ᴄʜ 𝟹

67 45 0
                                    

Medyo tinanghali si Irina na pumasok na maigi na lang nagpalit na sila ng adbayser, imbis si Ma'am Apaya ay naging si Bleza. Nasa upuan na niya ito at lahat ng mga nahuhuli ay hindi niya pinapagalitan.


"Bawal ka rito," saad ni Leslie kay Irina.

"Eh? Bakit?"

"Puno na kasi kami," dugtong ni Lavinia.

"Sa isang table kasi per group na," wika ni Neriza.


Nagutla si Irina nang kuhitin siya sa likuran ni Michael at itinuturo ang table niya, sumunod na lang siya. Kasama ni Irina sina Ediezer, Michael, Ivan, at Bernie.


"Bakit mo pa isinama iyan dito ha?" tanong ni Bernie.

"Kahit umupo lang ako baka puwede?"

"Oi Paula! Sabi ni Bernie ikaw daw dito gusto ka niya ka-member!" hiyaw ni Ivan na napatingin sa gawi nila ang mga kaklase.

"Ano ba?" iritang tanong ni Bernie.

Tumingin si Ivan sa kanya, "Kung ayaw mo kay Irina ikaw ang umalis,"

"Bakit mo ako pinagpapalit ang friendship natin sa kanya ha? Hindi naman worth it."

"Ah, magkaibigan pala tayo?"

"Seryoso?"

"Ano ba Paula? Pupunta ka ba rito o hindi?" tanong pa ni Ivan na tumingin sa dalaga saka siya tumayo at lumapit.

"Pasensya na, bakit ba top one?" tanong ni Paula.

"Isama mo na si Bernie sa grupo mo or else." Banta ni Ivan sa kanya na napalingon pa si Paula sa kanyang mga kasamahan sa lamesa at mga umiiling.

Kinuha ni Paula ang upuan saka tumabi kay Bernie.

"Ivan!" suway ni Bernie na ini-urong niya ang kanyang silya para makasali na rin si Paula.

"Upo na Irina." Utos ni Ivan sa dalaga na sa tabi niya ito naupo.

Sinimulan nila ang group activities na kung sino ang may alam ay siyang sasagot, minsan sinasabi ni Ivan kay Irina ang sagot para nakakasagot siya kahit papaano. Dalawang oras ang kanilang science subject kaya naka-isip ang kanilang guro ng...

"Sa hindi makakasagot na miyembro pipili ang mga nakasagot ng miyembro mula sa hindi nakasagot." Paliwanag ng kanilang guro na medyo napangisi si Bernie na napansin iyon ni Michael.

Napatingin si Ivan kay Bernie at tumingin kay Michael, nagkatanguan sila pero sila lang ang nakaka-alam, si Ediezer naman abala sa kanyang ginuguhit sa kanyang kuwaderno. Sa kasunod na tanong ng kanilang guro'y hindi nakasagot si Roselle, na ang nakasagot ay si Charlotte kaya kinuha nila si Lavinia na nasa lamesa nina Lizel. Hindi nakasagot si Edizer sa table nina Ivan kaya ang pinili nina Clarissa ay si Irina, na ang nakasagot sa kanila'y si Mary Ann.

Sa paglipas ng oras ang malimit nasagot sa table nila'y si Bernie or si Paula, at ibinibigay ni Ivan ang sagot kina Ediezer at Michael. At nakasandal ang kanyang likuran sa kanyang kina-uupuan. Sa kasunod na tanong na alam iyon ni Ivan, isinulat niya ang sagot pero hindi niya ibinigay sa kasamahan niya, bagkus ginasumot ito saka itinapon sa mga barkada ni Paula.

Ang sumagot ay si Sherina na isa sa matalik na kaibigan nito, at bilang kapalit ay kinuha niya muli si Paula sa kanilang lamesa.

"Bakit mo sila tinulungan ha?" tanong ni Bernie.

Tumingin lang si Ivan sa barkada pero hindi niya ito sinagot.

"Ivan,"

"Pareha lang tayong nawalan," tugon ni Ivan sa kanya saka sumubsob sa lamesa nila.

