[10]. Recall

222 11 1
                                    

RED BLYTHE AKIYAMA

Napa-ubo ako at napasuka ng dugo sa lakas ng impact ng ginawang pagsuntok sa akin ng babae. Agad na lumapit sa akin si Shinri at tinulungan akong tumayo.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Nasaktan na si kuya sa ginawa mo! Ano bang kailangan mo, ate?" pasigaw na sabi ni Shinri at inilabas ang isang bolang gawa sa liwanag mula sa kamay niya.

Malamig lang kaming tiningnan ng babae at naglakad patungo sa amin. "Hanggang tinatakbuhan niyo kung sino kayo, sasaktan ko kayo," pagbabanta niya at tumakbo papunta sa amin at inambahan kami ng suntok at sipa.

Nagawa ko namang ilagin ang iilang suntok at sipa niya pero ang iba ay hindi ko na magawang maiwasan. Habang si Shinri ay walang kahirap-hirap na itinapon ng babae sa malayo.

Gusto ng sumuko ng tuhod ko at patuloy ang pagtulo ng dugo sa mga sugat ko na kagagawan ng babaeng ito. Binigyan ko na siya ng jacket, ito pa ang ibabayad niya sa akin!

"Ano bang ibig mong sabihin, ah?! Wala kaming tinatakbuhan! Ako si Red, isang tao! Isang taong gustong makalaya mula sa mapang-abusong ama! Ano pa ang gusto mong marinig?" pasigaw na sabi ko sa kaniya at napangiti ng mapait.

Bahagya naman siyang nagulat ngunit bumalik ang lamig sa kanyang mata at pinag-sisipa ako sa katawan. "There's so much more, Red. Tinatakbuhan mo lang, why don't you let your emotions run freely like you always did before? Don't tell me, you are a coward now," She looks disappointed at mas nilakasan ang sipa.

Napakagat labi ako sa sakit. Ano bang alam niya sa akin? Kung maka-asta siya kilalang kilala niya ako buong buhay ko.

"Did you become a weakling, Red?! Did you two become a weakling? I've endured three years and waited pero ito lang maabutan ko?"  frustration laced in her voice directly for me at kay Shinri na paika-ika na naglalakad patungo sa akin.

"Ano bang alam mo, hah?! I also endured many years in the hands of my father!" sigaw ko at sinubukang tumayo. "Wala akong pakialam kung babae ka, pero..." Tinutukan ko siya ng baril.

"Kung kailangan kitang saktan para tumigil ka na sa pagmumukha sa aking mahina ako, gagawin ko!" I screamed at kinasa ang baril.

Tumawa lang ang babae at madaling nasipa palayo ang baril mula sa kamay ko at matiim akong tiningnan sa mata, pagkakita ko ng malapitan sa mata niya ay nakita ko ang iisang emosyon na nakapaskil sa mata niya—desperation. But her eyes alone is familiar, somewhat familiar.

"Hindi babae ang pangalan ko, Red. It's Thyrian," mahinang sabi niya, her tone now gloomy and sad.

Her sounding so sad triggers many unexplainable feelings and familiarity in me at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. 

"Guess, I have no choice but to do this," she closed her eyes; sa paanan niya nakita ko ang kulay asul na baligtad na star.

Seconds later, kinulong ng isang ice shell si Shinri at may kung anong sinulid na lumalabas sa katawan ng babae na gawa sa yelo at tinali ako. I've tried to escape from the grasps of the thread pero wala na akong lakas.

The coldness painfully entered my body at nararamdaman kong patuloy na nanghihina ang katawan ko, kasabay ng panghihina ko ay ang pagbalik ng mga alaalang masakit na ayaw ko ng maalala pa. 

Limang taon pa lang ako noon. Imbes na patirahin ako sa isang kwarto ay pinatulog ako ni Dad sa stables ng mga kabayo, tanging dayami lang ang nagliligtas sa akin mula sa lamig.

Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon