ᴄʜ 𝟿

38 29 0
                                    

Sa paglipas ng buwan nakapasa ang lahat ng magkakaklase ngunit hindi kumportable si Irina na mabalik ang kanyang loob sa mga sinabi sa kanya ni Neriza. Kaya mayroon siyang plano na tanging siya lang ang nakaka-alam. Kasama ni Ivan ang kanyang tatay at nanay habang si Irina tanging ang kanyang ina ang naroroon kasama ang tiyahin niyang si Levy.


Lumapit si Janet kay Michael, "Absent ako noong Miyerkules kaya ano bang namiss ko kina Irina at Ivan ha?"

"Gumawa ng paraan si Neriza kasabwat si Clarissa na pag-awayin iyong dalawa," tumingin si Michael kay Janet.

"Maya paglabas yayariin ko ang Neriza na iyan,"

"Huwag na at nariyan ang Ate niyang teacher din 'dba? Nalilimutan mong may power din si Neriza."

"Kainis!" sambit na lang ni Janet.


Suot ang puting toga. Lahat ng estudyante kung hindi kinakabahan sa pagmarcha eh, kabado kapag nasa entablado na.


"May problema ba Ivan?" tanong ng ama nito.

"Wala Dad," tugon na lang ng binatilyo.

"Smile ka, at graduate ka na eh!" ngiti ng ina ni Ivan.

Unang tinawag ang nasa left side na kung saan sina Irina muna ang mga tumayo na hanay-hanay sila sa pagmarcha papa-akyat sa entablado. Matapos ni Irina na makamayan ang dapat kamayan, bumaba na siya ng entablado na kung saan napansin niyang nakataas ang kamay ni Ivan, pero hindi niya ito nilingunan bagkus nagdirediretcho lang siya hanggang sa upuan.

"Sino iyon anak?" tanong ng ina ni Ivan.

"Gusto kong asawa kaso, nagkamali akong hindi makinig sa kanya kaya..." tigil ni Ivan na kita ni Michael na lumuha si Ivan pero pinunasan din.

Pinipispis ng ama ni Ivan ang kanyang likuran, "Hindi pa huli ang lahat anak dahil kung itinadhana kayo gagawa ang tadhana ng paraan para magkabalikan kayo." Pabulong na paliwanag ng kanyang ama na tumango si Ivan.

Pagkaraan ng ilang oras na inubos ang lahat ng estudyante sa loob na makamartya at nakamayan ang mga gurong nasa itaas ng entablado'y nalalapit na ang kantahan sa pagtatapos. Napatayo si Irina...

"Huy malapit ng magtapos ah?" tanong ni Neriza na katabi niya.

"Iihi lang ako," ngiting tugon niya saka nakayuko na umalis sa kanyang upuan.

Nakita ni Irina ang kanyang ina na naka-casual na damit kasama ang kanyang tiyahin na, dahil sa malapit lang naman ang kanilang tirahan kaya nakapagpalit na rin.

"Iihi ako." Paalam ni Irina na sinamahan siya ng kanyang tiyahin at ina sa labas ng gusali.

Nakita ni Ivan ang pag-alis ni Irina kaya lalo siyang naluha na itinaklob na niya ang kanyang panyo sa mukha. Akala ng kanyang kaklase naiiyak si Ivan dahil sa nalagpasan niya ang pagiging isang hayskul ngunit iba ang dahilan...

Pagkarating sa bahay ni Irina nabalitaan niya sa kanyang ama na umalis na walang paalam si Rowell na dahil sa pangyayari sa kanila ni Ivan, akala ng ama'y nalungkot ang dalaga ukol sa kanyang magiging asawa na si Rowell pero ang totoo'y iba ang dahilan...dumiretso na lang si Irina sa kanya kuwarto doon sa itaas ng kanilang two-story na bahay. Luma ito na dati pang bahay ng kanyang Lolo't-Lola na yumaon na.

Nagbihis si Irina at matapos ay nagsimula na siyang mag-impake. Kumatok si Levy sa pintuan ng dalaga na agad niya itong pinagbuksan.

"Need help?" tanong ni Levy.

"Okay na ako rito 'nay at laba suot naman ang gagawin ko eh," tugon ni Irina.

"Tapang mo talagang mahiwalay sa Mami mo eh,"

"May rason pang iba kaya pumayag na rin ako," saad ni Irina na natigil.

[ang bgm ay secret love song ng littlemix ft. jason derulo]

Nakita ni Levy ang pagpatak ng luha ni Irina.

