I smiled at them. Lumabas naman na ako ng room, pababa ng building. Everyone is staring at me. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan saang sulok ng campus na ako dumadaan. Gusto kong mapag-isa, gusto ko pumunta sa lugar na walang tao pero lahat yata ng pinupuntahan ko may estudyante… Tila nawawala ako sa mga titig ila, sa mga sinasabi neto at ng utak ko. Gulong gulo, hindi na ako makapag-isip nang maayos. Hinanap ko ang way pabalik, uuwi ako, sa pader ako dadaan pero sobrang gulo ng isip ko kaya di ko na alam ang pabalik. Hindi ko pa din naman kabisado ang school dahil sa laki neto.
Sa sobrang sama ng tingin ng mga tao sa akin, napatakbo ako papuntang likod ng building kung saan konti ang tao and I fell on the ground, my knees became weak. It feels like I’m melting just by their stares. I cover my face with my palm and cry.
Bakit ang mga tao mapanghusga at mapanglait? Hindi nila ako kilala kaya dapat hindi sila nag co-conclude agad. Hindi din dapat ako maapektohan dahil hindi totoo diba? Pero masakit pa rin pala. Feeling ko ang sama sama kong tao.
Naramdaman kong may humatak sa akin patayo at kinaladkad kung saan. Hindi ko Makita ang mukha dahil nasa dibdib nya ang mukha ko pero isang lalake… Hindi na ako pumalag baka si kuya lang to. Matagal din bago nya ako binitawan at nakita kong nasa….. nasa isang Garden kami? Teka garden ba to? Napapaligiran kasi ng bulaklak at maliliit na puno. Nasa loob ako ng net, na may nagliliparang paro-paro, meron ding munting bahay sa kabilang dulo at dadaan ka sa gitna ng fish pond papunta dun. ANG GANDA pero sandali nasaan na si kuya Enri---
“I-ikaw?”
“Why? Do you expect me to be someone else? tss” sungit. Di ko lang naman inakala na sya yun eh.. Lumakad sya papunta sa kubo at sumunod ako sa kanya. Nasa school pa naman daw kami ng tinanong ko sya. Pero bakit hindi ko alam na meron neto dito? Pagpasok namin namangha lalo ako sa ganda. Sa labas kasi parang gawa lang sa kahoy pero hindi pala at sobrang naka ayos ang lahat ng gamit. Maliit lang sya, kumpleto din: mayroong sofa, tv set, kitchen at may two doors akong nakita. Very refreshing. Mayroong maliit na balcony and from there may makikita kang batis. WOW paano nagkaroon neto dito?
“Pool lang yan. Artificial ang mga bato. False falls ang tawag namin jan” tila sagot ni Toby sa tanong ng utak ko habang tumitingin ako dun
“Bakit ka ba umiiyak dun?” Tanong pa nya sabay bigay ng tubig sakin “Don’t tell me ako na naman ang may kasalanan?” teka hindi ko yun naiisip ah… baka nga .
Naupo ako sa kabilang upuan, katapat nya “Siguro nga ikaw”
“tsk tsk sabi ko na eh, ako na naman ang pagbibintangan mo… Alam mo Yashi, may samaan tayo ng loob oo pero hindi naman tayo magka-away and believe me wala pa akong ginagawa sayo.” Samaan ng loob? Magka-away? Magka iba ba yun? Eh nung isang araw nga sabi nya magka-away kami ah. Labo neto. Mongoloid nga, walang duda.
“Talaga?”
BINABASA MO ANG
She was Cool
Genç KurguA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...