ᴄʜ 𝟷𝟻

29 24 0
                                    

Naglagay si Ivan ng cologne habang kumukuha pa si Irina ng makakain mula sa plastic bag na pinamili rin nila habang nasa mall. Alas sais na ng gabi nang natigil si Irina ng kanyang pagbubukas ng titsiyang kapit-kapit saka lumingon kay Ivan na nagmamaneho since umusad na ang trapiko.

"Naglagay ka ba?" tanong ni Irina.

"Oo, sinubukan ko lang. Hindi masyadong matapang pero ayos na rin."

"Hi-hindi ka pa naliligo naglagay ka na," utal na sabi ni Irina.

Nangangatal si Irina pero itinikom na lang niya ang kanyang bibig, at pinipilit na maging normal ang pagkuha niya ng titsiryang piatos na pizza ang flavor. Nang nakapasok na sa subdivision ang kanilang sasakyan binuksan na ni Irina ang piatos na binili saka nagsimulang manginain, kahit na sa bawat kain niya'y humihingal siya.

itbit ni Irina ang kanilang magagaan na pinamili habang si Ivan sa mabibigat. Ipinatong niya sa counter habang nakita niyang napagala ng tingin ang dalaga sa kanyang lugar, naupo si Irina sa sofa na katabi lang ng queen size bed ni Ivan.

"Maliligo ka muna o mauna ako?" tanong nito sa dalaga na ikinatingin niya.

"Wala naman akong damit dito," tugon nito.

"May damit ako ng pinsan ko r'yan puwede kang manghiram, hindi pa sa akin kinukuha kaya tumingin ka sa kabinet." Utos ni Ivan na nakaturo sa kabinet na nasa tapatan lang ng kama.

Kulay puti ang kabinet na katabi nitong working table at telebisyon na nasa kulay brown ang kulay ng pinagpapatungan. Kumuha si Irina ng damit na halos malaki pa sa kanya, at ayon kay Ivan eh, sa pinsan niya ang mga damit kaya hindi na siya nagreklamo at kinuha niya. T-shirt na medyo manipis na ang tela pero puti, at medium size na night gown na yari sa makinis na tela pero ang haba nito lagpas puwitan lang.

"Feel ko maaakit siya rito eh!" maktol ni Irina.

Naka-apron si Ivan habang nagluluto pero ang suot niyang polo'y nakatupi ang parehang dulo habang kapit-kapit niya ang kawali. Kumuha si Irina sa kabilang kabinet ng t-shirt na kulay puti at idinikit niya sa likuran ni Ivan para masigurado niyang kanya ito.

"Hmm? Ano nakakuha ka ba ng dadamitin mo?" tanong ni Ivan sa kanya.

"Magbihis ka muna." Utos ni Irina saka inabot ang t-shirt.

"Maya na pagkaligo at sayang lang ang damit," saad nito.

"Sayang din ang pera kung magkakasakit ka lang," wika ni Irina na pinatay muna ni Ivan ang kalan saka hinarap ang dalaga.

Kinapitan na ni Irina ang polo shirt niya saka tinulungan na niyang hubarin ang suot nito habang nakatingin lang si Ivan sa kanya.

"Baka gusto mo lang makita ang abs ko ha?" asar nitong tanong.

"Kung gusto mong mahalin kita, mahalin mo sarili mo. Ayakong maging balo kapag nagpakasal ako saiyo noh!" saad ni Irina na tuluyan ng naalis niya ang mga butones na hinubas na ni Ivan ang suot nito.

Kinuha na ni Ivan ang t-shirt na isinuot niya saka lang umalis si Irina dahil nakita na rin niya ang banyo na nasa kaliwang bahagi ng harapang pintuan. Napalunok ng malalim si Irina saka kinandado ang pintuan ng banyo dahilan sa ang shower room ay walang kurtina na pangharang at halos salamin na transparent.

Matapos magluto ni Ivan kumuha na rin siya ng damit niyang ibibihis nang yumanig ang kanyang selpon habang naka-upo sa dulo ng kanyang kama.

"Hello? Ma?"

Anak puwede ba kaming bumisita saiyo ha?

"May bisita ako," tugon ni Ivan.

Mas mahalaga ba naman ang bisita na iyan kaysa sa nanay mo ha?

"Ma, aasawahin ko itong bisita na tinutukoy ninyo," tugon ni Ivan na narinig niyang napasinghap ang ina.

Jusko! Oo, ah, uhh, umm, sige anak next time na lang ha? Bye love you damihan mo ha?

Agad binaba ng ina ni Ivan ang tawag na napakamot sa ulo ang binatilyo, hindi niya namalayang nasa sofa na si Irina.

"Mukha kang living emoticon diyan, sino tumawag?" tanong niya.

"Si Mama, may sinabi nga siya eh, hindi ko naintindihan,"

"Oh?"

"Sinabi ko kasi na naririto ka at bibisita sana sila,"

"Okay naman na umalis ako,"

"Eh, ang sagot nila ay damihan ko raw, hindi ko naintindihan iyon..." Maktol na tumayo na si Ivan pero tumingin muna siya kay Irina, "Alam mo iyon?"

"Oo, maligo ka muna ng mainit na tubig pero make sure na huwag kang magkandado ha?"

"Bakit?" tanong ni Ivan.

"Para macheck kita if anything happens," tugon ni Irina na napangiti si Ivan saka tumango.

Pinatay muna ni Ivan ang kanyang shower nang narinig niya ang humuhuni kaya nakapokus siya rito. Nakanta si Irina pero hindi sa lenguwaheng Ingles o Pilipino kung hindi sa Hapon na napangiti at umiling na lang si Ivan.

"Mahilig pa rin siya sa mga anime na kanta," saad ni Ivan saka nagshampoo ng kanyang buhok.

Matapos ni Ivan na maligo'y isinuot na niya ang kanyang boxer short, at sandong puti na bitbit bago siya pumasok ng banyo. Nakita niya na nakatingin si Irina sa itaas ng mga kabinet.

"Wala ka bang mailagay dito?" tanong ng dalaga.

"Wala, at bakit nga pala ganiyan ang suot mo?" tanong ni Ivan na tinutuyo niya ang kanyang buhok.

"Wala akong makita eh," maktol ni Irina.

"Gusto mo lang yatang akitin ako noh?"

Kinuha ni Irina ang unan saka initcha kay Ivan, "Kapal ng mukha ha?"

Inilapag na lang ni Ivan ang unan saka tinuyo muli ang buhok nang tinulungan na siya ni Irina at siya na mismo ang nagkukusot.

"Itapat mo kaya sa electric fan," suwestyon ng dalaga.

"Naka air condition lang tayo Irina walang fan." Paalala ni Ivan.

"Sossy eh! Mas gusto ko kaya ang fan kaysa sa air con."

"Teka, buksan ko muna," wika ni Ivan na kinuha ang remote para roon saka may pinindot at kusang tumunog na ito.

"Argh! Ang lamig naman sobra agad!" Maktol ni Irina, "Nararamdaman ko na iyong hangin eh!" dagdag pa niya.

"Katabi mo naman ako,"

"Ayako!"

"Alin ang ayaw ng baby ko ha?" patanong na para siyang batang nagmamaktol.

"Ivan naman ihhh! Nakakainis ka. Babaan mo iyong lamig aba! Tandaan mong dalawa lang tayo rito noh!" Paalala ni Irina.

Humarap na si Ivan kay Irina na pinagpatuloy lang niya ang pagtutuyo sa buhok ni Ivan.

"Bakit ka ba kasi naligo ng buhok?" iritang tanong nito sa kanya.

"Madumi ang labasan kaya dapat lang na maligo ako."

"Ikakasama mo naman kapag basa ang buhok mo tapos natulog ka,"

"At bakit?"

"Malalamigan masyado ang utak mo," tugon ni Irina na naupo na si Ivan sa kama.

"So, ang oras ng kuwentuhan natin ang pagtuyo ng buhok ko," wika niya na napangiti si Irina.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon