Maagang pumasok si Irina dahil sa head ng storage room ng kumpanya'y humingi ng pabor kay Marites na tulungan sila sa paglilinis since ang kalahati sa mga under niya'y halos may ugaling feeling magkakasakit sa dumi. Tanging pangako niya sa mga maglilinis ay hiwalay ang bayad niya sa sinusuweldo kaya para kay Irina hindi siya tumanggi sa alok nito.
Inihatid sila roon na iilan lang silang maglilinis sa napakalaki ng storage, ang pa-umagahan sa kanila'y libre na ng head ng storage room at walang bawas daw sa ibabayad kaya maraming kinain si Irina na kung saan nagsimula na siya sa paglilinis. May katabi siyang isang kasamahan para ituro sa kanya kung saan ilalagay ang ilang nadadampot niya.
Ilang oras ang lumipas na nakitulong ang nakabantay sa kanyang kasamahan sa storage ay may napaansin si Irina na isang box. Nakalagay doon ay...
Ivan B.
Siniyasat niya ang laman ng kahon kahit na alam niyang bawal ay tiningnan niya ang kabuang laman, nakita niya ang larawan na kuha ni Janet sa kanila kaya agad niya itong kinuha saka tinakpan.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ng kaninang nakabantay sa kanya.
Kulang na lang ay mawalan ng malay si Irina sa narinig pero sinubukan niyang kumalma at saka, "Hindi ko sinasadya na nalaglag ang kahon," tugon ni Irina na inilagay na niya sa kanyang bulsa ang larawan nilang dalawa ni Ivan.
"Aist! Hala tulungan na kita. Ilan sa mga side na ito eh, dating mga nagwork na hindi pa nila kinukuha at wala na sa kumpanya. May iba naman na hindi rin nakukuha pero nagwowork pa rito." Paliwanag nito na tumatango lang si Irina.
Pagkabalik ng kahon ni Ivan sa tamang lagayan ay itinuro ng bantay niya ang kasunod na lilinisin, halos nawala na rin ang kaba sa kanyang dibdib at patuloy na nakilinis. Dumating ang sinasabi ng head na maaarteng under niya, nagkaruon siya ng lakas ng loob na sermonan ang mga under niya. Nagbanta pa ang head ng storage room na makakarating ito mismo sa C.E.O. na lalong umalingawngaw ang pakiusap ng mga trabahador.
Tanghalian ay kanya-kanya na silang nagsama-sama sa gitnang parte sa labas ng storage room na kung saan libre ng head maliban sa mga under niyang huli ng dumating. Tiningnan ni Irina ang kanyang selpon habang mayroon pa siyang nginunguya...
Morning! Don't skip breakfast...
Putcha parang eighteen years old ako nitong nabati saiyo. Hindi ko kaya lang na hindi magteks saiyo this time.
Tanghali na, lunch ka na. Halatang busy ka sa work mo at hindi mo pa nababasa ang teks ko saiyo kaninang umaga ah? Saan ka ba nagwowork now?
Sinagot ni Irina ang tanong ni Ivan...
Sa isang kumpanya ako nagwowork na tinatauhan ko lang iyong cafeteria ng pinsan ko. Ikaw ba?
Company din pero marami akong oras saiyo.
Dumali ka na naman bansot, ayan na ang hugot mong marami kang alam!
:)
"Ang tipid aba," mahinang maktol ni Irina.
Itinabi na ni Irina ang kanyang selpon saka tinapos ang pagkain. Hindi pa tapos ang ilan pero nagsimula na muli siyang maglinis kaya iyong bantay niya'y nagmadali na rin kumain at sinamahan na siya para makitulong na rin.
Pinauna na ng head ang mga nauna at hindi miyembro ng kanyang departamento na umalis kaya nagdiretcho si Irina sa cafeteria.
"Maigi at dumating ka iha," sambit ni Manang Bella.
"Parang hinapan ng hangin si Sir at lahat daw ng mga mangagawa'y magkakaruon na ng sariling kuwarto sa dorm na ilang takbo ng sasakyan ang layo mula sa company natin." Paliwanag ni Manang Fe na tagaluto.
"Paalis na sana kami kaso iniintay ka talaga namin eh," maktol ni Manang Vire.
