Friday na at ikalimang araw na naming nag-aaral sa Tdemy at walang pinagbago sa amin ni Toby, mas lumala pa nga ang bangayan namin… Palagi rin kaming nag cu-cutting ni Cleo. Ok lang naman dahil walang may nakakapansin.
“Girls balita ko nag sta-standout si Yael sa France” classmate1
“Oo nga pala, narinig ko rin yan. well, expect ko rin naman kasi si Yael yun.” classmate2
“I know right… Sya yung magdadala ng Tdemy sa taas. Alam kong famous na ang school natin pero may ikaka famous pa to pag pinagbutihan pa lalo ni Yael sa France” classmate3
“at pag nagkataon, pati tayong mga students magiging famous na din. FAME” classmate2
Tss…
Nakakarindi ang mga babae na to. Anong makukuha nila sa Fame na yan? hindi ba sila nahihiya? Ako, alam ko na ginagawa ni Yael ang best nya hindi para sa ibang tao kundi dahil sa gusto nya ang ginagawa nya. Kaya minsan sa kagustuhan nya, hindi na nya napapansin na marami ng tao ang umaasa sa kanya at ang ikinatatakot ko ay yung pag nagkamali lang sya ng kaunti, huhusgahan agad sya at hindi na papansinin ang mga mabuting bagay na nagawa na nya. At isa pa pag nalaman nilang kambal kami, ewan ko nalang… Sobrang maling disisyon itong nagawa ni papa.
Natatakot akong hindi ko magawang baguhin ang sarili ko dito at baka yun ang ikabagsak ni Yael.
Tinignan ako ni Cleo and tapped my back.
Lunch time ngayon, nandito lang kami sa classroom kasama si Jamella. Alam nyang kambal kami ni Yael, naging stalker namin sya remember? Though she’s pretty to be called that way. Hindi naman pwedeng admirer dahil babae sya…
“Ok ka lang ba Yashi?” tanong ni Jam, tinanguan ko lang sya “Alam kong worried ka na malaman ng lahat na kambal mo si kuya Yael at baka e-criticize ka…. Well, I have an idea” napatingin ako sa kanya “diba nasabi nyo na susubukan nyong magbago? Bakit hindi nyo subukang gawin na yung pagbabago na yun ngayon habang wala pang nakakaalam?”
Ang tanong KAYA KO BA?
“oo nga no, tsong…”
“ewan” sabi ko lang
“tutulungan ko kayo” sabi ni Jam
“I can be your Fairy God…. Sister” sabi nya sabay tayo at ikot-ikot… loko din to eh
“tss wag ka nga”
“what?” umupo sya ulit sa unahan namin “tutulungan ko na nga kayo pero bago ang lahat kailangan muna natin baguhin ang…..” tinignan nya ako mula ulo hanggang paa “pananamit nyo… Yay, magaling ako sa fashion hehehe”
“Loko ka ah. Parang sinabi mo na rin na wala kaming dating sa fashion” sabi ko
“hmmmm” ay nag-isip pa. leche “meron naman kaya lang hindi ganyan manamit ang tunay na babae Yashi… look at yourself, you too Cleo… you see, ang loose jeans, lousy shirt at ang mala-daniel padilla na blazer na yan saka sneakers ay hindi suotin ng tunay na babae. Dapat kasi mga high heels and just a dress or skinny jeans with sleeveless tops. Simple but it will look awesome. Ako ganun yung mga sinusuot ko kaya naman maraming humahabol sa akin”
Anyway, Cleo and I are wearing civilian clothes dahil transferee kami at wala pang school uniform.
“Ay nililipad ako ng hangin tsong” kumento ni Cleo
“Ako rin. Kumapit kang mabuti kung ayaw mong madala ng hangin”
“Naman eh” protest ni Jam
“Jam yung totoo, ang hangin mo hahaha at dito kami comportable sa suot namin. Pwede naman kaming magbago ng hindi pinakikialaman ang way ng panunuot namin”
“hindi nyo kasi nakukuha ang point ko dito… What I mean is, kailangan nyong maging presentable sa mata ng mga student to earn their respect and by that hindi na nila kayo e-bu-bully.. People has their own perspective in life, there will be people who will gonna accept you and there will be who won’t. I know you don’t need to change to fit in, you don’t need to change yourself for other people but sometimes we should. We’re not trying to please them, we’re just trying to avoid what you, Yashi, don’t want to happen at yun ay ang criticism ng students of Tdemy when they found out what’s between you and kuya Yael.”
Ang hirap naman neto… Lumaki ako na careless, na walang plan sa buhay. Yung tipong kung ano ang gusto ko yun na yun.
Dahil si Yael lang naman ang parati kong nakakasama way back childhood at syempre si Cleo at mga kuya nya, kaya din ako natutong kumilos lalake dahil mostly na nakakasama ko noon ay lalake. Hindi naman ako binibigyan ng pansin noon ng mama ko kaya walang gabay. At ngayon dahil sa nakasayan kong kilos lalake, nahihirapan akong baguhin. Oh stress!
“Bakit ka nga ba naging ganyan? I mean hindi ka naman tibo diba?” tanong ni Jam
Nagtinginan naman kami ni Cleo sa tanong nya at good thing dahil nag bell agad, ibig sabihin tapos na ang lunch break.
“Ay, sige alis na ako. Bye bye” paalam nya
Wew… Save by the bell… sa ilang araw naming nakakasama si Jam masasabi kong pwede na sya mapagkakatiwalaan. Mabait sya saamin pero it’s too early for her to know why I’m really like this.
May meeting ang faculty and staff ng school kaya maaga kaming di-nismiss.
“Anong gagawin nyo this weekend?” rinig kong tanong ni Rani kay Cleo.
“hmmm wala naman. Home bound” sagot ni Cleo kay Rani sabay tingin sa akin.
“We’ll go swimming tomorrow. Why don’t you join us?” pag presenta ni kuya Enrick na sinang-ayunan ni Rani “Yashi?”
“What?? Hell no dude” singit ni Toby “sasama nyo yang tibong yan? Pwe kayo na nga lang” saka sya lumabas ng room. Bastos talaga nun
Matapos mag ayos ng gamit ay lumabas na rin kami ng classroom para maka uwi na. Nakita ko si Toby na naninigarilyo, hinihintay siguro sina kuya Enrick.
Lumapit ako sa kanya at agad na sinikmuraan sya. Saka sinabing “para sa kaalaman mo, ayaw ko rin na makasama ka. Makita nga lang kita, sukang suka na ako at hindi ko maatim maligo sa isang pool na mayroong buwaya”
BINABASA MO ANG
She was Cool
Teen FictionA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...