RED BLYTHE AKIYAMA
Hindi ko maramdaman ang presensya ng kahit ni isang buhay sa loob ng gubat, kahit tanghali pa lang, madilim na rito at kokonti lang ang liwanag na pinapayagang pumasok ng mga malalaking dahon ng puno, puno ng puno ang gubat, pero kahit buhay ang mga ito ay mistulang patay na ang mga kaluluwa nito. Napakatahimik ng gubat, nakakabingi ang katahimikan at wala ni isang hayop kahit ahas o ipis man lang ang matatagpuan sa gubat pati ang nalalanghap na hangin ay mistulang galing sa hukay dahil nakakasulasok ang amoy ng nabubulok na laman at tuyong dugo.
Kanina pa tumatayo ang balahibo ko habang binabagtas ang gubat, pakiramdam ko ay susuko na ang mga binti ko dahil sa patuloy na panginginig nito. Sinong walang pusong nilalang ang gumawa nito? Bakit niya ito nagawa?
Pero hindi muna ito ang dapat kong isipin kung'di ang damo na pinapahanap ng matandang hukluban, hindi ko alam anong itsura nito o saan parte sa gubat na ito matatagpuan iyon. Sinadya talaga ng ulol na iyon na ganituhin ako.
"Hey, is there anyone here?" pagbabaka-sakali kong tawag baka may isang tao pang nangahas din na pumunta rito.
Pero wala akong natanggap na sagot kung'di ang pag-echo ng boses ko sa kadiliman. Mahigit isang oras na ata akong naglalakad sa gubat na ito at mukhang feeling ko ay wala ng patutunguhan ang ginagawa ko at kanina pa rin na parang pabalik-balik lang ako sa isang lugar at hindi na ako umuusad at alam kong nawawala na ako.
Kanina ko pa rin nakikita ang mga weird na ukit sa lupa na mistulang baligtad na star at ang nakakapagtaka ay doon lamang sa lugar na 'yon maraming naka-pile na buto.
I sighed as I let my curiosity won over me at napa-upo sa lupa kahit hindi kanais-nais ang amoy at pinagmasdan ang ukit. "Totoo nga ba talagang totoo ang mahika sa lugar na 'to?" sabi ko sa sarili ko at hinaplos ang pattern ng ukit.
Siguro kung maiintindihan ko ang ibig sabihin nito ay dadalhin ako sa hinahanap kong damo? Maari kayang ang damo ay ang treasure sa lugar na 'to at kaya namatay ang mga tao ay dahil hinahangad nila 'to?
"Ang talino mo talaga, Red," puri ko sa sarili ko at sinimulang tingnan ang mga foreign letters na nasa gilid ng baligtad na star.
Nag-aral ako ng konting Greek, Norse at Japanese online, mostly kasi nag-aral ako online lang dahil kinakahiya akong palabasin ng tatay ko at baka makita daw ako ng maraming tao sa eskwelahan at mapahiya siya.
Mabuti na lang at ang mga letra na naka-ukit sa baligtad na star ay pasok sa natutunan ko. "The birth of victory and power comes after one's death," pagbabasa ko sa mga letra na mula sa norse runic alphabet na nagpataas sa balahibo ko.
Kasabay n'on ang pag-ihip ng malakas na hangin na nagpaingay sa paligid. Pero kung gusto kong makuha ang damo ay kailangan kong tumuloy, pinagpatuloy ko ang pag-babasa sa mga letra.
"The creature which blood heals and the gems of power that unite them all...calls for them as the sun takes its fall and darkness reigns and death whispers in every living ear," I read it aloud ang gulped, pagkatapos kong bitiwan ang huling letra, bumukas ang lupa at nilamon ako.
Binuksan ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na buhay pa at kumpleto pa ang katawan ko, nakita ko ang paligid na parang 'yun pa rin pero ramdam ko na ang sign ng buhay na kanina ay wala akong naramdaman.
Akala ko mamatay na ako, pero 'yung binasa ko kanina ay parang password para makapasok ako rito, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko na nadumihan sa paglamon sa akin ng lupa at nagsimulang maglakad ulit, mamaya ko na proproblemahin kung paano ako makakalabas dito.
Kailangan kong mahanap ang hinayupak na damo.
Habang naglalakad ako, sa may puno ng narra, nakita ko ang isang babaeng tumatayo sa tabi nito at ang nakadaop niyang palad na may kumikislap na liwanag na mula rito.
May magandang babae sa gubat na maaring tumulong sa'yo...
Naalala ko ang sabi ni manang kanina, posible bang siya iyon? At ang babaeng ito rin ba ang dahilan at may kagagawan kaya siya nilamon ng lupa kanina?
"Babaeng may mahika, posibleng siya iyon," sabi ko sa sarili ko at mahinang lumapit sa kinaroroonan niya.
Kinuha ko ang baril na binigay ni manang na nasa bulsa ko para ma-protektahan ko ang sarili ko kung sakaling saktan ako ng babaeng ito.
"May tao ba rito?" tanong ng babae at napalinga-linga pa sa paligid.
Posible kayang alam niya na nandito ako? Pwes kung alam na niya ay hindi niya ako mahahanap.
Nang makalapit pumwesto ako sa likuran niya, at mukha namang hindi niya ako napansin dahil sa dilim ng gubat at tinutok ko ang baril sa kaniyang ulo.
"Who are you and why are you here?" seryoso at malamig kong wika sa kaniya na dahilan ng pagkagulat niya.
Hindi ako dapat matakot sa babaeng may mahika, dahil mas nakakatakot ang mga taong wala nito tulad ng aking ama dahil marami silang nasisirang buhay kahit wala silang mahika.
At handa akong kalabanin ang kahit sino kahit ang may mahika makuha lang ang damo at ang kalayaan ko mula sa ama ko.
-
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasiInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...
