Ngayon na ang araw ng laro at saya ang nararamdaman ko dahil finally makakapag-laro na ulit ako ng football.
Kasama ko ngayon sina Suzy, andito ang football players ng AOS pati ang basketball at iba pa. Nandito nga rin si coach O'Donnell para suportahan kaming apat.
"I'm sure you'll win this game Yash" sabi ni coach.
"Sana"
"Anong sana? Don't tell me you're having a doubt? Anong nangyari sa isang Yashi Sanchez na over confident pagdating sa larong football?" I guess she's gone. Ewan ko, simula ng maging up and down ang buhay ko dito sa Tdemy ay hindi ko namalayan hanggang ngayon na bigla na akong nag-iiba. Yung dating siga na walang kinakatakutan at over confident sa ano mang bagay ay parang nawala na. Weakness ko yung mga taong mahal ko, sila yung nagpabago sakin.
"Naisip ko lang kasi coach na magpaka-humble muna" sabay tawa ko na sinabayan din nila.
Umalis na din naman sila pagkatapos kaming maka-usap nina Wang at dumiretso na ng football field. Bigla namang dumating si Filardi na nagpahatid lang ng suporta. Una nagtaka pa ako kung bakit sya nandito at kung paano nya nalamang may laro hanggang sa naalala ko palang naging stalker ko sya psh.
"Max" I exclaimed as I run towards them. Kasama nya si Ike. "Bakit kayo nandito?"
"Syempre para panuurin ka" si Ike yung sumagot. Sinamaan ko nga ng tingin
"hahaha totoo, Yash. Manunuod kami at para na rin kamustahin ka." Tatawang sambit ni Max.
"Eto ok na ako, kayo?"
"Ganun din. Pasensya na ha, hindi man lang kami nakadalaw sayo nung sa ospital ka, e na ospital din kasi kami." Sabay tawa nya ulit. Pare-pareho lang kasi kami nang nadanas
"Nga pala, alam mo na ba nangyari kay Penn?" tanong ni Ike. Tumango lang ako sa kanya
"Paano nyo nalaman?"
"Ano ka ba Yash, magkasama kami ni Filardi." Napatingin ako sa kanila na nagtatanong "Hindi mo alam?" umiling ako "Ahh... Sorry kung hindi ka na namin nasama, e nag-alala din kasi kami sayo ng muntik ka ng mapano nung mabaril ka. Si Filardi na din nagsabing, mas mabuti kung kami nalang ang gumawa ng paraan para mahuli sya. Alam ko namang gustong-gusto mong ikaw mismo ang tatapos ng gulong to pero bilang kaibigan natatakot din akong mapahamak ka, kayo nina Charm."
I smiled at them, sending that it's ok with me. Tapos na din naman kaya wala na akong magagawa. Nagising na din ako sa katotohanang walang may maidudulot na maganda ang paghihiganti.
After that, they bid their goodbyes and headed to football field, as for me, I'll be heading to players quarters. But I saw him... staring at me... mad... again!
BINABASA MO ANG
She was Cool
Teen FictionA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...