sa demonyo eh!
Sarap nilang ihalo sa kumukulong asoge't asido. Lalo na 'yong tanginang Francis na 'yon na ang liit naman ng titi't iniihian pa ako ng gago. Tarando siya. Kapag makita ko lang ang putanginang mukha niyan sa school sa lunes, patay 'yan sa akin. Wala akong pakialam kung ma-detention pa ako, makaganti lang. Babalatan ko talaga 'yan ng buhay.
"P're, dito na lang ako sa may tabi," Dahan-dahang inihinto ni Prim ang sasakyan at p-in-ark sa gilid ng itinuro ko. Tinigil na rin ni Yanna ang pagdampi ng bulak na may betadine sa mga pasang nakuha ko kanina. Napakasuwerte ko talaga kay Yanna.
"Sigurado bang hindi ka papagalitan ni tita kapag makita na naman niyang may mga pasa ka sa mukha?" pag-umpisa ni Andyang nang masabi ko sa kanila kaninang dito na sa trabaho ni mama ako bababa. Paniguradong kapag nakita ako no'ng ganito ang hitsura, mag-aalala na naman sa akin 'yon; pagagalitan pagkatapos; at papakiusapang kung puwede ay huwag na ulit uulitin 'yon—na lagi niyang ginagawa sa tuwing dadaan ako rito sa pinagta-trabahuhan niya.
Binudburan nila ako titig kasama ng hindi maitimlang pagmumukha. Mga mukhang memoryado ko na at mga ekspresyong alam kong dadalhin ko sa kabilang-buhay. Ngumiti ako bilang pagganti para iparating na ayos lang talaga ako. "'Yan na naman kayo, e. Oks lang ako. Huwag kayo masyadong nag-alala. Ako pa ba? Yakang-yaka ko na'ng sarili ko."
"Ayan ka na naman, eh," Ayan na naman si Yanna, eh. "Basta, huwag mo na lang kaming kakalimutang i-update ni Andyang, ah?"
Sumaludo ako sabay ngiti sa gawi nilang dalawa. "Boss kita, eh."
Pagkasukbit ko ng bag ay binuksan ko ang pinto ng nakakainggit niyang sasakyan at lumabas na. Bago pa man 'yon umandar paalis ay lumapit muna ako sa bintanang katabi ng driver's seat at kumatok. Nang bumaba ang bintana, kinausap ko ang nagmamaneho ng sasakyan.
"P're, salamat pala sa libreng sakay. Papaalalahanan lang sana kita bago kayo umalis ng mga babae ko." Tinignan ko siya ng masinsinan para sabihing seryoso ako sa mga sasabihin ko.
"Minsan ko lang ibigay ang tiwala ko. Pero sa oras na may mangyaring masama sa dalawang alaga kong 'yan at mabalitaan kong hindi nakauwi sa mga bahay nila, mananagot ka sa 'kin. Wala akong pakialam kung marangya ang pamilya mo. Memoryado ko na ang plaka ng kotse mo at kita mo rin siguro yung mga cctv sa daan. Kaya kung may mangyaring masama, huwag ka nang magtaka kung hindi ka na makauwi sa bahay niyo isang araw." Halos buong buhay ko nang kasama sina Yanna at Andyang kaya huwag na siyang magtataka kung bakit ganiyan ako ka-overprotective pagdating sa kanila. Ayoko lang silang nakikitang nasasaktan.
"Encio?!" bulalas no'ng dalawa sa loob.
"Pinapayuhan ko lang."
Sa mga nasabi ko ay tumawa siya na parang isa 'yong kalokohan. Baka gusto niyang gasgasan ko yung kintab ng kotse niya? "Bro, I swear, you can count on me. Kahit tignan mo pa ang records ko, wala kang mahahanap na masamang detaltye patungkol sa 'kin. I'm no bully." pagplantsa nito sa akala kong gusot na usapan. Mabuti naman kung gano'n ang gawa niya. "Am one of those gentlemen. So yeah, deal."

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...