“aaahh… sya pala yung babaeng kinikwento nyong nakita ni Toby ang panty nyang hello kitty?” mahinang sabi ni Rani pero sapat lang sa tenga ko para marinig
Napatigil kaming lahat at napa tingin kay Rani saka ko tinignan ng masama si Toby.
“Tarantado ka” sabi ko at susugurin na sana ng pigilan ako ni kuya Enrick
“Kasalanan ko bang nakita ko yun? Aksidente lang ang lahat. Tingin mo naman gusto ko rin yung nakita ko? tss” sabi ni Toby
“bakit hindi ko alam yun tsong? Hahahaha ang laswa isipin na ang isang sigang Yassara ay nasilipan wahahaha ang malupit hello kitty pa? hahahaha---“ singit naman ni Cleo
“SHUP UP” sabay na sigaw namin ni Toby
“Tumahimik ka kung ayaw mong mabugbog” sabi ko kay Cleo
“Hindi ko sya sinilipan pwede ba, sino naman ang may gustong silipin to?” saka nya ako tinignan mula ulo hanggang paa “sorry, wala akong maiisip kung sino”
“Hoy---“
“obvious naman na walang mag kaka-interes sayo eh. Tanggapin mo nalang” pagpuputol nya sa sasabihin ko
Dahil sa inis ko sa lalakeng yun ay di na kami sumabay kina kuya Enrick dahil na rin wala kaming tigil sa pagbabangayan. naglakad nalang pauwi ng bahay, medyo malapit lang naman. Nakakainis talaga ang lalake na yun, bakit pa nya kailangan ipagkwento?
“Bakit ngayon ka lang? 5p.m ang awasan mo diba? Anong oras na?”
Tinignan ko ang wrist watch ko saka sumagot ng 5:45 kaya masama akong tinignan ni papa.
“sinasagot ko lang naman ang tanong nyo ah? Kung ayaw nyo kasi ng sarkastikong sagot, wag nyo akong tanungin ng walang kwentang tanong”
Kinaumagahan by 7:36 nasa school na kami pareho ni Cleo. Oo, sabay kaming pumapasok.
“Miss Sanchez and Miss Medina, you are late. Now sit down and listen”
I suck at Physics kaya naman hindi ako nakikinig. Ano pang silbi nun kung hindi ko rin naman maintindihan, nagsasayang lang ako ng oras at pinapahirapan ang sarili ko.
Natapos ang dalawang subject ng hindi ako atentibo. Tinanong ako kanina pero wala akong naisagot dahil nga hindi ako nakikinig. Buti nalang hindi pa nila alam na kapatid ko si Yael kaya walang criticism.
“Where are they? Where are they? Omo. Where???” sigaw nung babae pagpasok ng classroom. Break time na kaya walang teacher
“Jam? What are you doing nuts?” inis na tanong ni Toby.
“Shut up. I’m not talking to--- Oh my... God” nanlalaking mata syang nakatingin sakin or should I say saamin ni Cleo dahil palipat lipat ang tingin nya saka naman tumakbo palabas ulit ng room. Problema nun?
“Oh God… Natakot sya sa trolls nating alaga hahaha” sabat nung isang babae
“see?” sabay smirked ni Toby sakin “alam mo na, yung sinasabi ko mula kahapon” and then he walks away.
Aaaarghhh…. Swear, ipapabugbug ko sya, isa nalang talaga. kainis
Pero hindi ko pa sya pwedeng patulan sa ngayon dahil sa pangako ko kay Yael.
Dahil inis na inis ako sa lalakeng mahangin na Toby na yun, naisipan kong lumabas ng campus at dahil sa hindi naman pwede dumaan sa gate, umakyat nalang kami ng pader and luckily merong ladder kaya mabilis lang kaming nakalabas ni Cleo.
Bumili ako ng isang paketeng yosi at sinindihan ito.
“Oo nga sabi eh…. Eh nakita ni Toby yung underwear ni Yashi last time na pumunta sya ng cebu, naekwento ko na yun ah…. Yep, inis nga sya dun…. Nadali mo Charm…. Hahaha naka---“
Natigil sa pagtelebabad si Cleo ng hablutin ko ang phone nya. Daldal din neto
“Ouch… awwww”
“Ano yun?” tanong ko
“Ang alin?”
Tss.. tumayo ako sa pagkaka-upo sa bench dito sa sari-sari store at naglakad pabalik sa pader na inakyatan namin at nakita ko yung babae kanina sa classroom at nakadapa sa lupa
“Anong ginagawa mo?”
“Ha? Ah eh… wa-wala naman hehehehe” sagot nya
“Bakit ka nandito sa labas?”
“ahm ano kasi ahm ano yung ano” huminga muna sya ng malalim bago ulit sumagot “si-sinundan ko kayo”
“Ha? Bakit? Ay teka ikaw yung nagsisigaw kanina sa classroom.” Cleo
“ah yeah. I’m Jamella” sabay tayo nya
“Pake ko?” pagsusungit ko sa kanya… Malamang, isa sya sa gumawa ng scene kanina kaya ako badtrip
“How rude tsong. Wag bitter…. I’m Cleo nga pala at sya naman si Yashi”
“Kilala ko kayo” naka ngiting sagot nya
BINABASA MO ANG
She was Cool
Genç KurguA girl from a school which people thinks a school for bullies, conceited and stupid. Sometimes rude, a very hot tempered but deep down in her heart she's longing for love. A girl who drinks, a girl who fights and guess what, it all makes her the coo...