Ipinakilala ni Marites sa kanyang mga kasamahan na si Irina ang papalit sa kanya since pinsan naman niya ito. Saglitan lang siyang papasok o depende sa skedyul ng dalaga dahil nag-aaral pa ito sa lspu, matapos ituro ni Marites kay Irina ang kanyang gagawin ay inihatid na niya ang kanyang pinsan sa Laguna since ang puwestuhan na kantina'y nasa Manila pa.
Gamit ang sasakyan ni Raymond na nasa barko nagwowork ay si Marites ang nagda-drive ng sasakyan. Kasama ang kanyang Kuya na si Mark at anak nito na ina-anak ni Irina na si Markus. Tumigil muna sila sa isang mall na iniwanan muna ni Marites ang mag-ama, at sila ni Irina'y dumiretso sa Laguna. Babalikan na lang daw ni Marites ang mag-ama dahil susunduin niya naman ang nanay at kapatid niyang si Mabelle.
Pagkarating sa paaralan ni Irina'y...
"Ate uuwi na lang ako mag-isa mamaya." Paalam niya rito na tumango na lang si Marites saka sinimulang ipaandar ang sasakyan.
Inintay ni Irina na maka-alis ang sasakyan ni Marites saka siya pumasok sa loob ng paaralan. Wala pang isang minuto siyang late sa kanyang klase nang narinig niya ang kalabog ng libro sa kahoy na lamesa sa harapan ng room. Ang guro niyang si Geronimo ang nakatayo roon.
"Ang sabi ko ang male-late sa klase ko'y bagsak na!" hiyaw nito.
"Ma'am may one minute pa po ako," wika ni Irina.
"Kapag nasa classroom na ako meaning late ka na!" hiyaw pa nito.
Kakarating ng kaklase niyang si Haven na kung saan tumango lang ang guro na nagutla ang itsura ni Irina.
"Bakit si," tigil ni Irina.
"Matalino kasi iyon eh, ikaw?" iritang tanong nito.
"Ma'am namemersonal na yata kayo," wika ni Irina.
"Maupo ka na, at baka ipa-guidance pa kita." Banta nito sa kanya na naupo na si Irina sa bakanteng upuan.
Wala kasing alphabetical ang upuan kapag kolehiyo, depende na lang sa mga guro na nagkaklase roon. Or kung ikaw ay regular pero si Irina dahil isa siyang irregular kung saan na lang mayroong bakante'y doon siya umuupo. Tahimik na lang siya nagsusulat habang nagtuturo si Geronimo ngunit hindi ito tumitingin sa kanyang gawi.
Matapos ng klase'y umalis na rin ang kanilang guro habang nananatili lang ang mga kaklase ni Irina sa loob. Ang kasunod niyang klase ay doon din kaya nanatili rin siya, tumabi sa kanya si Haven na kung saan nakipagpalit ito sa katabi ng dalaga.
"Huwag mo ng pansinin si Ma'am," saad niya.
"May problema yata sa bahay nabitbit lang siguro sa school," wika naman ni Irina.
"Mamaya samahan mo ako kay Ellaine."
"Ang klase ko sa kanya'y bukas pa," wika ni Irina pero nakatingin siya sa kanyang kuwaderno.
Isinarado ni Haven ang notebook niya saka, "Samahan mo pa rin ako."
"Oo na," tugon ni Irina at inalis ang kamay ng binatilyo saka binasa muli ang naisulat niya sa kanyang notebook.
Dumating ang ikalawang guro na umayos na rin ng upo si Haven na nasa kanang bahagi ni Irina, tanging ginawa niya'y nakinig habang nakapokus sa turo ng guro. Matapos ay sinamahan ng dalaga si Haven sa klase ni Ellaine pero binabasa na ni Irina ang lecture mismo kay Geronimo, para handa siya if ever na pagtripan siya muli nito sa next week.
Mahaba ang buhok ni Ellaine na mayroon itong dimple sa ibaba, matangkad pa kay Irina at magaling sa Math hindi katulad niya. Habang nag-uusap na ang dalawa'y dahan-dahang lumalayo si Irina na tuluyan na niyang naiwan ang dalawa at hindi na nagpaalam pa.
Next week na muli ang kanyang klase na kung saan umuwi na muna siya sa Bae sa bahay ng kanyang Kuya Mark, at nakitang naroroon ang asawang si Emily na nagwawalis ng bakuran. Pagkarating nina Marites mula sa mall may mga pasalubong ito at bitbit na pagkain, nakikain na rin sina Marites doon at sumabay na si Irina papunta sa Manila.
Mayroong tinitirahang apartment si Marites doon, na kung saan ay tinutuluyan na rin nina Irina pati ng ina ng kanyang pinasan. Tumingin si Levy kay Irina saka tinapik ang balikat ng pamangkin.
"Hindi ka ba nahihirapan 'mangkin sa parit-parito mo sa laguna at dine?" tanong nito.
"Kailangan ko ho na kumita eh," tugon ni Irina.
"Hindi naman sa ayakong magwork ka or mag-aral pero dapat may isa kang pipiliin kasi baka ma-over ang katawan mo sa pagod. Aba, bata ka pa para mawala na rito sa mundo noh!" nakapamewang na sabi ni Levy sa kanya.
"Tita naman," sambit na lang ni Irina.
"Puwede rin ate, ipapaki-usap kita at sasabihin natin kay Kuya Emon mo."
"Huwag na Ate kakahiya," nakayukong sabi ni Irina.
"Naku! Hindi ka naman titigil eh, ang mga hindi puwedeng lalabas eh, gagawing parang module or susunduin na lang namin ang mga titser mo para turuan ka."
"Kakahiya sa mga titser ko,"
"Jusme mahiya sila dahil babayaran sila namin tapos binabayaran na rin sila ng school noh!" maktol na nakapamewang ni Mabelle.
"Mas maigi yata iyon," singit ni Levy.
"Para makakatulong ka rin kay Mami," saad ni Marites na tinutukoy niyang mami ay ina ni Irina.
Nakitulong si Irina na magluto ng pagkain pero pinaghugas na lang siya ng pinggan, at nang siya'y natapos itineks niya muli ang numero ni Ivan.
Sorry kung tineksan kita ng madaling araw kasi patay ang tatay ko that time, hindi ko napansin na madaling araw pala. :(
Dahil patulog na ang lahat ay naghugas muna si Irina ng kanyang katawan nang nakita niyang mayroon siyang mensaheng natanggap sa selpon. Nang buksan niya ito...
Irina?
Napangiti si Irina na kung saan kahit gusto niyang replayan ang binatilyo'y nakipagchismisan muna siya sa kanyang pinsan na si Mabelle, ukol sa manliligaw niyang mabait at guwapong si Angelo.
"Kakainis hindi mayaman! Siguro iyong isa na lang ano?"
"Mukhang tanga ang isang ito aba, hindi naman mahalaga kung mahirap iyong manliligaw mo ang mahalaga kaya ang topak mo." Diin ni Levy sa anak.
"Bahala ka Ate kapag hindi mo sinagot iyang Angelo na iyan, makikita mong ako na kasintahan niyan." Banta ni Irina sa pinsan na napakagat si Mabelle sa kanyang kuko.
Nagtawa si Levy at narinig din ni Marites na naki sabay na rin ng pang-aasar sa bunso niyang kapatid. Nang nakahiga na si Irina sa itaas ng kama since double deck ang kama roon, nasa ibaba niyang natutulog si Mabelle ay nagteks siya kay Ivan.
Ibinigay ni Kuya ang numero mo kaya itineks kita. Pasabi na rin sa asawa mo na sorry ha? Hindi ko intended na manggulo.
Pagkasend ni Irina ay nagutla siya sa pagyanig ng kanyang selpon...
Ina-antay kita Irina, nagpakaworkaholic ako para hindi kita mamiss ng husto, gusto kong humingi ng tawad saiyo pero mas maigi kung makikita kita ng personal.
Pareha silang hindi nagteks pero pareha silang nakangiti na nakatitig sa kanilang mga selpon. Hanggang sa si Irina na ang nagsend ng mensahe...
Goodnight na at may work pa ako bukas. Teks ka na lang siguro mga five or six ng gabi para walang istorbong mangyayari.
Ok. Goodnight, sweet dreams!
Napangiti na lang si Irina saka itinabi niya sa ilalim ng unan ang kanyang selpon at natulog.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

BINABASA MO ANG
Imperfect
Aktuelle Literatur[OLD] 𝘉𝘢𝘴𝘦𝘥 𝘰𝘯 𝘢 𝘵𝘳𝘶𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺. Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain...