Chapter 13

133 11 0
                                    


Umuwi akong gulong gulo, ang daming pumapasok sa utak kong mga scenario or situations kapag nagyes ako kay sir.

Pero ang pinaka-main na problema dito ay yung pagiging instructor niya. Ayokong isuko ang pag-aaral ko at ayoko ring isuko ang pagiging instructor niya kahit sabihin na nating wala lang sa kanya yung pagtuturo niya.

On my part parang ang selfish ko kung itutuloy niya pagquit niya kasi ako yung magiging dahilan non. I don't want that.

Bumalik nanaman sa utak ko ang naging pag-uusap namin.

"S-sir, sorry pero hindi pwede"

"Just yes or no, do you want to?"

"Hindi p-po kasi p-pwede"

"Yes or no Zariah"

Gosh!

"Instructor po kita hindi pwede"

"I am willing to quit, besides this is just my time killer... This isn't my passion Zariah I can quit this"

"S-sir kahit ganon parang ang selfish ko naman kapag pinag-quit kita. Kahit sabihin na nating okay lang sayo, it's not fine for me. Ayokong nakakasagabal sa ibang tao, ayokong maging dahilan sa oras na pagsisihan mo ang desisyon mo."

"I won't regret it"

No.

"I'm s-sorry sir"

I stood up at dumiretso sa pinto.

"My answer is no sir babalik nalang po ako bukas para ituloy ang task ko"

Lumabas na ako sa office ni sir pagkalabas ko eh bigla nalang bumigat yung puso ko dahilan para mapasandal ako sa pader.

Hindi talaga pwede kahit bali baliktarin ko ang sitwasyon. Wala akong ibang maisip para pwede kaming magkarelationship and it's really not right ayokong maging bias siya sa room ayokong pag nalaman ng iba eh ibash kami pareho lalo na siya.

Ayokong masira ang buhay namin pareho sa pinagbabawal na relasyon.

Umuwi akong walang kagana gana, bakit ba naman kasi sa dinami rami ng tao sa instructor pa ako na-fall at bakit sa dinami rami ng taong mami-meet ko sa resort siya pa talaga.

Kinabukasan ganon pa rin ang peg ko, matamlay at walang tulog mukha na siguro akong zombie ngayon.

"Teh nakakatakot ka naman lapitan hindi ka naman siguro nangangagat" -Pau na sinalubong ako sa gate.

"Libre mo nga ako kape para di kita kagatin"

"Ang wild mo ah, halika na natatakam din ako ng milktea"

At hinila na nga po niya ako. Si Lily absent ngayon may inasikaso raw sa bangko paano nagka-anomaly credit card niya gulat daw siya nung natriple yung gastos niya kaya napagalitan ng parents niya.

"Marami ka bang ginawa at ganyan ka kapagod at puyat"

"Marami lang inisip"

"Like?"

"Like--- I don't know huhu wag mo na ipaalala"

"Feel ko lovelife ayoko ring malaman mabibitter lang ako"

"Kape lang katapat niyan"

"Milktea"

"Whatever"

Nilibre nga ako ng loka at tinake-out na namin iyon kasi malapit na oras ng klase namin.

Kinakabahan ako kasi biology subject ko tapos wala si Lily tapos mamayang break ko pa eh didiretso ako sa office ni sir.

Umupo ako sa upuan ko at tahimik na uminom ng malamig na kape. Gusto ko sana mainit kaso aalingasaw yung amoy niya sa classroom kaya iced ang kinuha ko.

My lavenderWhere stories live. Discover now