Namulat si Irina, madilim ang paligid pero mayroong kaunting ilaw na tumatanglaw sa kanya pero mas napatitig siya sa tulog na si Ivan na kapit-kapit ang kanang kamay niya. Dahan-dahan niya itong hinigpitan, at nararamdaman niya ang init ng kamay nito kahit hindi gaano dahil malamig ang paligid.
"Hal," mahinang tawag ng dalaga sa kanya.
Napalunok pa si Irina dahilan sa tuyot ang kanyang lalamunan na napakunot ng kaunti si Ivan saka tumingin kay Irina na nakatingin sa bintana pero bumalik-tingin sa kanya.
"Ginabi na pala tayo noh?" tanong nito.
Binitawan na ni Ivan ang kamay niya saka siya niyakap.
"Irina!"
"Ako nga, hal, mukha kang living emoticon, kayo na ba ni Neriza ha?"
"Teka iho, tawagin lang ng anak ko ang doktor."
"Jusko iha," lumapit na ang ina ni Ivan.
"Na-napirmahan ninyo ba iyong ibinigay ng doktor?" tanong pa ni Irina.
"Akala namin na hindi ka na magigising aba!" sambit ng kapatid ni Irina.
"Alam mo bang inalagaan ka ng mga kaklase mo?" tanong naman ng nanay ni Irina.
Pagkawala ni Ivan sa kanya saka nito hinalikan ang likurang kamay ng dalaga.
"Irina," tawag ng binatilyo sa kanya.
"Hal, ano bang nangyari ha?" mahinang tanong ni Irina sa kanya.
"Maraming--"
"Iha, may nararamdaman ka pa ba?" tanong na ng doktor.
"Iche-check ko po ba ang vital signs o tatanungin po muna siya?" tanong ng nars sa doktor.
"May nakirot pa ba--"
"Ako kapag nainis ha! Pagbubuhulin ko mga bituka ninyo." Banta na ni Irina.
Natahimik silang lahat.
"Uhh, anak?"
"Walang nasagot ng tanong ko. Don't tell me panaginip kayo...muli?" iritang tanong pa ng dalaga.
"Ano bang tanong?" tanong ni Ivan sa kanya at kinapitan ang kamay ni Irina.
Tumingin si Irina kay Ivan saka, "Naging kayo ba ni Neriza?"
"Hindi," tugon ni Ivan.
"Galit ka pa sa akin ah?"
"Isang buwan na hindi ka magising Hal, she died because of cancer. Hindi ko na inalam pa kung anong klaseng cancer since wala akong pakialam."
"Pinirmahan ba nina Mami ang binigay ng doktor, iyong tanggalan ako ng oxygen?" tanong pa ni Irina.
"Kahit walong taon ka sa kama anak, hindi ko ipapatanggal ang oxygen mo mabuhay ka lang at magising," tugon ng ina ni Irina.
"Ilang buwan ba akong tulog?" tanong pa ng dalaga.
"Apat na buwan," tugon ni Ivan sa kanya.
"Stable po ang vital signs niya Doktor," wika ng nars na may isinusulat sa kanyang kapit-kapit.
"Wala ka bang nararamdaman pa iha?" tanong ng doktor.
"Medyo nakirot lang ito," tugon ni Irina na kinapitan ang kanyang tiyan sa ilalim ng kanang dibdib.
"Anak, habang wala kang malay inalisan ka na ng galbladder," singit ng ina ni Irina.
"Kaya pala," tugon ng dalaga, "Kaso ang bill paano?"
BINABASA MO ANG
Imperfect
General Fiction[OLD] Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain sa ikalawa niyang kurso'y hindi lang es...