Hi Angels! Heto na ang update ko! Enjoy! Happy 28k readsss! 💞
-
RED BLYTHE AKIYAMA
Nakarinig ako ng sigawan na mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako makatulog simula pa kanina, kahit na sound proof ang kwarto ay hindi pa rin matatakasan ng ingay ang tenga ng isang dragon.
"Aaahhhhhh! Tama na!"
Napitlag ang tenga ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Napatayo ako sa kama— hindi! Boses iyon ni Thyrian!
Dali-dali kong binuksan ang pinto at tumakbo papunta sa lugar kung asan galing ang sigaw ni Thyrian, nanlamig ang aking balat sa nakita ko at sumibol ang pag-aalala at galit sa nakita kong ginawa nila kay Thyrian. Nakita kong nilalatigo ng isang lalaking kamukha ng thief si Thyrian at walang magawa si Thyrian kungdi ang sumigaw, maya-maya pa ay sinaksak ng isang babae ang likuran ni Thyrian, doon nagliyab ako sa galit at naghanda ng powerball sa kamay at sumugod sa thief.
"Thyrian! Fuck! No!!" sigaw ko at tinira ang powerball sa thief at sa kanyang kasama bago ko sinalo si Thyrian.
"I'm g-glad you came, R-Red," Thyrian said weakly at nawalan siya ng malay.
I gritted my teeth in anger as I held Thyrian, nag-ooverflow ang galit ko sa katawan at gusto kong pumatay ngayon, gustong-gusto kong pumatay ngayon, 'yung hindi na makilala ang katawan ng thief na 'to at ang kanyang kasama dahil sa ginawa nila kay Thyrian.
Narinig ko ang pagpalakpak ng thief habang nililinis niya ang kanyang damit na nadumihan n'ung lumipad siya sa salamin dahil sa fireball ko.
"Magaling! Dumating ang kabalyero ni Thyrian, magaling! Kayong dalawa ang magiging power source ko!" Tumawa ito nang parang hibang.
I glared at him pero humarap muna ako sa natutulog na mukha ni Thyrian, I kissed her forehead, "Doon ka muna sa lugar ng panaginip, Rian. 'Di ko hahayang makuha ka ng gagong 'to,"
After that I began to chant.
"World of euphoria, sleep and sweep,
Don't let your self weep,
I call upon the realm of sleep,
Erase the nightmares away and dream, Fire Ignition: Calling the fiery realm of Dreams!"
Pinalibutan ako ng red na may blue na apoy, isa sa mga magagawa ko sa pagiging alab ni ate ay kontrolin ang mundo ng panaginip at dalhin physically ang isang nilalang sa mundo ng panaginip o kahit na sa mundo ng bangungot.
Pinalibutan nito ang katawan ni Thyrian at nagliwanag ang katawan ni Thyrian at nawala ang esensya niya paunti-unti hanggang sa nawala si Thyrian sa physical na mundo at napunta sa mundo ng panaginip.
"I will get you after I beat the shit out of this shit, Rian. I will protect you, " usal ko sa kawalan at tumayo at nagsimulang bumalik ang galit ko at literal akong lumiliyab sa galit.
"I'll kill you!" Humarap ako sa thief at dinuro-duro siya, my fangs elongating at naramdaman ko na lumalabas ang dragon horn ko, tumalas din ang kuko ko.
"What a great amount of anger you've got there, knight in shinning armor," kantyaw ng thief at ngumisi, inihanda niya ang kanyang latigo at nagawa pang dilaan ang latigo na may dugo ni Thyrian.
Mas uminit ang dugo ko at sinugod siya with my fire-coated fists. Umaatras na ang katawan niya sa bawat suntok na pinakawalan ko sa kanya, mag-sisisi siyang sinaktan niya ang nilalang na importante sa fire king, makikita niya ang impyerno!
"Impressive!" sabi ng thief habang sinasalo niya ang bawat suntok ko, "But you forgot something," pagpapatuloy niya pa.
Kumunot ang noo ko habang sinusuntok ko siya, ano ang ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasyInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...