"Okay lang naman kung ayaw mo Ate, gusto ka lang talagang pag-aralin ng Ate Tess mo," saad niya na umiling si Irina.

"Kailangan hindi niya ako makita na naririto," wika ni Irina na sinarado na niya ang zipper ng kanyang bag na gagamitin.

"Nino?" tanong ng kanyang tiyahin.

"Ng first love ko," ngiting tugon ni Irina na pinapahid niya ang kanyang luha.

Napangiti na lang si Levy na papalabas na si Irina nang sumunod siya sa kanyang tiyahin. Sa labas ng bahay ang asawa ni Marites na pinsan niya, dahil magiging harang ang sasakyan na dala'y sa kabilang kanto sila nagparada pa. Niyakap muna ni Irina ang kanyang ina't-ama saka siya nagpaalam.

[larawan ng kanto na inihatid ni ivan si irina]

Kasabay ni Irina sina Levy, at Marites na lumabas ng bahay at pagdating sa kanto ng Aguirres St. hindi napigilan ni Irina ang hindi umiyak na nakita mismo ng asawa ng kanyang pinsan na si Raymond.

"Mi, si Ate!" sambit ni Raymond.

Pagtingin nina Marites at Levy ay nakita na nila ang pagluha muli ni Irina na kinuha na ni Raymond ang bag ni Irina na niyakap siya ng kanyang tiyahin.

"Baka lalo tayong maabutan ng first love mo niyan eh," maktol ni Levy habang nakangiti na ikinangiti ni Irina at tumango.

Sa kabilang kanto'y naroroon sina Michael at Ivan natigilan na since kitang-kita na nila si Irina na sumasakay sa isang sasakyan. Nakita rin ni Michael na umiyak ang dalaga na may pagtango pa habang ang suot nito'y nakajogging pants at nakapang-lamig na pulang sweater.

Kinapitan ni Michael ang kaliwang balikat ni Ivan habang pareha pa silang naka-uniporme, "Mukhang wala ng pag-asa," saad ni Michael.

"Kung tadhana kami, magkikita pa kami." Nakatingin na sabi ni Ivan na napangiti saglit si Michael pero nawala rin.

Inantay na lang ni Ivan na umalis ang sasakyan ni Irina bago sila umalis na rin. Bumalik na lang sina Ivan sa mga kaklase na kung saan nasa cake frost, sasabay kasi si Mary Ann kay Ivan since pareha silang taga-Lumban.

"Ano ang sabi?" tanong ni Lizel.

"Sumakay ng sasakyan si Irina," tugon ni Michael na dumiretso si Ivan sa lamesa na na-umorder ang kanyang mga magulang ng pagkain.

"Oh, ano saiyo anak?" tanong ng ina ni Ivan.

"Wala akong gana, umuwi na lang tayo." Yakag nito.

"Sabi nga pala ng Lola mo kakausapin ka raw," saad ng ama na tumayo ang ina at ipinatake-out ang order nila.

Lumapit sa lamesa ni Ivan si Neriza na nakangiti ito suot ang jacket na inabot sa kanya ng kanyang Ate bago sila umalis mula sa paaralan. Malapit lang naman ang cake frost na tawid kalsada lang ay naroroon ka na pero hindi katapat ng paaralan.

"Hi po, Tito! Ivan!" bati ni Neriza na tanging ang ama lang ang ngumiti sa gawi niya.

"Pasensya na iha, pero may lakad pa kami kaya hindi kami makakasalo sa inyong munting selebrasyon." Paliwanag ng ama.

"Um, Ivan?" tawag ni Neriza sa kanya.

Nakita ni Ivan na paparating na ang kanyang ina bitbit ang plastik na lamang ay order nilang mag-asawa nang tumayo na siya. Tumayo na rin ang ama at kinuha ang plastik, humarap si Ivan kay Neriza.

"Una, sana maging masaya ka sa ginawa mo sa aming dalawa ni Irina pero ang huli, ito na ang huling pakikipag-usap mo sa akin. Dahil kahit isama mo pa ang buong angkan mo'y ipapatapon ko lang kayo sa labasan." Banta ni Ivan saka dinanggi si Neriza at umalis kasunod ng kanyang mga magulang.

Umalingawngaw ang banta ni Ivan na hinarap na lang ni Neriza ang mga barkada nang, "Huwag kasing ipilit ang sarili sa isang tao na hindi ka naman mahal!" hiyaw ng isang lalaki na hindi nila kaklase.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon