Roseville Valley,
MORTAL REALM
Hingal na hingal na napabangon ang isang labing-limang taong gulang na babae; Nanaginip siya ng mga weirdong bagay at naramdaman niya ang sakit na naranasan ng isa sa mga tauhan na nasa panaginip niya.
Pero siguro, mas pipiliin niyang doon na lamang sa mundo ng kaniyang pantasya na manirahan kaysa na manatili siya rito at masaktan, sakit na mas malalala kahit pa sa pisikal na sakit.
Napaupo siya sa kaniyang maliit at lumang kama. Binuksan niya ang maliit na gasera at dahil dito, binunyag ng maliit na liwanag ang mga tuyong dugo at preskong sugat sa kaniyang mga binti at braso.
"Sana totoo na lang ang panaginip ko, gusto ko ng makaalis dito," mahinang wika ng dilag at biglang tumulo ang kaniyang mga luha.
Simula noong pinanganak siya ay doon nagsimula ang kalbaryo ng kaniyang buhay. Iba ang kaniyang itsura kaysa sa kanyang ina. Ang pagkakaalam niya ay ginahasa ang kaniyang ina kaya nabuntis at siya ang naging bunga. Bukod sa likas na galit sa kanya ang kaniyang ina dahil siya raw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nito ay sinasabihan siyang anak ng enkanto ng mga matatanda sa bayan nila. Puti ang kaniyang malalagong buhok, puti at porselana ang balat at asul na mga mata.
Hindi niya alam kung bakit siya ganito, kung bakit ganito ang itsura niya na ito ang dahilan kung bakit siya sinasaktan at sinasabihang salot ng mga tao. Hindi naman niya nagustuhan na maging ganito eh, wala naman siyang ginawang masama.
"Tumahimik kang bata ka! Ang ingay mo! Putangina!" narinig niyang sabi ng kanyang ina na alam niyang kakarating lang nito galing mahjong at inuman.
Nakaramdam siya ng takot at nanginig ang kaniyang balat. Mabilis niyang itinigil ang kaniyang hikbi at niyakap ang kanyang mga binti ng marinig niya ang mga mabibigat na yabag na mula sa kaniyang ina.
Palakas nang palakas ang mga yabag, papunta ito sa kaniya, mas lalo siyang nanginig sa takot. Kasi baka pag-pasok nito sa kwarto niya ay sasaktan nanaman siya ng kaniyang ina.
Bumukas ng malakas ang pinto at lumuwa ang galit na mukha ng kaniyang ina at sa kanang kamay nito ang latigo na paboritong gamiting panakit sa kanya.
"M-Mama! Sorry po! Tatahimik na po!" mahinang pagmamakaawa niya at kulang na lang ay lumuhod sa harapan ng ina.
Malamig lang siyang tiningnan ng babae at wala man lang ni-awa ang nakarehistro sa mukha at mata nito.
"Dapat tumahimik ka na lang habangbuhay, salot ka!" sabi ng ina at sinimulang ihagupit ang latigo sa katawan ng dilag.
Nararamdaman niya ang hapdi ng balat na natatapyas na dahil sa latigo. "Aaaahhhh! Tama na po! Masakit, mama!" hikbi niya at tanging mga impit na sigaw na lamang niya ang kaniyang naririnig at nalalasahan na niya ang kanyang luha, pawis at ang dugo.
"Bakit kasi hindi ka pa namamatay?" wika ng ina at sinabunutan siya.
Halos mapunit na ang kaniyang anit sa ginawa ng ina. Puros sakit na lang ang kaniyang nararamdaman, kailan ba matitigil ang kaniyang pag-hihirap?
Pinagpatuloy ng kaniyang ina ang ginagawa sa kaniya hanggang sa kinain na siya ng kadiliman.
Naglalakad siya ng mag-isa sa bayan, apat na taong gulang pa lamang siya noon. Umalis ang kaniyang ina papuntang kabilang bayan, isang buwan pa ang ina niya sa bayan na 'yon at iniwan siyang mag-isa, ni walang pagkain o pera man lang ang iniwan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasiaInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...