ᴄʜ 𝟺

62 44 2
                                    

Pagbalik nila sa kanilang klase iilan lang ang naroroon, inuwian si KC nina Paula ng pagkain at ganoon din sina Michael ni Bernie. Ilang kaklase nila'y isa-isa na rin nagdatingan, pero wala pa roon ang guro nila. Isang binatilyo ang pumasok at nasa harapan, medyo matangkad ito at may dimple sa ibaba ng bibig.


"Hi!" bati niya.

"Aba, bakit naligaw ka rito ha, Ron?" tanong ni Janna na Presidente ng klase.

"Inilipat ako rito," tugon ng binatilyo saka binati ang ilang magaganda na kabilang doon si Neriza.

"Paano si Trish? Iiwanan mo na lang siya ng ganoon-ganoon na lang?" tanong pa ni Janna.

"Gusto ko na ngang makipaghiwalay eh, kaso namimilit na hindi raw puwede,"

"Tanga mo naman hinahayaan mo pa," sambit ni Janna na napa-iling na lang si Ron.


Dahilan sa limangpu ang laman ng isang kuwarto halos mainit sa loob kahit bukas na ang mga bintana at dalawang electric fan sa baba at itaas ay kulang pa rin para sa mga estudyante. May ibang hindi na naalis sa bentilador, si Ivan nagpapaypay na lang gamit ang cardboard at pinapaypayan na rin si Irina since katabi niya ito.

Dahil mahaba ang uniporme ni Irina na lagpas tuhod at kulay berde, may ibang babaeng kaklase na nag-aalis na lang since nakashort sila na mahaba. Cycling lang ang malimit suot ni Irina kaya lalo siyang naiinitan, napatingin siya kay Ivan na pawis-pawisan na ang noo nito kaya kinuha niya ang panyo saka pinunasan ang noo ng binatilyo.

Nagutla si Ivan pero mas nagutla siya matapos punasan ni Irina ang kanyang noo eh, kinuha sa kanyang kamay ang karton na pinangpapaypay niya. Itinaas ni Irina medyo ang palda saka pinaypayan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, maigi at walang naka-upo sa unahan na inilagay ni Ivan ang pack bag mismo ni Irina sa harapan.


"Babae ka tandaan mo iyan," saad ni Ivan sa kanya.

"Walang sisilip," tugon ni Irina sa kanya.

"Kahit na!" kinapitan ni Ivan ang kaliwang tuhod ng dalaga saka ibinaba na ikinatingin sa kanya ni Irina.

"Naman ihhh!" maktol ng dalaga.


Ilang minuto pa'y dumating ang kanilang guro pero iniwanan lang sila ng kanilang gagawin at groupings ang nangyari. Imbis na maging random ang miyembro, kung sino na lang ang mga magkakabarkada'y iyon ang nagsasama-sama. Inisip na lang ni Irina na okay lang na hindi siya mapasama para wala na rin gagawin kaso...


"Tara Bernie!" tawag ni Sherina sa kanya na sumama siya since kagrupo niya si Paula.


Sina Ediezer at Michael ay kina Clarissa nagpunta habang ang kumuha kay Irina't-Ivan ay sina Charlotte. Isinama na rin nina Charlotte si Ron since tatlo lang sila nina Gladys. Si Irina ang nagsusulat sa manila paper habang itinuturo nina Charlotte at Ivan ang isusulat sa kanya, matapos isulat ni Irina ang inutos sa kanila'y kinuha ni Ivan ang kanyang libro mula sa kanyang bag.

Natigil lang si Ivan dahilan sa nakita niya ang ikinilos agad ni Ron. Naka-akbay na siya sa dalaga.


"Ganda talaga magsulat eh!" Puri ni Ron kay Irina.

"Bakit napagtripan mo ako?" tanong ng dalaga sa kanya.

"Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda mo pala," ngiting wika niya.

"Ano bang binatak mo ha? Katol o sabon?"


Nang nakatayo si Ivan sa likuran nila'y itinaas niya ang libro saka bumagsak ito sa ulunan ni Ron. Sa lagabog napangiti ang miyembro pati si Irina nagtawa.


"Ikaw ang magsasalita sa unahan niyan," wika ni Ivan.

"Dalawa na lang tayo Irina,"

"Ayako, ako na nagsulat eh!" maktol ng dalaga.

"Magkasama naman tayo ah?" tanong ni Ron na inakbayan muli si Irina.


Kinapitan ito ng dalaga saka inalis.


"May nobya kang sikat 'dba? Si Lovely Patricia ng seksyong Narra? Tapos hilig mong mangflirt diyan hindi naman kita type," wika ni Irina.

"Oh? Itong guwapo kong ito hindi mo type? At sino ang type mo ha?" tanong ni Ron sa kanya.

Ngumiti si Irina saka, "Sino ba iyong naghulog ng libro sa ulo mo?" tanong niya pabalik.


Tumingin si Ron kay Ivan na kausap si Charlotte ukol sa irereport nila, at bumalik-tingin si Ron kay Irina.


"Ano'ng nagustuhan mo sa kanya ha?" kunot-noo na tanong ni Ron.

"Matalino malamang,"

"Iyon lang?"

"Guwapo,"

"Ako rin naman ah,"

"Hindi ka top one," pagdedepensa ni Irina.

Natigil si Ron dahilan sa tumabi na muli sa kanila si Ivan, inabutan si Ron ng papel.

"Basahin mo na lang iyan para safe ka," wika niya rito.

"Ikaw pala crush ni Irina eh,"

"Alam ko, kaya layuan mo siya."

"Crush mo rin?" tanong ni Ron.

"Hindi ba halata bobo?" iritang tanong na ni Ivan sa kanya.

Tumayo na si Irina saka napakapit sa braso ni Ivan na inilahad niya, at bumalik na sa kanyang upuan. Ilang mga kaklase nila'y naka-upo na rin sa kanilang upuan at nagkukuwentuhan na lang. Ilang miunuto'y dumating ang guro nila na kinuha ang attendance saka naunang magreport ang grupo nina Irina, walang naging problema na ganoon din sa grupo nina Janna at Paula.

Pero nang kina Michael ay kinuwestyon sila ng kanilang guro, habang naghahanap pa sila ng sagot ay umalis na naman ang kanilang guro. Sa tagal nila sa loob ng kuwarto napansin ng presidente nila na tapos na ang kanilang klase, kaya nagpunta siya sa unahan ng klasrum nila.

"Classmates! Imisin na ang gamit at time na tayo!" hiyaw niya na dali-dali ang iba na mag-imis para maka-uwi.

Dahil maraming inilabas si Ivan na gamit ay tinulangan siya ni Irina na mag-imis at nakita iyon nina Michael.

"Parang kayo lang ah?" tanong ni Michael.

"Nagseselos ka na niyan?" tanong pabalik ni Ivan sa kanya.

"Masama bang tumulong sa crush?" tanong ni Irina na napangiti na lang si Ivan.

Sabay-sabay na silang lumabas ng classroom pero naiwan ang grupo ni Clarissa kaya kasama na roon sina Michael. Dahil taga Lumban si Ivan eh, kaunting lakad lang si Irina since malapit lang ang paaralan sa kanilang tinitirahang bahay. Doon sa crossing na maliit ay didiretso si Ivan habang si Irina'y liliko na lang...

"Ingat ka!" paalam ng dalaga.

"Salamat!" hiyaw pabalik ni Ivan na nakangiti siya sa kanyang pag-uwi.

Pagka-uwi ni Irina'y nasa tapatan ng likuan ang kanyang amang naghihintay at nakapamewang na ito.

"Di, bakit?" nang nakalapit na si Irina sa ama.

"Sino iyon?"

"Kaklase ko," tugon ng dalaga.

"Fiance mo na si Rowell ah?" Paalala ng kanyang ama.

"Kaibigan ko lang iyon eh, bakit ninyo sa akin pinipilit?" tanong ng dalaga na hindi niya ina-asahan na sampalin siya ng kanyang ama kahit na nasa labasan pa sila.

"Kung ano ang sinabi ko ay iyon ang masusunod!" hiyaw niya saka bumalik sa loob ng bahay.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon