Chapter 12

199 14 2
                                    


"Nalate ka ata pinaba-- ay bumili ka ng pagkain mo?" -Gian. Napatingin ako sa hawak ko tsaka lang ako nakabalik sa mundo nang kausapin ako ni Gian.

"A-ah p-pinadeliver nila Lily " I lied alangan naman sabihin kong bigay ni sir suspicious.

"So kamusta grade mo"

Natigilan ako, oo nga pala ano idadahilan kooo!

"Ah... Ano m-mababa raw need ko mag-improve"

"Okay ka lang namumula ka eh"

"Mainit lang siguro hahaha"

Inabutan ako ni Gian ng tissue.

"Thank you"

So ayun may 12 minutes pa bago ang next class kaya kumain nalang muna ako ayun lang diko alam anong uunahin kong kainin sa dalawa kaya binuksan ko pareho at binigyan si Gian nung binigay ni sir.

Hehe para naman kunwari galing talaga kina Lily sorry na sir.

Pumasok ako sa klase na busog na busog nakita ko naman nang nakaupo na si Lily sa upuan niya at ako ngayon buhat yung hindi ko naubos na binigay ni sir kasi inubos ko yung kay Gian nakakahiya naman kasi siya bumili.

"Wow beh yayamanin sin---"

"Shhh" napatingin ako kay Gian buti di niya narinig kasi busy nagsusulat.

"Bakit?"

"Basta"

"Huh? Adik ka ba"

"Basta magsulat ka nalang jan sayo na" abot ko nung pagkain ko. Tuwang tuwa naman ang loka.

Buti nalang dumating na si ma'am kaya sinimulan na niya ang discussion.

Habang nagdidiscuss si ma'am bigla nalang bumalik sa utak ko yung nangyari kanina.

Hindi ko napansin na napangiti na pala ako.

Hay sir why naman bigla ka nanghahalik.

"Z, hoy" I was snapped out nang siniko ako ni Lily. I looked at her.

"H-ha?" Nginuso niya si ma'am kaya ako naman agad na tumingin sa harap. She was looking at me both her arms are crossed. I bit my lip.

"Ms. Llaño, lumilipad ata utak mo ngayon i-share mo naman sa klase ang daydream mo iyan nalang pag-aralan natin"

"S-sorry po ma'am"

"I don't want your sorry, kanina pa ako dada ng dada dito tapos ikaw ngingiti ngiti lang? Nakakatuwa ba ang dinidiscuss ko?"

"Hindi po, sorry po"

"And stop laughing Ms. Hernandez" Lily zipped her mouth so I glared at her.

"Go out and stand outside the corridor"

"Pero ma—"

"Now!"

Like she said lumabas na ako at sumandal nalang sa pader.

"May regla ata ngayon" bulong ko sa sarili ko. Paano ang sungit kasi ngayon though may kasalanan din naman talaga ako.

Ugh si sir kasi kasalanan niya ito. Kahit ang boring ng klase ng matandang 'to nakakahiya pa rin mapalabas lalo diko kasama si Lily. Mas maganda sana kung may kasama ako.

My lavenderWhere stories live. Discover now