Enjoy! Huehue.
Napagisipan kong mag update dahil malapit ng makumpleto ang characters,
Thyrian--> yan ang suot niya.
PAALALA: WAG NIYO NA PO ISIPIN YUNG PANAHON, YUNG YEAR. SINCE FICTIONAL YEAR PO ITO SA STORY KO WALA PO SYANG CONNECTION SA CURRENT YEAR LIKE SOME ANIMES PO TO SYA YUNG MAY SARILING YEAR AND ERAS.
(EDITED)
🔯🔯🔯
Year: 789
Roseville Valley, Town Square,
MORTAL REALM
THYRIAN
Sigawan ang naririnig ko; sigawan na may galit; sigawan na may pagkamuhi. Tama na! Ayaw ko na nito! Hindi ba pwedeng kahit isang saglit maging normal ang buhay ko? Sino ba talaga ako?!
Sana wala na lang akong marinig, sana wala na lang akong makita. Ano ba 'yung silbi ko sa mundong ito?
"Demonyo ka! 'Di ka nababagay dito! Puro kamalasan lang ang nangyayari kapag andito ka! " galit na wika ng mga kapitbahay ko habang hawak-hawak ang isang sulo na may apoy.
Simula noong pinanganak ako, salot na ang turing sa akin. Walang ibang salita ang iginawad nila sa akin kungdi iyon. Kahit ang nanay ko mismo, sinasaktan ako at naniniwalang salot ako.
'Di ko na alam ang aking gagawin habang papalapit sila sa'kin, 'di ko alam kung sino ako, saan ako nagmula o anong klaseng nilalang ako. Ang alam ko lang ang pangalan ko-Thyrian. 'Yun lang wala ng iba.
Walang nagmamahal sa akin. Halos pagtabuyan nila ako dahil daw sa akin. Nagka letche-letche ang buhay nila. Salot daw ako. Ni wala nga akong ginawang masama.
Naalala ko pa ang mga hapdi ng pananakit nila sa akin, pati ni ina at ang mga kaganapan kanina na kung 'di ako tumakas ay katapusan ko na.
Pilit kong pinipigilang humikbi habang nasa loob ako ng isang lumang aparador, nagtatago ako mula kina ina at ang kasama niyang si Henry. Rinig ko ang tunog ng hagupit ng latigo na alam kong nilalaro-laro ni ina at mamaya tatama sa katawan ko pag mahahanap nila ako.
Pinatay nila si Ate Lucianna at isusunod nila ako pag nahanap nila ako, kailangan kong makatakas dito.
"Mukhang alam ko na kung nasaan ang salot," siguradong-sigurado ang tono ng boses ni ina.
Hinigpitan ko ang hawak sa aking mga bibig upang hindi ako humikbi, ngunit naramdaman ko na lamang ang pagbukas ng aparador at ang paghila ng kung sino sa aking mga paa dahil sa pagkaladkad sa akin ay tumama ang ulo ko sa semento, ang pulang semento ay mas lalong pumula dahil sa pag-agos ng aking dugo.
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasíaInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...
