[26]. Chase

148 27 9
                                    

Another update for you angels! :* dahil 'di ako busy. Enjoy!
-

THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA

I clenched my fist at napakagat labi ako sa inis. Nakatakas ang thief! Pero bakit yata may alam siya sa mahika ng mga dragon kung mortal lang siya? Naguguluhan ako!

"Yuki, may impormasyon ka ba kung saan nakatira ang thief?" sabi ko kay Yuki.

Umiling-iling siya. "Unfortunately, Athene, wala. Tuso ang thief, pero..." bakas sa kaniyang mukha na may gusto pa siyang sabihin. 

Gulong gulo ko naman siyang tiningnan. "Pero ano, Yuki?" tanong ko.

"Pwede ba? Pag may sasabihin kayo, 'wag nang thrilling? At hanggang kailan tayo tatayo dito? Please ang bigat, " reklamo ni Ryoku at napanguso,  mukha ngang hirap na hirap siyang kargahin si Red.

Akala ko ba mapasensya ang isang 'to. May limitasyon din pala ang lahat at tama din naman siya mabigat si Red, mukhang payat lang pero mabigat.

"Pwede ba din?! Ano bang problema niyo? Ang lakas talagang manira ng seryosong usapan ang grupong ito!" sabat ni Yuki at napa cross arms.

"Manahimik na nga lang tayo at makinig kay Yuki, " sabat ni Shinri.

Seryoso ko ulit na tiningnan si Yuki, "So, ano nga yung sinasabi mo? Ano 'yung pero?" tanong kong muli.

Bumalik sa pagkakalmado ang mukha ni Yuki pero, blanko at 'di ko mabasa ang kaniyang mga mata.

"Hindi ako sigurado pero baka alam ko na kung saan nakatira ang thief. 'Di ako sigurado pero mukhang siya ang nakilala ko noong bata pa lang ang edad ko sa mundong ito, " pagpapaliwanag niya pa na nagpalaki ng mga mata namin.

"A-Ano? Kilala mo siya, Yuki? Diba wala ka ring naalala?" tanong ko sa kanya pero umiling siya.

"Dahil sa kanya bumalik ang alaala ko. At alam ko mismo ang lugar kung saan ako napadpad at nakita niya, hindi lang ang dragon chant na korezaz ang alam niya, pati na rin ang chant ng mystica na siyang naging dahilan kung bakit bumalik ang alaala ko, " sabi niya at muli 'di kami makapaniwala sa narinig.

"Pero diba mortal siya? Paanong alam niya?" tanong ni Shinri at iyon din mismo ang gusto kong tanungin.

"Ang dragon chant ng korezaz at mystica ay dalawang uri ng malakas na dragon chant, maaring ikamatay ito ng normal na nilalang, lalo na ng isang mortal," sabat ni Ryoku na seryosong nakatingin sa amin.

"P'wera kung hindi talaga mortal ang nilalang na 'yun o hawak niya ang Aeghariuz. " pagpapatuloy ni Ryoku.

"A-Ang Aeghariuz?! Ang sinaunang makapangyarihang spell book ng mga dragon? Pero paano napunta sa kamay ng nilalang na 'yan kung pati ito ay nasira na noong digmaan? Imposible ang lahat ng ito!"

Kitang-kita ko paano nasunog ang librong iyon mula sa silid aklatan ko, ang pamilya Tomoyama ang angkan na kinabibilangan ko ay ang may ari ng librong iyon galing pa sa aming ninuno na walang iba kungdi ang mismong tanyag na emperador at kasalukuyang ice dragon gem—si Glacier Seraphimy.

Kung totoo ngang napasakamay ito ng iba ay kasalanan ko dahil hindi ko ito nakuha noong una pa lang.

"Dahil hindi naman talaga mortal ang nakasalubong niyo kanina at may posibilidad na hawak din niya ang libro," rinig kong wika ng boses ni Red.

Napatingin ako sa kaniya, gising na pala siya, nakatayo na siya sa tabi nina Ryoku. Pero kaamoy niya ang isang mortal! Papaanong?

"Gising ka na pala, Red. Papaanong nasabi mo ang mga ito?" Inunahan ako ni Yuki na magtanong.

Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon