ᴄʜ 𝟸𝟻

22 18 0
                                    

Buwan ng Disyembre, nagkaruon ng isang reunion ang batch ni Irina noong hayskul. Imbis na sa school ay sa isang resort sila nagpapunta na kung saan may nag-sponsor daw kaya nakapag-reserve sila ng buong lugar.


"Grabeh ang lawak ng puwestuhan natin kaysa sa mga foreigner doon ha? Sino'ng kaklase mong over yaman ha, Rochelle?" tanong ni Regina na matalik niyang kaibigan.

"Hindi ko sure kung sino eh! Baka si Lynell,"

"Dapat iyon ang gawin mong nobyo mo." Pautos nitong suwestyon.

"Gaga! Pasalamat ka at wala si Gino rito." Suway ni Rochelle sa kaibigan.

"As if naman malaman ng asawa mong bano hmp!"

"Walanghiya sino ang nagsponsor nito ha?" tanong ni Ediezer kina Agarao.

"Baka ako?" tanong nito sa kanya.

"Hayop! Pautang naman, mayaman ka na pala eh!"

"Gago! Hindi!" sabay tawa nito na napa-iling na lang si Ediezer.


Napalingon si Bernie sa mismong pinagkukumpulan ng iba pa niyang kaklase na kasama rin nila ang pamilya o kaibigan. Nakita niya si Ivan, at kausap ang asawa ni Jerryfel na si Clarissa, nilapitan niya ang tatlo.


"Boni!" tawag ni Bernie sa kanya at yayakap sana nang isinalpak ni Ivan ang kanyang kanang kamay sa mukha ng kaklase.

"Para kang chicks," saad nito.

"Aba, himala Bonifacio nakarating ka for the first time ah!" sambit na lumapit na si Janet.

Kumunot ang noo ni Ivan, "Janet?"

"Sino pa nga ba top one? Na saan na si Irina ha?"

"Bakit mo pa expected na makarating iyon dito ha?" iritang tanong ni Bernie.

"Kumag ka. Problema mo kay Irina ha?" tanong ni Janet na humakbang na ng isa.

"Hal!" hiyaw ni Ivan na napatingin lahat ng mga naroroon sa loob.


Napakunot si Janet ng noo.


"Sino'ng tinatawag mo r'yan Bonifacio?" tanong ni Janet.

"Walanghiya ka Boni, bakit hindi mo ako inimbitahan sa kasal mo?" iritang tanong ni Bernie.

"Grabeh si Ivan makasigaw," saad ni Rochelle.

"Sino iyon?" tanong ni Regina.

"Top one namin noong high school," tugon ng kaibigan na inilagay na sa supot ang kalahati ng chiffon cake.


Palinga-linga si Ivan sa paghahanap na kung saan napalakad na siya papunta sa swimming pool sa harapan. Nilapitan si Ivan ni Janet pero natigilan nang may napansin siya na kausap ni Ron.


"Sino iyon?" tanong ni Janet.

"Sino'ng sino?" tanong pabalik ni Bernie sa kanya.

"Iyong babaeng maputi? Kaninong asawa iyon?" tanong pa ni Janet na nakaturo sa babaeng kausap ni Ron.

"Baka asawa ni Ron," tugon ni Bernie.

Hindi nag-uusap si Ivan nang tapikin siya sa likuran ni Ediezer. Katabi nito ang asawa na malaki ang tiyan, ngumiti lang ito kay Ivan ngunit seryoso lang si Ivan.

"Ivan! Kamusta na? Maigi at nakarating ka ah?"

Tiningnan lang ni Ivan ang kaklase nang kakarating lang nina Liezel at ang asawa nitong foreigner.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon