Hi Angels! Eto na ang update, hopefully pag 'di ako masyadong busy, I will update frequently. Goal ko na matapos ang R.E.D this year. I hope so.
-
THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA
Nakatulala lang ako sa sulat at ang medyo nabubulok na peach na rosas na hawak ko. Hindi ako makaimik, pinagpapawisan ako. Sinubukan kong hanapin kanino galing iyon, sarado naman pati ang bintana. Saan nakapasok ang nagdala nito?
Siya ba ang thief?
Hindi ko na maramdaman ang antok ko at napalitan ito ng pangamba at takot para sa mga pangyayaring nakita ko sa panaginip ko.
Hindi iyon pwedeng mangyari! Walang masasaktan sa amin! Hindi pwedeng masaktan si Red! 'Di kami pwedeng matalo dahil lamang sa isang thief o kung sino man.
Kailangan na naming mahanap kung sino ang thief.
Inilapag ko ang bulok na peach na rosas at sulat sa kama ko at napag-isipang lumabas ng kwarto para magpahangin at makapag isip-isip na rin.
Madilim ang pasilyo, sensyales na nakatulog na ang lahat. Alas dose na pala ng gabi, 'yan ang sabi ng isang malaking antique na orasan na nakadikit sa dingding.
Tanging yabag ng mga paa ko lang ang naririnig ko. Hindi ko nga alam kung asan ako pupunta, siguro sa hardin na lang para magpahangin.
Malamig ang hangin, despite of my mastery in cold, I still shivered.
Nang papalapit na ako sa may bandang kusina ng mansyon ay nakarinig ako ng mga yabag at ingay-- may sumisigaw!
"Tama na! Tama na!"
'Yan ang narinig ko. Bigla akong naalerto. Andito ba ang thief? Tumakbo ako papunta sa pinangagalingan ng ingay at nakita ko ang isang naka hood na lalaki na nilalatigo ang isang babae na nakasuot ng damit pang yaya.
"Sino ka?! Itigil mo 'yan!" sigaw ko.
Humarap sa akin ang lalaki at itinigil ang ginagawa niya, 'di ko makita ang mukha niya pero alam kong nakangisi ito ngayon, pagkatapos bigla itong tumawa ng parang nahihibang na.
"What's so funny about? Ikaw ba ang thief?" sabi ko sa kaniya at inihanda ang fighting stance ko.
Mas lalong lumakas ang tawa nito at pumalakpak pa, "Always the heroine, eh?"
Kumunot ang noo ko, "Mukha kang baliw, dapat nasa mental facility ka kung tumatawa ka diyan na wala namang nakakatawa, " seryoso kong sabi sa kanya.
Tumigil ang tawa niya at tiningnan ako ng masama. Mahigpit niyang hinawakan ang latigong hinahawakan niya na maya-maya ay nagliwanag ng kulay lila.
Ano pa ba ang iisipin ko? Siya nga ang thief.
Mas mabuti na ako ang humarap sa kanya kaysa madamay sina Red at baka magkatotoo ang panaginip ko. Hindi maari 'yon!
Itinaas ko na ang aura ko para labanan siya. Maya-maya pa ay una niya akong sinugod.
Suntok-latigo-suntok
'Yan ang pattern ng pagsugod niya, ako naman ay umiilag sabay amba sa kanya ng suntok. Alam niyang dehado siya sa akin sa suntukan, ang lakas pa ng loob ng isang 'to.
Dinaloy ko ang aura ko papunta sa aking mga kamao, nagliwanag iyon ng kulay asul pagkatapos ay sabay na iniwasan ang latigo at suntok ng thief, and after that I punched his gut using my powered fist.
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasiaInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...