Hello here I am Angels to deliver the update 😘💖 Thank you very much for all your supports. Mas nagaganahan akong mag update dahil sa inyo.
Ang pinakaabangang Part 2 ay narito na. Wag kayong madisappoint uh? 😆
THIS WILL BE A VERY LONG UPDATE KASI MEDYO NATAGALAN AKO SA UD KO. SO THIS IS MY COMPENSATION.
WORDS: 3,427
ENJOY! 😆💖
🔯🔯🔯
THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA
Ramdam ko ang kakaibang hapdi ng lamig habang nasa loob ako ng aking protective shell. Ang paghamog ng aking isipan at ang mga bagay na pilit pumapasok dito.
Mga pangyayari... Ang mga sakit na diranas ng lahat ng mga past royalties, ang kanilang hinanakit tila pinupunit ang aking laman at nanunuot ito hanggang sa aking mga buto. Ang kanilang galit na sumasaboy sa kanilang esensiya, ang mga pagsisisi at mga pag asa, tila lahat ay itinatapon sa akin.
Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa, gusto kong lumaban ngunit hindi ko man lang magalaw kahit ang mga daliri ko. Gusto kong umiyak ngunit wala ni isang patak ng luhang ulan ang gustong kumawala sa aking mga mata.
"Ang galit ang nagpapalakas ngunit ang sobrang galit ay nakakasira."
Isang boses ang dumagundong sa kanyang isipan. Unlike kanina ay hindi na malamig at malupit ang kanyang boses.
"Sa pag daan ng panahon, Nakakalimutan na nang inyong lahi ang totoong esensiya at totoong kahulugan ng aking kapangyarihan. Binalot niyo ang inyong sarili sa sobrang galit, you've let your overflowing anger ruin you at dahil diyan hinding hindi kayo lalakas. "
Pagpapatuloy nang boses, ngayon ko lamang napagtanto that this voice belongs to Glacier Seraphimy. Ramdam ko na tila bumabalik na ang aking boses.
"N-Ngunit hindi ba ang kapangyarihan mo ay ang cold fury?" tanong ko kahit na medyo hirap akong magsalita.
"Hindi ibig sabihin na Cold Fury ang aking kapangyarihan ay babalutan niyo na ang inyong sarili sa galit. Ayan ang problema sa inyo mapa lahi niyo o ang iba. Inaakala niyo ang galit ang magpapalabas sa inyong lakas ngunit lubha kayong nagkakamali sapagkat ang galit ang napakahina sa lahat. Naiintindihan mo ba Thyrian? Ano sa tingin mo ang mas nagpapalakas sayo bukod sa galit? Ang emosyon na yun ang ipairal mo at yun ang magiging cold fury sa tuwing lumalaban ka. Hindi mo maproprotektahan ang mga importante sa'yo pag galit ipairal mo at maaring ikasama mo iyon. "
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasyInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...
