Chapter 01

3K 47 1
                                    

"COLEEN?" Umahon ako mula sa payapang dagat dahil sa pagtawag sa 'kin sa pangalan ko. Inabot ko ang tuwalya na nakapatong sa bato at pinatong ito sa balikat ko.

"Nandito ka lang pala, kung saan-saan kita hinanap sa loob ng bahay." Turan ni Manang Celia na may dala pang sandok at may suot na apron.

"Pasensiya na po kung inabala ko pa kayo, nawili lang po ako sa dagat kaya naisipan kong maligo. Bakit po? Dumating na po ba si Conrad?" Tanong ko habang nakasunod kay Manang Celia na pabalik na sa loob ng bahay.

"Wala pa ang asawa mo pero sigurado ako na pauwi na 'yon, hindi ka naman lumayo, ano?" Saglit na tumigil si Manang Celia para lingunin ako.

"Hindi naman po." Tipid kong sagot at isang pilit na ngiti ang ibinigay.

"Salamat naman kung ganu'n, ayaw ko lang na malagot kay Sir Conrad." Muling nagpatuloy sa paglalakad si Manang Celia hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. "Nakapagluto na ako ng hapunan niyo, ikaw na lang ang bahalang maghain nito mamaya pagdating ng asawa mo." Nilingon ko ang nakasabit na orasan dito sa kusina at pasado alas cuatro palang ng hapon.

"Aalis na po kayo?" Tanong ko kay Manang Celia na naghubad ng apron.

"Oo, dadaan pa kasi ako sa bayan para mamili ng panghanda sa birthday ng anak ko bukas. Nakapagpaalam naman na ako kay Sir Conrad kahapon," napatango na lang ako "S'ya pa'no? Una na ako huh."

"Ingat po kayo Manang," paalam ko at hindi na rin nagawang lumingon ni Manang Celia na tumango lang dahil sa nagmamadali ito at mukang naghahabol ng oras. Si Manang Celia ang nakakasama ko sa bahay sa umaga hanggang alas sais ng gabi, may mga pagkakataon naman na mag-isa lang ako kapag araw ng linggo dahil sa walang pasok si Manang Celia at kapag hindi rin umuuwi si Conrad.

Dinama ko ang pagbuhos ng malamig na tubig mula sa shower dito sa baba. Ngayon lang ulit ako nakaligo sa dagat at mabuti na lang ay may ginagawa si Manang Celia kanina kaya hindi ako nito napansin at napigilan sa paglabas ng bahay, hindi na rin ako nito napagsabihan kanina dahil sa tingin ko ay nagmamadali talaga ito. Simula nang magising ako mula sa pagkacomatose may isang taon na ang nakakaraan, wala pa akong ibang napupuntahan na lugar bukod dito sa bahay at isla na hindi ko pa nagagawang libutin dahil sa mahigpit na pinagbabawal ni Conrad ang paglabas ko ng bahay.

Pumikit ako at pinilit na may maalala na kahit anong imahe sa utak ko, pero bigo ako, 'gaya ng dati sa tuwing sinusubukan kong may maalala. Nawala ang alaala ko dahil sa aksidente na nangyari na ayon sa kuwento sa 'kin ng asawa ko, nasusunog daw ang dati naming bahay at para raw mailigtas ko ang aking sarili, tumalon ako mula sa ikalawang palapag ng dati naming bahay at naging masama ang pagbagsak ko dahil sa tumama raw ang ulo ko sa isang bato na naging dahilan para macomatose ako ng ilang buwan at mabura ang mga alaala ko.

Wala akong alam na kahit ano tungkol sa sarili ko. Nabubuhay ako ayon sa kung ano ang sinasabi ni Conrad, siya raw ang higit na nakakakilala sa 'kin kaya kung ano ang sinasabi niya ay sinusunod at ginagawa ko.

Saktong paglabas ko ng banyo ay ang pagbukas naman ng pinto ng main door ng bahay at iniluwa nito ang asawa ko na nakasuot ng abohang long sleeve habang may bitbit na black suitcase. Nagtama ang mga mata namin ni Conrad na marahan akong pinasadahan ng tingin hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa parteng baba ng katawan ko. Doon ko lang napagtanto na tanging cycling at maluwang na pang taas lang ang suot ko habang nababalot ng tuwalya ang basa kong buhok. Napansin ko ang paglunok ng asawa ko at ang malalim nitong paghinga kaya naiilang akong tumagilid at tanggalin ang tuwalya sa buhok ko para isabit ito sa balikat sa harapan ko.

"Kumain ka na?" Basag ko sa katahimikan. "Maghahain ako-"

"Kumain na ako sa labas," medyo napaatras ako dahil sa paglapit ni Conrad na iniaabot ang suitcase na kinuha ko naman. Napakurap ako nang dahan-dahang tanggalin ni Conrad sa pagkakabutones ang suot niyang long sleeve.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon