We are getting ready to leave nang bigla nagtext si Paula na hindi niya raw kayang buhatin si Lily malakas na raw ang tama tapos si Paula naman tipsy kaya nagdesisyon kami ni sir---uh na sunduin sila.Binalot ako ng puting kumot ni sir feel ko nga di nako makagalaw. Beh walang nangyari okay after ng kissing scene umahon na kami at ginamot paa niya. Itong kumot kinuha niya lang sa loob ng bungalow nila at pinahiram niya muna.
"Hindi ka nilalamig?"
"Paano ako lalamigin kung hot yung katabi ko"
Uminit nga ang pisngi ko at bigla nahiya.
MAY PADAHAN DAHAN KA PANG SINASABI ZARIAH! TAPOS IKAW DIN SUSUWAY SA SINABI MO. ANG EASY TO GET MO.
"Do you like me to call you Rye?"
"Wow parang ang ganda what does that mean?"
"Zar... Rye ... Yah"
"Oooh nice nice pwede hmm... Can I call you Von?"
Von is his third name yeah his full name is Von Ericson Nathan Amare pero di niya ginagamit yung Von.
"Where did you get my third name?" Mangha nitong sabi.
"I stalk, sir"
"Stalker"
"Talent ko iyon"
"I can sue you"
I glared at him.
"Just kidding, I hate my third name but... yeah you can call me that ang ganda pakinggan kapag ikaw nagbabanggit ng third name ko"
"Sus bola palitan ko nalang natoy"
"I'm good with Von please".
"HAHAHA alam mo yung meme 'Ako to si Natoy na mahal na mahal ka' " panggagaya ko sa actor na gumanap. Natawa naman si sir at tsaka ko lang narealize na ang bilis kong maging komportable sa kanya baka maturn off 'to.
"Hey, why are you suddenly quiet"
"Wala po"
"May po nanaman, did I do something wrong"
"Wala, uh nahiya lang ako nakikita mo yung makulit side ko baka maturn off ka"
"Huh hahaha how can I, It was so good and and fun at the same time getting to know you"
"Really?"
"Really and... Let's go bago sirain ng mga kaibigan mo ang bar"
"True"
He started the engine, agad naman kaming nakarating sa bar kasi medyo malapit lang naman.
Nang makarating kami nadatnan naming nakahiga sa gitna ng parking lot si Lily samantalang si Paula pilit hinihigit ang bagsak na kasama niya.
"Lily jusko ka broken ka ba, tayo ka jan!" Maarteng sigaw ni Paula.
"Twinkle twinkle little star..."
"She lost it" -Sir habang nagpipigil tumawa, inunahan niya pa akong pumunta sa gawi nila.
"Ahhh thank goodness nandito na kayo, I don't know what to do sa girlaloo na iyan nakaka-stress" pagtatantrums nito.
"... like a diamond in the starrr"
Jusko mali pa.
"Lily uwi na" tapik ko sakanya napatingin naman ito sa akin.
"Hi Z! Join me bilang tayo stars!" Sigaw niya sabay higit sa akin.
"Uuwi na tayo Lily nakakahiya kay Sir"
Bulong ko.
"Shir pogi? Ashan (asan*) shaaa~"