Apat na taong lumipas at naka-graduate na rin si Irina sa University of Perpetual Help System Laguna na ang kurso'y BSN. Kakauwi lang niya sa apartment ng tinitirahan ng kanyang Ate Marites nang tumawag ang kanyang ina...
"Anak...congrats ha?"
"Mi? Bakit kayo naiyak? Tears of joy ba?" tanong ng dalaga na alam niyang hindi ito ang dahilan.
"Ang dadi mo...he...h-he's gone..." narinig niya ang pag-iyak ng kanyang ina.
"Hello Ate?"
"Kuya?" napalunok na tanong ni Irina.
"Ako na bahala rito ayaw kasi ni Mama na maruin ang masayang moment mo since graduate ka na, Congrats nga pala at nars ka na!"
"Uuwi rin ako riyan kaya no need na magworry okay?"
"Okay, ingat ka sa pag-uwi ha?"
"Oo, ibababa ko na 'to." Paalam ni Irina at ibinaba na ang tawag.
Nagsimula na siyang mag-impake na nakitulong na ang kanyang pinsan na si Marites. Dahil ang nag-aayos ng kanilang dadalhin ay si Levy, matapos nilang mag-impake'y umalis na rin sila na si Raymond ang nagmaneho ng kanilang sasakyan.
Pagkarating nila roon agad niyakap ni Irina ang kanyang ina, ilang mga kamag-anakan ang naroroon. Nagkuwentuhan muna ang mag-iina na kung saan nakapagtapos din ang kanyang Kuya sa Lucban na ang kursong Biology.
Nakarating na sila'y lubog na ang araw, dahilan sa trapik ng Los Baños lalo kapag Biyernes. Hindi aakalain ni Irina na hindi siya nakapagpaalam sa kanyang ama, at iilan lang ang na aalala niyang masasayang moment sa kanyang ama since malimit siyang tumataliwas sa mga hilig niya noon.
"Wala na sigurong tataliwas saiyo ngayon ano anak?" tanong ng ina ni Irina.
"Ma, okay lang sa amin ni Kuya ang magkaboyfriend kaso dapat ligawan niya muna ang Kuya or ekis ha?" tanong ni Irina na napangiti ang ina saka niyakap siya muli.
"May nagpunta rito. Hindi ko maialis ang tingin ang guwapo, tangkad at mukhang mayaman. Anak sino nga iyon?" sabay tanong na nito sa nakakatandang kapatid ni Irina.
Kausap pa kasi ang mga tiyahin nang lumapit ang kuya ni Irina. Matangkad pa ito kay Irina na maiksi ang buhok medyo may katawan, at single pa rin kagaya niya, ang pinagkaiba nilang magkapatid ay may salamin ito at si Irina'y wala.
"Alin iyon Ma?" tanong nito.
"Sino nga iyong guwapong lalaking nakiramay na start sa letter I ang pangalan noon eh,"
"Si Ivan, Ivan Bonifacio."
Hinarap si Irina ng kanyang ina saka ngumiti na, "Nakiramay siya pero mayroon siyang mensahe saiyo na malaman mong nakarating siya."
Nakatitig lang si Irina sa kanyang ina ng nagsimulang tumulo ang luha niya.
"Anak?" tawag ng ina ni Irina.
"Okay ka lang?" tanong naman ng kapatid nito.
Tuluyang naipikit ni Irina ang kanyang mga mata at hindi na rin niya makontrol ang kanyang katawan na maigi nasa tapat niya ang kanyang kapatid, nasalo agad siya. Nagutla ang kanyang ina habang napayakap agad si Levy sa kanyang kapatid.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Glenmar na isa sa pinsan ni Irina.
Karga si Irina ng kanyang kuya saka inihiga sa kuwarto ng kanyang ina. Na tumabi sina Levy at Lisa ang ina ni Irina sa kama na kung saan inihiga ng kapatid ang dalaga.
"Kami na bahala sa bisita Ma," paalam ng panganay na tumango lang si Lisa at kinumutan ang anak.
"Naku! Kapatid iyang Ivan na iyan ang dahilan kung bakit agad pumayag si Irina na mag-aral sa amin," panimula ni Levy.
Pinipispis ni Lisa ang ulo ng anak, "Kasintahan ba ni Irina si Ivan?" tanong nito sa Ate niyang si Levy.
"Ang alam ko hindi. Ayon kasi sa kanya, nagkaruon sila ng misunderstanding noong hayskul tapos iniyakan pa nga niya eh, pero wala siyang galit dito. Ang totoo nga niyan first love raw niya ang lalaking ito."
"Aba! At nagpir-first love na ang anak ko ah?"
"Hindi lang siguro niya masabi nga gawa ni Ferdie," saad ni Levy sa kapatid.
Tatangu-tango ni Lisa na hinalikan niya ang noo ng anak na ikinamulat din nito matapos.
"Anak!"
"Mi? May foods ba tayo riyan? Nagugutom na ako,"
Tatangu-tangong tugon ni Lisa, "Oo mayroon, tinakot mo ako anak ha?" tumutulo ang luha ng kanyang ina sa mukha ni Irina.
"Sorry Ma, masaya ako nakarating siya kaso kakalungkot kasi hindi ko siya nakita eh," maktol ng dalaga.
"Nag-iwan siya ng contact number kaya puwede mo siyang tawagan if ever na feel mo na, at kunin mo iyon sa Kuya mo since siya ang nagsave ng numero niya."
"Salamat, Ma!"
Bumangon na rin si Irina nakitayo na rin ang dalawang magkapatid saka nila inasikaso ang mga nabisita pa sa burol ng kanyang ama. Hindi natulog si Irina para makapagpahinga ang kanilang ina habang ang kanyang Kuya Sebastian ang nanatiling gising para samahan ang bunsong kapatid.
"I-save mo na para hindi mo na ako tatawagin pa bukas para lang kunin ang numero niya,"
"Sure ka bang kaniya ito? Baka mamaya sa kapatid niya."
"Bakit hindi mo tawagan para makasigurado ka?" Suwestyon ng kanyang kuya.
Sinubukan muna ni Irina na i-text ang numero na tumayo na ang kanyang kapatid para magtimpla ng kape ay wala pa ring nagrereply. Sumunod na lang siya sa kanyang kuya para makikape na rin.
Alas sais ng umaga nang nakareceive si Irina ng reply mula sa numero raw ni Ivan. At ang sagot nito'y...
Kung magteteks ka ng madaling araw na pangalan ko lang, at walang pakilala mo'y tigilan mong magteks. Or iba-block kita kapag hindi mo ako tinigilan ng panggugulo.
"A-ang sungit ng bansot na 'to," sambit ni Irina.
"Ano? Tara?" Yakag ng Kuya nito.
"Sa?" kunot-noo na tanong ni Irina.
"Mall malamang wala na tayong pagkain sa bahay inubos ng mga nakiramay," tugon ni Sebastian saka umalis muna si Irina para magbihis.
Sakay ng sasakyan ng kanyang Kuya'y umalis na rin sila. Pinabaunan sila ng tiyahin nila ng mahabang papel na naglalaman ng pamimilihin, habang nanatili sa bahay na si Levy kasama ang anak na si Mabelle habang ang tatlong lalaking kapatid ang kasama ni Lisa.
Habang naka-stuck sila Sebastian at Irina sa trapik sa ka-Maynilaan ay kumakain na ang dalaga ng bitbit nilang titsirya.
"Nagkuwentuhan kami kung ano ang mayroon sa inyong dalawa," panimula ni Sebastian na hinampas ni Irina ang braso ng kapatid.
"Siraulo ka talaga!" hiyaw ni Irina.
"Look, kuwentuhang lalaki ang nangyari, single pa ang lalaking iyon, at nagpapakaworkaholic para raw hindi ka niya mamiss. Nabrobroken heart siya kapag naaalala ka lang niya, sinisi ang sarili na hindi siya naniwala saiyo that time. So, ano ba kasing nangyari sa inyo ha?" Tanong ni Sebastian.
"Wala eh, nagdrama ako...pero namiss ko ang bansot," wika ni Irina na napatingin si Sebastian sa kanya.
"Ang tangkad na niya Irina, makabansot ka. Hindi ko nga maintindihan nagustuhan niya saiyo noong hayskul kayo since ang guwapong lalaki tapos," tigil ng kuya at nakatitig sa kapatid, "Pumatos lang siya sa kagaya mo."
"Kapal! Seksi ako ngayon tapos makapatos sa akin na parang basura ako ah! Baka gusto mong injekan kita ng lason diyan." Banta ng dalaga.
"Itaxodermy kita r'yan eh!" banta naman ng kapatid.
Nagtawanan ang magkapatid pero kinuha ng kuya Sebastian niya ang kanyang kinakain, imbis na agawin Piatos na pizza flavor ang kanyang kinuha mula sa likuran ng kanilang sasakyan habang ina-antay ang pag-usad ng trapik.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Imperfect
Aktuelle Literatur[OLD] Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain sa ikalawa niyang kurso'y hindi lang es...