"Pasensya na ho kayo, naglinis kasi ako sa storage room need daw nila ng tulong eh, ekstra rin na pera kaya pinatos ko na rin." Ngiting paliwanag ni Irina na napangiti ang mga matatanda.
"Iba na talaga kapag bata ano?" tanong ni Vire.
"Sinabi mo pa!" sang-ayon ni Fe sa kanya.
Nang nakarating sila sa sa dormitoryo'y nakangiti lahat ng matatanda. Napayakap na lang si Manang Fe kay Vire habang si Irina pinipispis ang likuran ng dalawang matanda. Nakita rin nila ang ibang mga dalagang kakarating lang sa dormitoryo pero mas kapansin-pansin ang sekretaryang si Monet na kinausap na ang mga dalaga saka nagpunta sa gawi nila.
"Ah, kayo po sa first floor since mahirap naman kung sa taas pa kayo. Heto po ang pass ninyo sa kuwarto po ninyo mismo."
"Magkakasama pa rin ba kami?" tanong ni Manang Bella.
"Opo, queen size bed naman po at dalawa pong kama ang nasa isang kuwarto, makikita ninyo na lang po." Ngiting paliwanag ni Monet sa kanila.
Dumiretso na ang mga matatanda sa kanilang kuwarto na kung saan hindi nga nagsisinungaling si Monet, ang buong kuwarto'y parang nasa isang five star hotel. Malinis ang lapag, dingding, ganoon din ang kulay ng gamit sa mga unan pati punda'y maaliwalas sa mata.
Alas siete nang nagutla ang mga matatanda sa katok, si Irina na mismo ang nagbukas ng pintuan pero mayroon siyang sanshe na hawak-hawak sa kaliwa, napangiti si Vire sa kanya.
"Ah! Sec!" sambit ni Irina na tuluyang binuksan ang pintuan at inilagay niya sa likuran ang kanyang hawak-hawak.
"Magandang gabi po, uhh, naronda lang si Sir." Paalam ni Monet na lumabas din ng kuwarto at sinilip ni Ivan ang gamit sa loob pati ang mga trabahador.
Dahil first time lang nakita ng dalaga ang kanyang amo, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit halos nakatingin lang siya rito. Ichineck ng boss nila ang kandado nina Irina saka tumango ng bahagya.
"Alam kong matatanda na kayo at alam ninyo na ang tama pero ang oras ng paglabas ay alas otso lang kapag lumagpas tumawag muna kayo sa gard para alalayan kayo kung mayroong emergency, para maitawag sa manager. Ito lang ba ang dalaga ninyo rito?" tanong nito.
"Opo Sir," tugon ni Bella.
"Icheck ninyo na Adrian ang kasunod." Utos nito na umalis na kasama si Monet ang sekretarya.
Nakatayo lang ang boss nila sa pintuan saka napabugtong-hininga pero seryoso pa rin ang kanyang mukha, habang ang suot na lang niya ay casual na panglamig na kulay itim. Habang sa pang-ibaba niyang suot ay jogging pants na itim din.
"Ang dormitoryo'y hindi all-girls-dormitory meaning hindi lahat babae," tigil niya saka tumingin kay Irina, "Kaya kung magsusuot ka ng ganiyan dapat kapag nasa kama ka na. Hindi ako natanggap ng excuses na kesho mainit, ikaw ang magko-cause ng gulo sa suot mo. Mag bra ka." Ibinulong ng boss nila ang huling utos niya saka umalis napatakip na lang si Irina sa sinabi ng kanilang boss.
Pagkasarado ni Irina ng pintuan na ikinandado na rin niya'y napangiti ang tatlong matanda.
"Ang ganda mo iha, at napansin ka ni Sir," saad ni Vire.
"Hi-hindi ba siya ganoon?" tanong ni Irina.
"Wala ngang pakialam iyon eh," singit naman ni Fe.
Tumingin si Bella sa dalaga, "Bakit ba kasi wala ka ngang bra ha?"
"Ah, patulog na kase tayo," tugon ni Irina.
"Nagteks ka ba kay Ma'am Marites ha?" tanong pa ni Bella.
"Opo," ngiting tugon ni Irina na mayroon pang pagtango.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
![](https://img.wattpad.com/cover/328168075-288-k359675.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect
Fiksi Umum[OLD] 𝘉𝘢𝘴𝘦𝘥 𝘰𝘯 𝘢 𝘵𝘳𝘶𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺. Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain...