ᴄʜ 𝟷𝟿

27 22 0
                                    

Binuksan ni Irina ang radyo ng sasakyan ni Ivan habang naipit sila ng trapik na ikinatahimik nilang pareho. Matapos ng kanta'y hindi pa rin nausad ang trapik pero pareha silang tahimik. Pinatay na lang ni Ivan ang radyo since tapos naman ang kanta.


"Gusto ko iyong kanta," saad ng dalaga.

"Gusto ko rin pero mas maganda kung maririnig iyon sa kasal natin," wika niya na tumingin siya kay Irina.

Tumingin si Irina dahan-dahan kay Ivan.

"Bakit ka nagplaplano na wala ako?"

"Kaya nga sinasabi ko ngayon," saad ni Ivan.

Hindi na nagresponde pa si Irina na napatingin na lang siya sa bintana ng sasakyan. Maaliwalas ang kalangitan na napangiti siya at bumalik tingin kay Ivan.

"Kung ayaw mo," tigil ni Ivan.

"Ibili mo ako ng notebook," saad ng dalaga.

"Teka, para saan iyon? Ang layo naman ng notebook sa sinabi ko,"

"Kung ukol sa kasal natin, gusto ko planado lahat."

Napangiti si Ivan.

"Gusto mong pumunta ng mall?"

"Kahit sa Pandayan na lang," tugon ni Irina.


Pagkarating nila sa bilihan, nakasunod lang si Ivan sa kanya. Nakita ni Ivan na may kumuhit sa dalaga nang nilingunan ni Irina ang side kung saan kumuhit ang lalaki'y...


"Uy! Kamusta na?" tanong ni Irina.

"Heto single pa rin, ikaw ba? Nakapagpatuloy ka ba?" tanong ng lalaki.

Umiling si Irina, "Maraming nangyari kaya hindi na. Nagshift na lang ako sa education."

"Ano'ng major?"

"BEEd," tugon ng dalaga.

"Wow! Congrats! Saan mo balak magturo?" tanong pa ng lalaki.

"Hmm," tigil ni Irina saka tumingin sa gawi ni Ivan at bumalik-tingin sa kausap, "Balak ko kasi talaga na bisness lang pero kung papalarin eh, sa college ang gusto kong magturo kukuha na lang ng units para makapagturo." Dagdag paliwanag ng dalaga.

"Dahil iyan ang balak mo tara gala." Yakag nito sabay kapit sa braso ni Irina.

"Ano ka ba? Hindi ako puwede at ialis mo iyang kamay mo dahil seloso fiance ko,"

"Sus! Makarason ka r'yan."

Lumapit na si Ivan saka kinapitan ang parehang balikat ng kausap ng dalaga. Ikinatingin nito sa kanya.

"Ah! Ikaw ba fiance nga niya?" tanong nito kay Ivan.

"Kung ayaw mong mauna kang biktima ko ialis mo ang braso mo sa kanya." Banta na ni Ivan at napa-iling na lang ang dalaga.

Paglabas nila sa Pandayan si Irina mismo ang nakayakap sa braso ni Ivan habang nagtatawa, hinayaan lang siya ng binatilyo hanggang sa nakasakay na sila pabalik sa sasakyan.

Nang nakabalik na sina Irina sa bahay, nag-alis lang ng suot na sapatos ang dalaga saka naupo sa sofa na katabi ng kama nilang dalawa ni Ivan. Nagsimula na si Irina na magsulat sa notebook na binili nila mula sa Pandayan Bookstore.

Nagbihis muna si Ivan na kung saan ini-abot niya ang hinubad kay Irina saka tumalikod sa kanya. Sinimulan ng dalaga na punasan ang likuran ni Ivan. Kinuha ni Ivan ang kanyang selpon at mayroong tiningnan nang mabilisang idampi ni Irina ang kanyang labi sa likuran ng binatilyo.

"Irina?" tawag nito sa dalaga.

"Hm?"

"Ano iyong dumampi?" tanong ni Ivan.

"Kamay ko iyon," pagsisinungaling ni Irina.

"Iba ang kamay mo sa dumampi," tigil ni Ivan, "Hinalikan mo ba likod ko?" tanong nito.

Sinalpak ni Irina ang kanyang kamay sa likuran ni Ivan saka, "Bakit ko hahalikan ito ha?" tanong ni Irina, "Eh, pawis-pawisan ka. Yuck!" hiyaw ng dalaga.

Tumunog ang selpon ni Ivan at nang tingnan niya sinagot niya ito.

"Hanggang kailan mo ako titigilan?" iritang tanong nito sa kausap.

Natigilan si Irina at nakatitig sa selpon na kapit-kapit ni Ivan. Pinatay na ni Ivan ang tawag at niyakap ng dalaga si Ivan.

"Ano iyon?" tanong ni Irina.

"Laging nalalaman ni Neriza ang numero ko. Hindi ko alam kung sino ang nagbibigay,"

"Gusto mong kumilos ako?" tanong ni Irina.

Kinapitan ni Ivan ang parehang kamay niya at hinalikan, "Pakiusap huwag mo akong sukuan." Pagsusumamo niya.

"Sino'ng may sabi saiyo na igi-give-up kita?" tanong pabalik ni Irina, "At saka may...haaa..."

Humiga si Irina sa kama habang nakatingin sa kisame.

"Kamusta na muna pala ang company mo?" tanong ni Irina.

"Okay lang," tugon ni Ivan na tumingin siya kay Irina, "Naglaylo yata ang karibal kong company,"

"Kasi nagquit ako," wika ng dalaga.

Tahimik sila pareho ng ilang segundo saka bumangon si Irina at tumingin kay Ivan.

"Isa ako sa CEO ng karibal mong kumpanya. Nagquit ako for the reason na hindi naman ako pinakikinggan ni Mami Frida for the good of the company. Na kesho raw na I'm just pilingkera na as CEO na wala raw akong experience when it comes to bussinesses. She was so egotistica,l and materialistic person na ang habol lang when it comes to socializing clients are the gold or itlog noong lalaking kausap niya. At kapag babae ako talaga ang naharap ha? Kaduwa." Iritang sabi ni Irina.

Napangiti si Ivan, "Iyong sabi ko crush ko iyong ceo ng karibal ko dahil lagi kaming pantay when it comes sa taas ng in-demand ng products. Hindi ko matalo tapos biglang naglaho...ngayon sasabihin mong ikaw iyon. Baka gusto mong anakan na kita oramismo r'yan." Banta ni Ivan sa kanya.

"Naman ihh!" Maktol ni Irina sa kanya, "Tapos iyang Neriza mo umutang ng kalahating milyon ang pagkakasabi pa ipagtatayo niya raw ng bisnes kaso, kahit certificate of residency wala siya. Married daw siya walang certificate na maipakita, singsing lang. Tapos sabi niya may sakit daw Lola at Nanay niya dahilan sa covid nitong 2019 noong binisita ko wala naman daw nakakuha ng sakit. Haaa...syempre kahit classmate pagbigyan kaso ilang beses na, tatlong taon na niyang paulit-ulit ang rason sa akin tapos," tigil ni Irina na tumingin kay Ivan, "Para siyang si Mami Frida gusto niya ang pera mo't-itlog mo," saad ni Irina saka humiga muli.

"May plano ganoon?" tanong ni Ivan.

"So, kung hindi tayo nagpangita liligawan mo iyong CEO ng karibal mo if you had the chance?" tanong ng dalaga.

"Baka," tugon ni Ivan, "Baka hindi na umabot sa kinuha mo pa ang larawan nating dalawa," dagdag pa niya na napatawa na lang si Irina.

Bumangon si Irina saka, "Ano nga pala ang gusto mong ulam?" tanong niya na kakakuha lang ni Ivan ng kanyang damit na pamalit at papasok na sa banyo.

"Ikaw bahala," tugon ni Ivan.

"Hal!" tawag ni Irina na nagutla ang reaksyon ni Ivan patingin sa dalaga, "Magma-init kang tubig pagod ang katawan mo ah," paalala niya rito.

"Ano'ng tawag mo sa akin?" tanong ni Ivan.

"H-Hal," utal na tugon ng dalaga, "Ma-masama ba?"

"Meaning noon?" tanong pa ni Ivan.

"Mahal,"

"Mas gusto ko," wika ni Ivan saka pumasok sa loob ng banyo.

"Huwag kang magla-lock!" hiyaw pa ng dalaga.

"Opo!" hiyaw ni Ivan kahit nakasarado na ang pintuan.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon