EDITED
🔯🔯🔯
"Dark Royalty! Dark Royalty! Tulungan niyo po kami. Naapektuhan po ng masamang miasma ang anak ko," mangiyak-ngiyak na sambit ng isang taga-earth kingdom habang kalong- kalong ang kaniyang nanghihinang anak.
Lumabas sa kaniyang silid ang dark royalty at dali-daling lumapit sa kaawa-awang ina. Nakalugay ang kaniyang itim na buhok na abot hanggang tuhod na bumabagay sa suot niyang lilang bestida.
Inalok niyang pumasok sa kaniyang silid ang ina at ang anak.
"Umupo muna kayo riyan sa sofa, ako na ang bahala sa inyong anak," nakangiting alok ng dark royalty.
Umupo naman ang ginang sa sofa na kulay lila. Sinimulang tingnan ng dark royalty ang bata. Seryoso na ang kaniyang mukha at inilabas ang kaniyang aura.
"Mal ispiritos begone!" chant niya habang parang may sinulid na itim ang pumasok sa katawan ng bata sa isang iglap may dinukot itong kung ano mang itim na bagay at sinunog ito ng itim na apoy.
"Okay na po siya ginang. Pahingahin niyo lang po siya," nakangiting. saad ng dark royalty nang humarap siya sa ginang.
"Maraming salamat po ng marami! Utang ko po ang buhay ng aking anak sa inyo!" maluha- luhang saad ng ginang.
Sinuklian lamang ng matamis na ngiti ng dark royalty ang ginang. Tinawag niya ang isang kawal at ipinahatid sa kanilang tahanan ang ginang at kaniyang anak.
Pagkaraan nang ilang minuto nagsalamin ang dark royalty at kung anong pampaganda ang inilagay niya sa kaniyang mukha. Pakanta-kanta pa siya habang ginagawa ito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasíaInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...
