“yum yum yum hmmmm” si Charm yan. Isip bata talaga… nagmumuka syang ewan eh
“Hinay hinay lang Charm, hindi ka naman mauubusan” natatawang response ni kuya sa kanya
“Gusto ko pa ng Ice cream, bili mo ko Enrick” si Rani
“Pati pa ba ang pagbili sa akin mo iuutos?”
“di. Ibig kong sabihin, bigyan mo ko ng pera, treat mo diba? Minsan lang to kaya lulubusin ko na” sabay lahad ng kamay nya si Rani. Napa iling nalang si kuya habang naglalabas ng cash
“Yan kasi, nagpapkitang gilas. Mukhang mauubos tuloy ang pera mo para sana sa bibilhin mong sasakyan hahaha… Teka ako din, gusto ko ng isa pang frappe saka caramel cake” sabi naman ni Toby
Nga pala andito kaming lahat sa isang shop kung saan makakabili ka ng sweet foods like cakes, cupcakes, cookies, candy at meron ding ice cream saka coffee frappe na may free wifi kaya maraming customer. Dati, palagi kaming nandito nina Wang.
“Nga pala saan kayo nag-aaral?” tanong ni Rani kay Wang na hindi neto kinibo kaya ako nalang ang sumagot.
“Sa AOS sila nag-aaral”
“woaaah?? Ibig sabihin athlete ka, Wang?”
“Yep. Football player, pati na rin si Charm” ako ulit sumagot
“wow ang galing. Bihira na ngayon sa babae ang sporty, kadalasan kasi puro pagpapaganda yung pinagkakaabalahan. Teka malapit na ang tournament ah, maglalaro ba kayo?” tanong ulit ni Rani pero hindi pa rin sya pinapansin ni Wang kaya sasagot na sana ako ng umepal si Toby at sinabing
“Oh, sasagot ka na naman? Ikaw ba tinatanong? Ikaw si Wang? Ha ikaw? Epal neto”
“nadinig mo bang nagsalita sya? Ha? Nadinig mo? At ikaw ba kinakausap ko? ha ikaw ikaw? Leche. Epal ka rin”
“paano sya makakapagsalita eh sinisingitan mo?”
“Kaibigan ko sya Toby kaya alam kong hindi sya sasagot. Anong gusto mo, magmukhang tanga yang si Rani kakahintay ng sagot?”
“ma-malay mo naman sasagot sya. Pinapangunahan mo kasi, masyado kang atat eh hindi naman ikaw tinatanong.”
“Oh tama na yan. Tss” singit bigla ni Cleo kaya natigil kami…
Kilalang kilala ko na si Wang at hindi nyan papansinin ang bagong kakilala palang nya lalo na pag makulit eto. Hindi naman kasi sya yung sumasagot at nag-aaksaya ng laway. Epal din ang Toby na to.
“matanong ko lang, curious kasi ako” tanong ni Reign na nakatingin sakin “ba-bakit sinasabihan na stupid at bully ang mga students sa AOS?”
“What??? I didn’t heard that. Hindi naman sila stupid ah, tignan mo nalang si Wang…. Maganda” sagot ni Rani
“Ulol ka. Magpapa impress ka pa ha. Minsan mo na ngang sinabi na nakakatakot kalabanin ang mga taga AOS” sabay batok ni Toby kay Rani
“lahat ng tao may iba ibang pananaw” si kuya Enrick “ako, matagal ko nang sinasabi sa inyo na hindi lahat ng AOS students masama” sabi nya kina Toby
“Well, we’re not asking for your appreciation though, we love and we are proud being AOSian” sabay subo ng ice cream nya si Charm
“Eh bakit kayo lumipat sa Tdemy?” tanong ni Toby na nakatingin sa akin.. ako ba tinatanong neto? Malamang hindi, eh hindi naman yan kumakausap sa akin “Kita nyo na, ngayong sya ang tinatanong hindi sumasagot pero kanina ngang tinatanong ni Rani si Wang, sya yung sumasagot. Napapaghalataan tsk”
“Ha?? Ako ba tinatanong mo?” Narinig ko namang tumawa silang lahat maliban sakin at kay Toby. “Malay ko naman noh? Eh hindi mo naman ako kinakausap diba?”
“ewan ko sayo” inirapan ko nga pero sinagot ko pa rin yung tanong nya.
“punishment ang pagpalipat sakin. Nasubra yung kabaitan ko kasi”
“Wahahahaaha ikaw? Mabait? Hahahaha” tawa naman nya. Leche hindi nakakaintindi ng sarcasm Toby?
“hahahaha tapos nasali ka rin?” tanong naman ni Reign kay Cleo
Madilim na ng magpagpasyahan naming umuwi. Nagpasundo si Charm kaya sumabay nalang din kaming tatlo, magka village rin naman kami habang ang mga lalake ay may sariling sasakyan…
Kampante naman akong gabihin umuwi dahil late uuwi sina papa ngayon. Hindi ako mapapagalitan at subukan lang magsumbong ng mga katulong sa bahay dahil… alam na, di sila makaka ligtas sakin.
BINABASA MO ANG
She was Cool
Teen FictionA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...