Hindi na natin maibabalik ang mga nangyari na diba? Kung ano man ang nangyayari o buhay natin ngayon ay bunga lahat ng ating desisyon. Kagaya ko dahil pinili kong ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga ugok sa kanto nuong nakaraang linggo, malas ko nalang dahil hindi ako pinaniwalaan ng sarili kong pamilya. Big deal sakin yun dahil lahat ng future ko nawala. Naiinis ako kasi napaparusahan ako kahit na wala naman akong ginawang masama. At isa pa yung nangyari nakaraang sabado, kung pwede ko lang sana ibalik ang oras edi sana ibinalik ko na ang panahon sa mga oras na yun.
“bakit walang tao?” tanong ko pagpasok namin ng classroom
“malamang naman tsong no, eh break time na tayo pumunta dito” sagot naman ni Cleo
Monday na ngayon at tinatamaad akong pumasok dito kanina kaya naisipan kong mag cutting, sinama si Cleo. Boring naman kung ako lang.
“ibang klase ka rin kasi eh. Isipin mo naman, unang araw natin dito sa Tdemy tapos ditch classes agad. how nice”
Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi nya at naupo sa bandang likuran ng classroom malapit sa window. Eh kung nasa AOS ba naman kami, edi nag prapractice kami ngayon. I wonder kung ano na nangyari kina Wang at Charm doon. Good thing, aircondition ang rooms dito.
Ilang minuto pa ang lumipas ng may nagsidatingang estudyante. Pagkakita naman nila samin, nagbulungan agad. psh
“Sino kayo?” mataray na sabi nung kakapasok lang na babae
“eh sino ka rin?” sagot ni Cleo sa kanya
“hindi ko kailangan sabihin ang pangalan ko sa inyo” sabi nya ng tinignan kami mula ulo hanggang paa. “Freak”
“What kind of people are you?” student1
“Jeans, shirt and a sneaker for a girl? taga bundok kayo te?” student2
What do I expect? Teen Academy ito kaya siguradong maraming brats, judgmental at ma pride. Hindi na ako magtataka kung makakakita ako ng daan daang ganyang klaseng tao dito sa loob.
“Yashi?” takang tanong ng isang lalake na kakaupo lang sa unahan namin. “Anong ginagawa mo dito? Don’t tell me--“
“Opo, sa kasamaang palad” di ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Nagtataka naman yan kung paano ako napadpad dito. Nga pala si Kuya Enrick yun, cousin ko. kuya ko sya kung tawagin dahil mas matanda sya sakin, magalang akong bata ano ka ba.
“Paano? Kalahating taon na ah, nag lipat bahay pa kayo? Astig nyo rin eh” natatawang sabi ni Kuya Enrick
“Paano may ginawang kalokohan” sagot ni Cleo sa kanya. Magkakilala din sila dahil parati si Cleo sa bahay at nagpupunta naman minsan si Kuya Enrick doon.
“kasama ka din naman. Pustahan, 100% sure ako” ano pa nga ba? Buddies kami eh, kaya malamang kasama sya. Pfft
Nung may dumating na guro, sinabi lang namin yung pangalan namin bilang pagpapakilala. Yun lang, pangalan lang, as if naman interesado silang malaman ang talambuhay namin ni Cleo.
Natapos ang umaga na wala akong ginawa kundi ang maupo lang at makinig. Nabobore ako, yung lesson naman nila dito eh napag-aralan na namin sa AOS.
“Tabiiii, dadaan ako. Bilis” dinig kong ma awtoridad na sabi nang isang lalake sa may pintuan.
“dude, what’s the rush?” takang tanong ni kuya Enrick. Kung hindi ako nagkakamali, katabi nya yun kanina sa upuan at naipakilala nya na rin. Tatlo silang lahat, yung isa ay si Rani, yung isa pa ay si Reign kaya lang hindi ko nakita ang mukha dahil naka takip.
Pag labas nila eh lumabas na rin kami ni Cleo para kumain ng lunch. Pagdating namin ng school canteen, wala na halos vacant table at mahaba ang pila sa bilihan.
BINABASA MO ANG
She was Cool
Teen FictionA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...