Yassara’s POV
“Napaaway ka naman? Ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipag basag ulo? Palagi nalang ito ang eksena na aabutan ko mula sa trabaho. Fighting is not your thing Yashi, you’re a girl for Pete sake”
Napapikit ako nang mariin sa sermon ni dad. Palagi nalang. Walang araw na hindi nagagalit sakin. Walang araw na hindi sisitahin sa ginagawa ko. Eh wala namang mali.
“Hindi nga kasi ako yung nauna. Pinagtanggol ko lang naman sarili ko eh ano bang masama dun?”
May mga ulol kasi sa kanto habang pauwi kanina at pinagtripan ako syempre hindi ako papayag na bastusin na lang. Ano sila siniswerte? Kahit na babae ako kayang kaya ko sila.
Kaya eto kami ngayon ng matandang ito, nagsasagutan na naman dahil sa pakikipag away ko.
“Fine, let say you’ve just defended yourself but Yashi this isn’t the first time. Stop fighting will you?” bulyaw ni papa sakin habang hinihilot ang sintido nya
“Your dad is right Yashi. Dapat kasi umiiwas ka nalang sa gulo anak” Andito kaming tatlo sa sala ng bahay, nadatnan ko silang hinihintay ako.
“Mom naman. ang bakla naman yang sinasabi nyo. Hindi ako duwag para takbuhan ang isang gulo” sagot ko. Aba hindi yun astig pag tumakbo ka nalang sa isang laban. Muntanga lang kung ganun
Nga pala ako si Yassara Shine Sanchez pero ang tawag nila sakin Yashi. Ang pangit ng pangalan ko, kasing pangit ng nagpangalan sakin. Ang kwento ni mama dati kaya daw ganyan para ang magiging initial ay YSS which is yung Y ay ginaya sa name ni mama na Yuri at S mula kay papa na Simon. Ganyan ata ang nagagawa ng pag-ibig, sobrang baduy. Meron akong kakambal na lalake, Yael Santino Sanchez wala sya dito sa pilipinas.
I’m 17 years old at graduating na ng high school. Mahilig ako makipag laban kaya ako napapagalitan, pero hindi naman ako palagi yung pasimuno ng gulo minsan napapasubo lang talaga. Buti nga marunong ako lumaban eh, kung hindi baka matagal na akong wala sa mundo na ito.
Nakahiga na ko ngayon sa kama ko, hindi na ako nag dinner dahil nawalan ako ng gana pati masakit yung tama ko sa ngalangala. Takteng mga tambay sa kanto na yun. Babalikan ko sila at isasama ko ang mga tropa ko.
9 pm na, hindi ako maka tulog kaya naman nag bihis ako ng damit saka lumabas ng bahay. Pero syempre hindi ako dumaan sa main gate dahil may guard doon kaya sa veranda ko ako dumaan. Sakto naman na may puno kaya hindi ako mahihirapan. Pagkalabas ko saktong dating ni Cleo dala ang big bike nya.
“Bilis mo naman. Kadadating ko lang eh.” naka ngisi nyang sabi sakin
Hindi ko nalang pinansin. Umangkas ako dun at dumiretso na kami ng bar para uminom.
“Kamusta naman ang mukha?” natatawang sabi ni Wang ng makalapit ako sa pwesto nila
“tss babalikan ko yung mga yun”
“hahaha napagalitan ka na naman noh?” si Charm naman yan.
“may binago ba?” saka ko ininom yung beer na inabot ni Cleo sakin
Sila yung mga kaibigan ko. Tatlo palang yan at marami pa akong katropa pero sila yung pinaka pinagkakatiwalaan ko.
Sabihin na nating sigang babae kami na lalake kung gumalaw.
“Oh my, oh my Yashi. We meet again love” -__-
Eto na naman sya.
“I miss you baby. Come to daddy” saka sya nag evil laugh. Akala mo naman bagay sa kanya psh
“Tigilan mo ako Ike” sabi ko
“titigilan lang kita kung sasama ka sakin. Alam mo namang head over hills ako sayo honey eh”
Yan si Ike. Ang bwisit na Ike. May gusto sakin pero hindi kami talo uy. Ang pangit pangit nya kaya.
“nasusuka ako sayo alam mo ba yun? manalamin ka muna bago ka magyaya sakin”
“Aba loko to ah. Kahit na may gusto ako sayo kayang kaya kitang saktan---“
Bago pa nya matapos ang sasabihin nya sinuntok ko na agad. Dami pang satsat.
“Sinabi kong tigilan mo ako!!”
Matapos kong masuntok si Ike, nag tagal pa kami ng ilang oras sa bar bago naisipang umuwi. Kagaya kanina ihahatid ako ni Cleo, magkalapit lang naman ang bahay namin. Pero bago kami maka alis ng bar may na receive si Cleo na message mula K na pinabasa nya sakin
-From Tito Simon-
Cleofe, sa main gate mo ibaba si Yashi pag umuwi kayo. Alam kong kasama mo sya.
“tss”
“Paano yan Yash?”
“Edi sa main gate. Nahuli na naman ako eh”
Gaya nga ng utos ni papa, sa main gate ako dumaan papasok sa bahay namin. Sigurado akong sermon na naman ito.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko sila na naka upo sa sofa at napa tingin sakin
“I can’t take it anymore Yashi. I’m so disappointed.” napapailing na sabi sakin ni Dad
“Saan ba kami ng kulang sayo Yashi? Simpleng bagay lang naman ang hinihiling namin ng papa mo mula sayo pero hindi mo magawa gawa” malungkot na dugtong ni mommy bago bumuntong hininga.
Ganun ko na ba sila naperwesyo? Ang akin lang naman, habang bata pa ako magsaya muna. Hindi din nila ako naiintindihan eh.
“Starting tomorrow you’re not allowed to go outside without my consent and you will be transferred to your kuya’s school”
“Pero paano yung football tournament na sinalihan ko sa academy? Saka hindi pwedeng hindi ako lalabas dahil ng pra-practice ako ng football!”
“No buts fella. Just do what I say. You’ll quit playing football then. That’s the consequence of your doing, if only you obey me this probably wouldn’t happened”
BINABASA MO ANG
She was Cool
Teen FictionA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...