Matapos ng klase ang kasunod nila'y t.l.e. na subject dahilan sa ang mga babae't-lalaki'y hiwalay na napapapunta ang mga lalaki sa automotive habang sa cooking ang sa mga babae. Ang kuwarto ng mga babae'y nasa dulo ng paaralan habang ang mga lalaki'y nasa likuran lang ng h.e. building, dahil laging partner ang sa pagluluto ang malimit kapartner ni Irina ay si Janet kaso absent siya kaya solo siyang nagluluto.

Alas dos ng hapon wala silang Mathematics na subject dahilan at may ina-asikaso si Ma'am Lim habang kukunin ng kanilang titser ang kanilang oras imbis na break. Kaso grupo lang nina Paula at Ivan ang nakita ng kanilang guro...

"Sunduin ko iyong iba Ma'am," suwestyon ni Paula na tumango ang kanilang guro na silang dalawa ni Sherina ang umalis at binabantayan ni KC ang kanilang bag.

Kinuhit ni Bernie si Ivan na kumunot ang noo nito saka tumingin kina Michael.

"Pabantay nga at susundan namin babae nitong kupal na 'to." Agad turo ni Ivan kay Bernie.

"Tara na libre ko," dagdag pa ni Bernie.

"Ibibili na lang niya kayo ng pagkain na rin," saad ni Ivan na tumango na lang ang dalawa.

"Iparereserve ba namin si Irina ng upuan?" tanong ni Michael.

"Oo, sa tabi ko," tugon ni Ivan.

Halatang nakasunod sina Ivan kina Paula pero binilisan ni Ivan ng lakad nang nakita niya si Irina, saka niya tinapik ang balikat ni Sherina.

"Isama ninyo si Itim para may bantay kayong pareha," saad ni Ivan na napatingin silang pareho dahilan nasa likod lang nila si Bernie.

"Teka saan ka pupunta?" tanong ni Bernie kaso nakita na nila Paula rin na lumapit siya sa grupo nina Clarissa.

"Sabihan mo si Ivan na ilayo na si Irina sa grupong mapanggamit na iyan," saad ni Sherina na naglabas ng pitaka saka umorder na ng palamig.

"Bakit?" tanong ni Bernie.

Umiling si Paula, "Gagamitin lang siya nina Clarissa kapag nagpatuloy pa siyang makisama sa mga iyan eh, aso iyan ni Neriza." Paliwanag ni Paula kay Bernie.

"Sige, sasabihan ko," wika ni Bernie.

Nahigit ni Ivan si Irina mula kina Clarissa saka bumalik kina Paula.

"Nako babae, kung ako saiyo huwag ka ng maniwala sa sinasabi ng kaibigan mong mapanggamit," wika ni Sherina na nagsasawsaw ng squidballs sa sauce na nasa tagiliran ng tindahan ng kanyang pinagbilhan.

"Hindi naman sa binababoy namin pangalan ni Clarissa kaso—"

"Alam ko naman, at oo, mapanggamit nga siya. Nakikisama na lang ako," tugon ni Irina.

"Oh? Kailan mo nalaman?" tanong ni Sherina.

"Noong tinulungan ko sila na magkaintindihan sila ni Meghan iyong exchange student?"

Napangisi si Paula, "Bakit hindi ba niya kayang mag-ingles?"

"Kaya naman," tugon ni Irina, "Hindi lang kayang sabihin siguro," dagdag pa niya.

Bumili si Ivan ng siomai sa kabilang tindahan na nasa tagiliran lang ng harang ng kanilang paaralan, bumili na rin siya ng pineapple juice na nasa plastik. Inabot niya kay Irina ang siomai na napansin ng dalaga na dalawang toothpick, pero nasa isip niyang pinahawak lang ito ng kaklase.

Nang nakabili na rin si Bernie at nanginginain na roon ay napatingin si Ivan sa dalaga.

"Hindi ka susubo o susubuan kita?" tanong ni Ivan.

"Eh? Akala ko pahawak lang eh!" tugon nito na kinuha na ang isang toothpick saka sumubo ng isa lang at itinapon na ang toothpick mismo sa tapunan na malapit sa kanila.

"Bakit isa lang?" tanong ni Ivan.

"Tig-ilan ba?" tanong pabalik ng dalaga.

"Tatlo,"

"Iyo na," wika ni Irina saka ini-aabot nito sa kaklase kaso isinubo sa kanya ni Ivan ang dalawa niyang share gamit ang toothpick na kanya na, ikinangisi ng dalawang babae ang pangayayari.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon