[33]. Flames of Healing

156 9 0
                                        

Last chapter. See you sa epilogue.

-

RED BLYTHE AKIYAMA

Nagising ako dahil sa mga sigawan at sa malakas na amoy ng dugo na pumapasok sa aking ilong. Mula sa aking shell ay nakita ko ang sira-sirang paligid. Kalat ang mga apoy na dala ng palitan ng mga power spells ng mga kasama ko.  Nakita ko sina Shinri na hingal na hingal, puno ng sugat at tumutulo ang dugo mula rito. Pilit pa rin silang lumalaban para talunin ang blood spider kahit konti na lang ay bibigay na ang katawan nila. Sa likod nila ay ang walang malay na katawan ni Zhane at ni Thyrian.

Damn.

Mabilis kong sinuntok ang shell ko upang makalabas ako rito. Itinaas ko ang init sa katawan ko hanggang sa tuluyang nasunog ang shell at naging abo. Tiningnan ko ang mga kamay ko at nakitang mula sa kamay hanggang sa braso ay gawa sa kaliskis ng dragon na may mahahabang kuko.

Gulat at puno nang pag-asa akong tiningnan ng mga kasama ko at hinayaan na ni Shinri na bumigay ang katawan niya at tuluyang nawalan ng malay na agad sinalo ni Ryoku.

Nginitian ko sila at masama kong tiningnan ang pangit na halimaw. "I'm back, you can now rest guys. Ako na bahala rito," puno ng determinasyon kong sabi.

Hanggang sa malakas ang emosyon ko sa puso ay hinding-hindi ako matatalo.

Ako na ang bahala dito...Thyrian.

Umungol ang halimaw at agad akong sinugod. Matalim kong tiningnan ang halimaw at itinaas ang aking kaliwang kamay. Bumuo dito ang isang malaking fire ball na pulang-pula at may nagsasayawan na asul na mga apoy.

"You've already make hell in this world, Tama na! Ikaw nanaman ang kailangang pumunta sa impyerno!" hiyaw ko at itinapon ang fire ball sa halimaw.

Bago pa man niya magawang masalo iyon ay mabilis pa sa kidlat na tumalon ako at mula sa isa kong kamay ay lumabas ang isang baril na gawa sa bato na galing sa bulkan at walang pakundangan ko itong tinira sa fire ball at sumabog ang dalawang pinagsamang kapangyarihan sa blood spider.

Yumanig ang buong lugar na nangamoy ang paligid. Amoy dugo at amoy naagnas na laman. Nagkalat rin ang usok sa paligid ngunit natuto na ako hindi dapat ako magtiwala na patay na ang blood spider. Dapat hindi ko sila maliitin dahil ikakapahamak ko iyon. 

Maya-maya pa hindi ako nagkamali at buhay pa nga talaga ang blood spider. Mula sa usok lumabas ang mga kamay niya at pilit akong inaatake. Agad naman akong umiwas habang patuloy na pinagbabaril ang halimaw.

Nang mawala na ang usok. Nakita kong ngumingisi ang blood spider sa akin. "Pasensiya ka na, hijo. Kailangan kitang patayin," nagbago ang boses nito, isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

Ngunit itinanggal ko iyon sa aking isip at itinaas ang aking aura. "Kilala mo man ako, o kilala kita. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa mga kaibigan ko!" sigaw ko at muling nagbago ang maliit na baril na hawak ko unti-unti itong naging isang mahabang pistola.

Ngumisi ulit ang halimaw at lumabas ang mga sapot sa kaniyang bibig. Naging mga maliit na halimaw ito at sinugod hindi lamang ako kung'di pati ang mga kasama ko.

Napamura ako habang pinagbabaril ko ang mga halimaw dahil sa kalagayan nila Shinri. Ni hindi na nila kayang lumaban. Mahina na sila.

"Kaya pa namin! 'Wag mo kaming isipin!" sigaw ni Ryoku habang pilit na inilalabas ang bola ng kapangyarihan sa kaniyang kamay kahit na alam niyang mahina na ito.

Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon