ᴄʜ 𝟻

54 42 0
                                    

Araw ng Sabado, nagkita sina Irina at Rowell sa Mcdonalds na isang restaurant na walking distance lang din sa kanilang bahay. Nakasuot ng pants na itim at naka-puting polo shirt na mahaba ang manggasan sa pang-ibabaw, may suot pa itong reading glass kaya napapadalawang tiningin ang ibang mga babae sa kanya.


"Guwapo natin ngayon ah!" bati ni Irina sa kanya.

"Let's get to the point Irina," pag-iibang usapan nila.

"Ibang-iba ka na at hindi na kita kilala," wika ng dalaga.

Kinapitan ni Rowell ang kanyang kamay, "Ako pa rin ito girl kaso baka nga iba na ako, let's pretend for the sake of our dads kung puwede lang,"

"Sure!" tugon agad ng dalaga.

"Gusto mong malaman kung bakit?" tanong pa nito.

"Bakit nga ba?" tanong na nga ni Irina.

"Kasi nakabuntis na ako kaya yes, pinaliwanagan ko naman ang nabuntisan ko so, meaning asawa ko iyon at darating siya now."

"Ay ang bilis!" sambit na lang ni Irina na napalingon na rin sa mga nadaan na sasakyan.


Ilang minuto pa ang lumipas ay isang simpleng babae ang lumapit sa gawi nilang pareha, suot nito'y nakamahabang one piece dress at naupo sa tabi ni Rowell. Napatingin siya kay Irina na nakatingin lang sa asawa niyang si Rowell.


"Magkaibigan ba talaga kayo ng asawa ko?" tanong nito.

"Hon, oo naman!" tugon ni Rowell.

"Ayako nga ng balak ni Dadi eh!" Maktol ni Irina.

"Hindi ba dapat kausapin mo tatay mo?" taas kilay na tanong ng nabuntisan ni Rowell na si Micah.

"I just did kaso nasampal lang ako," tugon ni Irina sa kanya.

"Nagprepretend lang kami para lang for the sake of our father's friendship." Paliwanag ni Rowell sa asawa.


Nakanguso si Micah at halata ni Irina na hindi naniniwala ito sa dahilan nilang dalawa ni Rowell.


"Hon naman," kinapitan na niya ang kamay ng kanyang asawa habang hinihimas nito ang kanyang tiyan, "Masama sa baby natin ang mastress ha?" paalala pa niya.


Naigalaw ni Irina ang kanyang kanang paa at naramdaman ang natabig niya isang paper bag, sinilip niya kung ano'ng laman nito. Tanging nakita niya'y isang box at t-shirt na halatang pamalit. Dahan-dahan ini-aangat ni Irina ang kanyang ulo para silipin kung sino ang may-ari ng bag na ikinagutla niya.

Nakasuot ang lalaki ng mahabang polo shirt na kulay puti at nakapantalon na itim. Halatang galing siya sa isang kasalan na napatakip si Irina ng kanyang bibig gamit ang kaliwang kamay, pinipigilan niyang hindi mahalata ng kanyang kababata't-asawa nito na napapangiti siya. Ngunit si Rowell na ang nakahalata na nakakunot na ang kanyang noo pero umiiling lang si Irina sa kanya.


"Bakit?" tanong ni Micah.


Napalunok na ng malalim si Irina at lumipat ng upuan na kung saan imbis na katapatan na niya si Rowell eh, si Micah na ang katapatan niya. Tumingin sa kanang bahagi niya si Irina pagkuwa'y nakatalikod na siya sa dalawang binatilyo sa left side niya.


"Pumayag ka na kasi. Libre ko na ang pamasahe mo pramis!"

"May pera ako pang-uwi kaya puwede ba, iteks mo na lang si Michael baka samahan ka pa sa gusto mong mangyari." Iritang utos ng kasamahan niya.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon