[25]. Hiwaga

154 30 8
                                        

Sorry for the late UD. Busy tambak ako. Huhuhuhu. Enjoy angels :*

POV NI YUKI NA GUYS!!!
-

YUKI DELA VEGA

Dinala ko sila sa Queza hindi lang dahil for hiding purposes pati na rin sa kadahilanang may kakaibang mahika na andito sa city na ito. Hindi ko ito maipaliwanag. Sa lahat ng lugar na naririto sa Human Realm ay ang Queza lamang ang may 60% na magical particles na 30% na lang ay kapantay na ng Dragon Realm.

Dati pa lamang, unlike kina Thyrian ay naalala ko na kung sino ako dahil na nga sa 'di maipaliwanag na kapangyarihan sa lungsod na 'to at hindi maganda ang naging karanasan ko nung una kong naalala na hindi ako si Prinz Keythone na kilala ng mga magulang ko at ng mga taga rito. Kundi, ako si Yuki Dela Vega ang time and electric dragon hybrid ang dimension dragon, tagapagpayo at heneral ng mga heneral, kaibigan ng mga royalties at fiancé ng sadistang ice royalty na si Thyrian.

Pitong taong gulang ako noon bilang si Prinz, naglalaro ako ng mag-isa sa malaking hardin namin. Hindi totoong kapag mayaman ka ay masaya na ang buhay mo. I'm being isolated in this big mansion minsan pinapangarap kong maging tulad na lamang ng mga normal na bata. Mahal na mahal man ako ng mga magulang ko ay gusto ko pa rin maranasan na maglaro sa labas at maramdaman ang isang masayang childhood.

Isang araw sa kagustuhan kong maranasan ang pakiramdam sa labas ng aming mansyon ay tumakas ako mula sa isang maliit na siwang alas dos ng hapon iyon nung akala ng mga nagbabantay sa akin ay natulog na ako ng aking siesta.

Nung nakalabas na ako ay manghang mangha ako sa aking nakita, 'di ko inakalang napaka ganda at masaya sa labas ng aming mansyon.

Tumakbo ako ng tumakbo na para bang sabik na sabik ako, ilang beses akong nadapa at nagkasugat ay wala akong pakialam dahil sa saya na ang aking naramdaman.

Aliw na aliw ako na hindi ko namalayan na napuntahan ko ang isang weirdong lugar kung saan may mga color green na parang alitaptap at isang boses na parang nagdarasal.

Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon