[7]. Gossips

290 14 0
                                    

Pagkalipas ng tatlong taon
Year: 792
AKIYAMA MANSION,

RED BLYTHE AKIYAMA

"Pinaniniwalaang may halimaw sa bayan na iyon dahilan kung bakit namatay ang mga mga tao roon, tatlong taon na ang nakakalipas, ngunit pinaniniwalaan ding may kung anong mahika sa lugar na 'yon," pagbabasa ko sa diyaryo na binigay sa akin ng babalung kasama ko ngayon—specifically my dad.  I can't help but to feel ashamed sa itsura niya.

Nakaupo siya ngayon sa pulang lounge habang ako ay hindi niya pinaupo at sinabihang manatiling nakatayo, minamasahe niya ang baba niya na dapat hindi na niya lang ginawa baka masugatan pa siya sa talim nito.

Bored ko siyang tiningnan at inilapag ang diyaryo sa coffee table. "So, what's this all about?" tanong ko sabay turo sa diyaryo.

Kinuha niya ang tasa ng kape mula sa table at ininom ito. "I want you to go there and retrieve that famous and super rare medicinal plant called rose herbs na doon lang mahahanap sa lugar na 'yun and it costs a billion dollar if sold in the market!" excitement is evident in his voice at kulang na lang mag-bumbilya ang mata niya at sana sumabog.

"I'm not your worker, get it on your own." Napamulsa ako and clicked my tongue.

Kunot noo niya akong tiningnan at kulang na lang magmukha siyang kaldero na kumukulo. "Baka nakakalimutan mong may utang ka pa sa akin! I freed you to jail dahil sa karantaduhang ginawa mo sa business partner ko!" galit niyang wika at dinuro-duro pa ako.

I clenched my fists in anger and stopped myself from strangling him.  Sino ba namang hindi maiinis kung babastusin at mamaliitin ka? Isama mo na ang pag-papahiya sa'yo sa maraming tao. Palibhasa kasi alam ko namang sinisiraan ako ng matandang 'to sa mga kaibigan niya.

I looked at him coldly. "You only freed me not because you cared and treated me as your son but because you just wanted to save yourself from humiliation and use me like what you want me to do right now, correct?" bahagyang nagulat siya sa sinabi ko pero bumalik sa pagka-seryoso at ang kunot sa noo niya, tumayo siya sa kaniyang pagkaka-upo.

Akmang susuntukin niya ako pero agad kong hinawakan ang kamao niya nang mahigpit and I glared at him. "Don't even try, hindi ako mag-sisisi na paralisahin ka kahit na kapalit n'on ay makulong ako," I exerted force again and I see him flinched.  I smirked.

He looked at me venomously. "Sana nong nasa tiyan ka pa lang ng asawa ko, pinatay na kita. You don't deserve to live!"

I smiled at him bitterly. "But you didn't, now you must deal with me, but you know? Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito if you just loved me as your son and accepted me wholeheartedly and I'm sorry that I don't looked like you that's why iniisip mong nangaliwa si Mom, you know old man, it's just I fought your ugly gene and successfully, I didn't inherit your crescent beamed chin and moon cratered face," I said at tumalikod na sa kaniya, wala akong panahong tingnan ang umuusok niyang mukha.

"Kung wala ka nang ibang sasabihing pang-iinsulto at pagmumukha sa akin na hindi mo tanggap na anak mo ako, then aalis na ako, find another jackass to search for that damn herb. "

Narinig ko siyang tumawa mula sa likuran ko. "Sige tumangi ka but believe me, every individual who interacted and befriended you will suffer, some might even kiss a grave, I'll make sure of it."

Napatigil ako and bite my lips in rage. Simula noong bata pa ako, ginagawa niya talaga ang lahat ng bagay para maging miserable ang buhay ko. Handa siyang mandamay ng iba, masira lang ang kasiyahan at buhay ko.

Masama ko siyang tiningnan at napabuntong-hininga. Pinipigilan ko ang sarili ko na sakalin na lang ang matandang ito at patayin siya. "Fine but this will be the last," I defeatedly uttered and sighed. Kinuha ang jacket ko sa lounge at marahas ko itong sinuot at naglakad palayo.

Kinuha ko ang pulang motor ko na pinark ko sa malawak na hardin at sumakay, papunta sa lugar na sinasabi ng matandang damuho na naroon ang walang kwentang damo. Alam ko rin ang isa pa sa dahilan kung bakit gustong-gusto ng matandang 'yon na pumunta ako sa lugar na 'yun, gusto na niya akong mamatay dahil ayon sa sabi-sabi, ang pumatay sa mga tao sa lugar na 'yun ay isang masamang ispirito o halimaw, marami na raw ang nawala at hindi na nakabalik nung pumasok sila sa gubat sa probinsiyang iyon.

Naniniwala ako sa mahika at ispirito, dahil malapit ako sa mga iyon sa hindi ko malamang dahilan, puno ng mahika ang mundo, pakiramdam ko nga kokonti na lang ang normal na hindi napapansin ng kapwa ko tao.

Tatlong oras ang nakalipas at nakita ko ang sarili kong nasa gate ng probinsiya, luma na ang gate at sira-sira, i-pi-nark ko ang motot ko rito, pagkapasok ko pa lang ng gate ay may 'di kaaya-ayang amoy din ang naamoy ko para bang amoy kalawang. Sinalubongan ako ng isang matandang babae na nasa edad 50's pataas.

"Nako, hijo! Anong ginagawa mo rito! Gusto mo bang mapahamak?!" puno nang pagbabantang wika niya.

Umiling naman ako. "Eh ano rin ang ginawa niyo rito, manang. Kung bawal ang tao rito?"

Bahagyang napatawa si manang. "Ako ang caretaker ng lugar na ito, i-tsini-tsek ko lang ang kalagayan nito kada linggo, nakatira ako sa kabilang bayan. Dati akong nakatira sa lugar na ito pero...dahil sa nangyari limang taon na ang nakalilipas namatay ang pamilya ko at ako na lang ang nakaligtas," wika niya pa at lumungkot ang mukha niya.

"Totoo bang may halimaw sa lugar na 'to, manang?" tanong ko kay manang.

Tiningnan naman ako sa mata ni manang at tumango. "Nung nangyari ang mga pangyayari na pumatay sa mga nakararami, nakita ko ang mga nilalang na para bang mga buhay na bangkay at dalawang babae na naglalaban sa ere, pinaniniwalaang kagagawan ito ng pinaniniwalaan ng bayang ito na salot; Isang magandang dalaga pero hindi ako naniniwala na siya ang may kasalanan dahil siya ang nagligtas sa akin noong araw na 'yon," sabi niya at kinusot-kusot ang mata niya.

Nakaramdam naman ako ng pagtaas ng takot at lamig sa aking kalamnan. "Kaya mas mabuting umalis ka na lang rito, hijo," pagpapatuloy pa ni manang.

Kung p'wede lang pero pag umalis ako rito, maraming idadamay ang matandang hukluban na 'yun.

Umiling ako at ngumiti. "Pag hindi ko itutuloy 'to manang, maraming mamatay ng dahil sa akin. Mas mabuti pa manang ay mauna na kayo, salamat po."

Hindi ganito ang pakikitungo ko sa mga tao sa mansyon, pinipilit kong maging masama sa paningin nila upang hindi ako makitang mahina ng matandang hukluban pero masarap din pala sa pakiramdam na maging ikaw, 'yung walang disguise.

"Nako, hijo, sigurado ka ba?" sagot ni manang at tumango ako.

"Kung hindi na talaga kita mapipigilan, mag-ingat ka, kung makita mo ang magandang babae sa gubat. Alam kong matutulungan ka niya," pagpa-paalala niya at may kinuha sa loob ng bayong niya.

Lumaki naman ang mata ko ng makitang isa itong kalibre 45 na baril at mga magazine ng bala. "Ang baril na ito ay pag-mamay-ari ng kapatid ko, nagbakasali akong kunin ito kanina, pero ngayon, ibibigay ko ito sa'yo, hijo nang magamit mo upang maprotektahan ang sarili mo," Inabot niya sa akin ang baril.

Tinanggap ko naman ito at ngumiti. "Maraming salamat, manang."

"O siya, aalis na ako, mag-iingat ka, hijo," pagpapaalam ni manang at tumalikod na at umalis.

Mahigpit ko namang hinawakan ang baril at napatingin sa paligid; sirang mga kabahayan, amoy ng dugo at traces ng mga kalansay. Tiningnan ko ang gubat na malapit sa isang balon at napalunok.

"Kaya mo 'to, Red. Ito na lang, malaya ka na at wala ng mangyayari sa'yo," pagpapalakas ko ng aking loob at nagsimulang maglakad papunta sa gubat.

-

Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon