RED BLYTHE AKIYAMA
Nakita ko ang sarili ko kasama ang dragon gem ko sa isang lugar na puro bulkan at kadiliman. Bumubuga ang pulang likido mula sa bunganga ng mga bulkan at kitang-kita ko ang paglabas ng usok mula rito. Napaka-init ng paligid at kung normal na tao ang pumunta rito ay siguradong matutusta.
"Ano'ng nakikita mo?" seryosong sabi ni Fiara Ignitia sa tabi ko.
"Apoy. Bulkan. The usual stuffs na nakikita ko sa Fire Kingdom pero..." I paused at tiningnan uli ang lugar. "Wala akong maramdaman na isang buhay dito," pagpapatuloy ko.
Pinagpatuloy ko ang pagtingin ko sa lugar. Wala ni isang buhay, tanging sumasayaw na apoy at usok lang ang nakikita ko.
"Ano ang totoong simbolo ng apoy para sa'yo?" tanong ni Fiara at itinaas niya ang kamay niya. Maya-maya pa lumapit ang apoy sa amin at pinaikutan kami, nagform ng isang chain ang apoy at itinali ang kamay at paa ko.
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" sigaw ko ng unti-unting humigpit ang pagkatali ng kadena sa akin. Pagkatapos ay bigla akong nakaramdam ng hapdi na hindi ko dapat maramdaman dahil hindi dapat ako masusunog sa apoy.
"Sagutin mo ang tanong ko," sabi ni Fiara at humarap sa akin, lumapit sa akin ang mga apoy na nakapalibot kanina at unti-unti akong sinusunog.
Habang sumisigaw ako sa sakit pumasok sa isip ko ang lahat ng kamatayan at paghihirap ng lahat ng nakilala ko. 'Yung mga taong nadamay dahil sa tao kong naging ama,ang mga mamayan ng dragon realm, ang mga dating royalty, si mama, si Shinri, Si Ryoku, si Yuki, si Aphrodite, si ate at si Thyrian.
Tinupok sila nang mga taong nagpahirap sa kanila. Tinupok sila tulad nang pagtupok ng apoy sa mga lumalapit dito.
"P-Paghihirap," anas ko habang napapangiwi sa sakit na dulot ng apoy sa katawan ko.
Ganito pala kasakit ang apoy?
Nginisian ako ni Fiara. "Ano pa?" sabi niya at mas lalong lumapit ang mga apoy sa akin at mas lalong uminit.
"Kamatayan."
"Kapusukan."
"Kasamaan."
Ramdam na ramdam ko ang pagsunog ng apoy sa aking balat. Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito na ata ang pakiramdam ng nasa impyerno.
Lumalabo na ang paningin ko, nakita ko ang imahe ni Thyrian habang patuloy na lumalabo ang paningin ko. Nakatayo siya sa gitna ng apoy at hindi ko makita ang mukha niya.
Nakita kong napatingin ang imahe sa akin kahit na hindi ko masyadong maaninag ang mukha at nakaramdam ako na para bang hinihigop ako pero pakiramdam ko apoy ang may gawa nito.
Katapusan ko na ata.
Kasalukuyan akong umaakyat ng gate papunta sa ice kingdom. Hindi ako pinayagan ni ama na pumunta rito dahil may ginawa akong kasalanan. Kinuntyaba pa niya ang ama ni Thyrian na pagsarhan ako ng gate. Tumakas lang ako dahil nangako akong makikipaglaro kay Thyrian.
Sa bawat pagtama ng yelo sa katawan ko, nararamdaman kong lumalambot ang tuhod ko at ang pagwala ng lakas ko sa katawan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated: Elemental Dragons (Vol 1 & 2)
FantasyInto the Dragons Realm Series #1 - WSA 2018 FANTASY GENRE CHAMPION WSA BEST COVER AWARDEE PEN AWARDS JANUARY WINNER AND SHORTLISTED EASTER AWARDS 2019 FANTASY CHAMPION Thanks @moonlxsswitch for the awesome cover - "Dragons wars will never cease with...